87

89 4 3
                                    

Hunter

"Hoy, tulungan niyo akong pumili ng susuotin ko kasi hindi ko alam kung ano magandang suotin," I said to my friends. "Mag-hubad ka na lang," Nathan joked. "Tangina mo," I cursed.

"Ang suotin mga simple lang pero malakas ang datingan," Flynn suggested. "Malakas na appeal ko, Flynn pero thank you sa suhestyon mo," I winked.

I decided to wear a black long sleeve and slacks pants tapos adidas white stan smith.

"Oh naks! Date 'yarn?" Nathan joked. "Hayop ka, hindi mo na nga ako tinulungan may gana ka pang sabihin iyan," singhal ko sa kaniya na ikinatawa na lang niya.

Nag-paalam na ako sa kanilang dalawa.

Finally after a year of admiring her, magkikita na kami ni Amara.

Honestly, I liked her from the very beginning. 'Yung hindi pa siya kilala bilang author. Nakita ko siya sa university meet known as UAAP. She really caught my attention.

Hindi ko alam bakit ako pinanghinaan ng loob na makausap siya personally at nagtago na lang sa fan account ko for her.

Ilang buwan niya akonga iniinbox pero ito naman si Tanga go lang kahit mamukha ng tanga para lang mapansin.

She had a great masterpiece. Napakaganda at malinis ang pag-susulat niya. Isa pa iyon sa pinakahinangaan ko sa kaniya.

Hindi niya pinapansin ang mga naninira sa kaniya...tuloy pa din siya sa kung ano ang gusto niya at nasimulan niya.

Nang makita ko siya, agad akong nanlambot sa kaniyang kagandahan.

Lord handa na ulit ako magpa-trauma basta sa kaniya lang po.

Napansin kong pagiging tulala niya, kaya pinagaan ko naman ang atmosphere para hindi siya mailang sa akin.

It was easy to be with me dahil lagi akong may baon jokes at mga topics.

Kaya ang tawag nila sa akin extro man. I'm an extroverted person kasi kung magiging introvert ka habang buhay mahihirapan silang pakisamahan ka.

Ang ganda niya talaga shet.

The whole ride, naging magaan ang atmosphere namin hanggang sa mauwi ko siya ng ligtas.

"Oh ganda ng awra ah? Success ba?" bungad ni Flynn ng maka-uwi ako sa dorm. "Oo naman success pa sa success," I laughed.

"Nililigawan mo na ba?" pang-aasar nila sa akin. "Gago, kakikilala ko pa lang sa tao. Anong ligaw agad? Parang baliw mga buwiset," saad ko.

"Ang tagal mo ng gusto iyan si Amara kaya hindi malabong ligawan mo na agad," natatawang sambit ni Nathan. "Gago hindi muna. Gusto ko muna siya makilala bago ko gawin iyon," I said.

"Ayan, may tama ka ng ginawa. Huwag niyong madaliin. Baka kapag minadali niyo pareho lang din kayong masasaktan ni Amara kung sakali," Flynn said. "Oo naman. Step by step siya. Ayokong ma-pressure siya sa presence ko," I said.

"Tama ka naman, huwag mong i-pressure kasi kapag na-pressure iyan baka iwan ka na lang niyan ng hindi mo namamalayan," Nathan said.

"Alam niyo? Ang titino niyo atang kausap ngayon?" I joked. "Tangina nito, minsan na nga lang ako mag-seryoso gagaguhin pa ng hayop," singhal ni Flynn.

"Nakakapanibago lang, kasi hindi ko pa naman kayo nakikita na mabaliw ng malala sa isang babae," pang-aasar nila. "Iyan ang 'di ka naman sigurado," natatawang sambit ni Flynn.

"Hoy, may ginawa kang kababalaghan 'no?" saad ko. "Gago naman nito, siyempre wala 'no. Alam kong gago ako pero hindi ko iyon magagawa 'no," Flynn said.

Napa-iling na lang ako sa kaniya.

"Wow aminadong gago," Nathan laughed. "Atleast aminado ako eh ikaw kasi playboy kang hayop ka," Flynn cursed.

Ewan ko ba bakit naging kaibigan ko mga ito. Minsan matitinong kausap. Minsan demonyo. Minsan gago. Basta ang random nila minsan kausapin.

Pero thankful ako dahil nakilala ko naman sila. Thankful ako dahil sila ang taong hindi ka ituturing na iba.

But I'm also thankful that I met Amara, the one who I can admire the most.

The strong girl I've ever met.

"Kailan ulit kayo mag-kikita?" Flynn suddenly asked. "Kakikita lang namin, chill lang muna kayo grabe naman kayo," natatawa kong sambit.

Pumasok na ako sa banyo to take a half bath.

Nang makalabas ako ay nakita ko naman silang naka-higa na sa kanilang mga kama.

"Hindi ka ba natatakot? Na baka ignore ka na niyan after niyo mag-kita," Nathan suddenly asked. "Hindi naman, alam ko naman kasing hindi iyon gagawin ni Amara sa akin," I said.

Humiga na din ako.

"Paano kung isang araw magigising ka na lang, iniiwasan ka na pala niya?" Flynn said. "Tangina niyo, ano ba mga nakain niyo at grabe kayong mag-overthink?" naiinis kong tanong.

"Wala naman, hindi lang naman namin maiwasan kasi kaibigan ka namin. Hindi ka naman iba sa amin. Hindi mo din kami masisisi na ganito kami mag-isip kasi alam mo naman no'n ang nangyare sa iyo," Flynn said.

"Matagal na iyon Flynn, binaon ko na sa limot," I said. "Pero alam kong nasaktan ka doon," saad niya. "Oo pero kinalimutan ko na," seryosong sambit ko. 

Ayoko ng maalala iyon napaka-pangit na nangyare sa aking 2 years ago. Simula kasi no'n hindi na ulit ako nag-mahal dahil ayoko na...

Pero nang makilala ko si Amara, I'm more than willing to take a risk for her kahit na masakit iyon para sa akin. 

Admiring AmaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon