CHAPTER 2

584 26 349
                                    

Some of the scenes in this chapter are based on true events particularly on the debate questions and its answers.

~~~~~~~~~~~~~~~~

/Leni/

"Salamat pareng Chiz sa masarap na snacks na pinakain mo sa amin. Nabusog kami."

Mabilis akong lumingon sa direksyon ng pinto nang ito ay bumukas at tumambad doon si Senator Honasan na nakahawak sa kanyang tiyan, pahiwatig na siya ay busog na busog.

Nasa likuran niya ang iba pang mga kalalakihan na naghahalakhakan sa kung ano man ang kanilang pinag-uusapan na para bang hindi iniisip ang posibleng sasabihin sa nararating na debate.

"Aba'y syempre luto ng asawa ko 'yon." tinapik ni Senator Chiz sa balikat si Senator Honasan saka umupo sa kani-kanilang pwesto. Ganoon rin ang ginawa ng iba pang mga lalaki.

Nang pumasok ang pinakahuling lalaki sa loob ng kwarto, tila nawala lahat sa aking paningin ang iba pang taong nandidito. Para siyang isang magandang imahe na hindi mabura-bura ng mga mata ko.

Iniyuko ko na lamang ang aking ulo dahil hindi ko nagustuhan ang aking mga naging reaksyon sa tuwing nasisilayan ko siya. Mahigit isang oras pa lamang namin nakita muli ang isa't-isa ngunit nagkaka ganito na ako.

Ilang segundo pa ang lumipas ay tila nakatatak na sa aking ilong ang halimuyak niyang magpapa-alala na naman sa akin sa tuwing nakakaamoy ako ng katulad niyon sa kung saan man ako mapapadpad. Nagsitaasan ang aking mga balahibo nang maramdaman ko siyang nakatayo sa gilid ko.

"Mrs. Robredo, you might want to fill some great food in your stomach before our job starts."

Dahan-dahan kong ginalaw ang aking ulo na kanina pa nakayuko at nakita ang palad niyang nakabukas, laman niyon ang supot ng dalawang piraso ng empanada na gawang Ilocos.

Napalunok ako nang marahas hindi lang dahil sa nakakatakam ang mga iyon kundi dahil na rin sa naalala niya na ang empanadang Ilocos ay isa sa mga paborito kong kainin at ipabili sa kanya noon  sa tuwing pupunta kami sa kanyang probinsya.

Seryoso lang ang kanyang mga mata na hinihintay akong kunin ang supot na nasa palad niya. Kasabay ng pagkuha ko ay ang pagdampi ng aking kamay sa kanyang balat dahilan para maradaman ko ang kuryenteng dumaloy sa aking buong katawan na minsan ko nang naranasan ilang taon na ang nagdaan.

"S-Salamat." kinakabahan kong sabi. Mabuti na lamang at hindi niya naisipang tumabi sa akin, sa halip ay tumungo siya sa kinaroroonan ng mga nagke-kwentuhang mga lalaki. Bago siya tuluyang umupo, tumingin muna siya kay Senator Trillanes kasunod niyon ay sandali niya akong sinulyapan.

Ilang segundo pa akong parang tangang nakatingin sa pagkaing hawak ko. Hindi ko alam ngunit bigla na lamang akong napangiti, nagbabalik ang mga ala-ala na akala ko ay naibaon ko na. Hindi maikakaila na malakas pa rin ang epekto niya sa akin.

Habang kinakain ang empanadang binigay sakin ni Senator Marcos ay may kumatok sa pinto dahilan upang matigilan sandali ang mga kalalakihan sa kanilang usapan. Pagkatapos ng tatlong katok ay iniluwa noon ang isang staff na nakaputi. “Sorry to interrupt po mga Senators and Congresswoman but the debate is about to start. I’ll escort you na lang po papuntang backstage.” magalang nitong sambit at tinanguan lamang siya ng mga kasama ko. Isa-isa na rin silang nagtungo sa pintuan, handa nang sumabak sa debate.

Patayo na sana ako nang maramdaman ko ang isang bagay na nakapatong sa hita ko. Doon ko lang napagtanto na hanggang ngayon ay nasa akin pa rin pala ang coat ni Senator Marcos na ipinatong niya sa akin kanina. Agad akong lumapit sa kanya nang makitang papalabas na siya kasunod ni Senator  Escudero.

Secluded  (BongLeni FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon