CHAPTER 29

215 10 19
                                    

"Nasaan na ba kasi si Diego? Nandoon lang siya sa park kanina imposibleng makaalis siya ng Naga ng ganoon kadali!" kagaya ng isang talon, walang pigil sa pagtulo ang aking mga luha animo'y galing pa ito sa malaking dagat na dumaloy sa samut-saring katubigan na sa huli ay bagsak pa rin ng bagsak.

"Diba sabi mo dito pumupunta ang mga gobernador kapag bumibisita sa isang lugar?! Bakit wala siya!" siguro hindi na mabilang ang ilang ulit kong pagpunas sa tubig na bumubuo sa aking mata. Nakasandal ako sa bintana ng sasakyan, hawak ang aking sentido, pilit kinokontrol ang pag-iyak kahit hindi ko naman talaga kaya.

"Sir... bakit wala siya! Kailangan ko siyang makausap!" walang imik ang katabi ko, pinapakinggan niya lang ako matapos nito ihinto ang sasakyan sa tabing kalsada. Nasa tapat namin ang city hall at kung saan-saan na kami napapadpad. Kani-kanina lang galing kami sa bahay ng gobernador ng Naga pero wala raw doon si Diego.

Bakit naman kasi ang sama ng iniisip niya. Bakit hindi niya ako hinayaang makapagpaliwanag. Nababaliw na ako rito kakaisip na baka nasabi niya kay Bong ang lahat at sa oras na mapuntahan ko siya ay hindi na niya ako tatanggapin. Iisipin ni Bong na ang bilis ko siyang pinalitan ng wala man lang pasabi. Alam kong masasaktan siya ng sobra at hindi ko kakayanin iyon. Diego naman kasi e... nakakainis.

"Bumalik tayo sa bahay ni Governor. Baka naroon na..." halos hindi na ako makahinga. Ang sakit na rin ng lalamunan ko kasi hindi ko magawang sumigaw ng napakalakas. Nagbukas naman siya ng tubig pero tinanggihan ko 'yon. Wala akong oras para diyan. Namomoblema na nga ako dahil ilang buwan ko na siyang di nakikita, tapos ito pa.

Ang labo... ang sama-sama naman ng pag-iisip ni Diego sa akin. Alam naman siguro niya kung gaano ko ka mahal ang kaibigan niya at ang pinakahuling gagawin ko ay maghanap ng iba. Sa katunayan hindi ko talaga magagawa 'yon.

Walang sinabi si Sir Jesse. Mabilis lang siyang nagmamaneho pabalik sa bahay ni Governor. Ang laki pa rin ng pag-asa ko na masumpungan si Diego roon. Ngunit kaagad lang ding napako ang katiting na pag-asang namumuhay sa puso ko nang marinig ang sinabi ng kasambahay.

"Wala na ho si Governor Buenaventura. Kanina pa po nakaalis."

Napabagsak na lang ang aking balikat. Nagulat pa nga ang babaeng kausap namin dahil sa biglaang pagsigaw ko kaya humingi na lang ng pasensya si Sir Jesse at nagmaneho na paalis. Medyo nataranta pa siya sa reaksyon ng kasambahay, akala siguro pinaiyak ako ng katabi ko.

Malalim na buntong hininga ang ginawa niya. Napatingin siya sa aking gawi, tila nagdadalawang-isip sa dapat sabihin. Wala na akong pakialam kung magmukha akong baliw dito. Hindi dapat nangyayari 'to. Hindi dapat malaman ni Bong 'yon. Hindi dapat siya magkamali ng iniisip dahil kahit kailan hindi ko magagawang maghanap ng iba.

"K-kailangan ko siya makausap... kailangan ko makausap si B-bongbong..." nahihirapan na rin akong magsalita. Sigurado talaga akong sasabihin 'yon ni Diego at ako ritong tanga hindi alam kung paano siya kokontakin. Lintek...

"Kumalma ka, Leni. Magagawan natin 'to ng paraan. Pasensya na at-

"Wala na akong paki sa pasensya mo o sa pasensya ng kahit sino! Hindi mo pwedeng sabihin sa akin na kumalma ako!" pareho kaming nagulat sa sigaw ko. Naghahalo-halo na rin kasi ang mga isipin, kung ano ang dapat kong gawin upang makahanap ng solusyon kaya ko nagawa 'yon. Napatikhim na lang si Sir Jesse. Nakonsensya rin ako kaagad kaya mabilis akong humingi ng tawad.

"Hindi ko sinasadya. Natatakot lang ako na tuluyan na nga kaming maghiwalay. Ang dami ko ng kasalanan sa kanya..."

"Trinaydor ko siya... trinaydor ko siya kaya siya napunta roon. Kasalanan ko 'to. Trinaydor ko siya. Ang kapal ng mukha ko para mahalin pa rin siya hanggang ngayon. Gusto kong makabawi pero wala akong magagawa." dagdag ko paulit-ulit na sumasagi sa aking isipan ang salitang traydor. Totoo naman eh, isa ako sa mga taong nagpahirap sa kanya. Sa lahat, ako pa talaga na minahal, at mahal niya ng sobra.

Secluded  (BongLeni FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon