CHAPTER 53: End of Secluded

242 14 51
                                    

A/N: tapos na ang secludeddd pero don't worry dahil may book 2 pa ito. Abangan nyo na lang. Thankyou nga pala sa mga nag abang at sumuporta sa story na'to, sobrang thankful kami sainyo! Happy New Year guys!

-IML8T3, AliterIdem15


/Bong/

I've been searching for Leni for quite some time now. Tinatawagan nga ako ng mga kapatid ko at nakatanggap na naman ako ng sermon galing kay Manang Imee. But that didn't stop me from calling, texting, and driving to OVP just to see her. Kung saan-saan na ako napapadpad.

Where the heck is she? Pang ilang linggo ko na 'tong paghahanap sa kanya and my last stop is her house... again.

My mood lit up when I saw a black car parked near the gate. Dito lang ako sa tapat baka kasi nandun ang mga anak niya. Gustong-gusto ko na talaga siyang makausap. Gusto kong itanong kung bakit niya nasabi ang mga 'yon. I thought... she really meant it. Akala ko totoong gusto niyang hatiin ang posisyon ng tatlong taon.

I mean, maiintindihan ko naman sana siya. Iyong akin lang ay bakit tinawagan niya pa ako gamit ang pangalan ng headquarters niya para sabihin ang desisyon na iyon. Umasa ako. And that's something that I want to ask.

Pati ang mga statement niya sa interview. Nasaktan ako roon.

But right when I was about to message her para sabihan siyang nandito ako, I saw her walking fast holding Antonio Trillanes' wrist. Tumigil sila saglit sa may gate para mag-usap siguro.

Anong ginagawa ng lalaking 'yan dito? Nang bumaba ang tingin ko sa kamay niya, di na niya suot ngayon ang relong bigay ko na palagi naman niyang sinusuot simula noong nagkabati kami.

Ano na naman ba ang nangyayari? I'm so confused. Noong isang araw lang ang saya pa namin tapos... may nangyari pa. Tapos bigla na lang magkakaganito.

"That necklace really suits you. Masaya si lola sa langit dahil suot ng magandang babae ang kwintas niya." hinimas naman ni Leni ang gold necklace na iyon. Malaki ang ngiti niya.

What is this? Ano... bakit? Akala ko... ako?

Akala ko... ako na ulit?

My grip on the steering wheel tightened. Lumalim ang aking paghinga dahil sa kabang nararamdaman. I closed my eyes to calm myself. I don't want to make a scene at mas lalong hindi ako pwedeng makita ni Trillanes dito. Napasandal ang aking noo sa manibela, ilang segundo akong naging ganoon pero nang mapatingin ako ulit, nakaalis na pala sila.

Balak ko pa sana silang sundan pero nakita kong lumabas si Aika. Palinga-linga ito tila ba may nais obserbahan at malaman. Tinanaw niya ang papaalis na sasakyan sakay ang mama niya at ang lalaking 'yon.

I opened my car's window, smiling and waving at her. Her eyes lit up, seeing me. Mabilis itong naglakad palapit sa akin.

"Sir ano po ang nangyayari? Bakit nag-away ulit kayo ni mama?" She's so concerned. Siya lang kasi ang nakakita kung gaano kami kalapit ni Leni sa isa't isa nitong huling mga linggo. And I don't even know why sa lahat ng mga anak niya si Aika lang ang mabait sa akin.

At sa kanya magaan ang loob ko.

"That's why I came here to ask your mother about that. I've been wanting to see her for weeks but it seems that she's intentionally ignoring my messages." napayuko ako at napabuntong hininga.

Yeah, intentionally. Seems like it.

"Okay lang po ba kayo? Kumusta po?"

"I'm okay. Thanks for asking. Iyong mama mo, ayos lang ba siya?" mukhang maayos naman.

Secluded  (BongLeni FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon