CHAPTER 17

303 16 28
                                    

Ang kalalabasan ng picture

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang kalalabasan ng picture

April 21, 1984

/Leni/

"Are you okay?"

Ang nag-aalalang mga tingin ni Bong ang sumalubong sa akin pagkatapak ko sa loob ng sasakyan. Dalawa lamang ang klase ko sapagkat Sabado naman ngayon at nakaugalian na niyang sunduin ako pagkatapos ng aking huling klase sa araw-araw.

Malapit na rin kasi kami mag isang taon pahiwatig na nalalapit na rin ang aking kaarawan dahilan kung bakit napapadalas ang aming pagkikita.

"Ayos lang ako, sweetheart. Ikaw ba? Kumusta ka naman? Hindi ka ba napagod sa trabaho?" sa nagdaang mga buwan, hindi ako nagkulang sa pagtatanong sa kanya tungkol sa mga nangyayari sa kanyang buhay. Sinisigurado kong ayos lamang siya at sinasabi niya sa akin ang lahat.

Hindi man naging perpekto ang nagdaang mga buwan na iyon, nagkaroon man ng kaunting pagtatalo pero kaagad lang ding maaayos dahil sinisikap ni Bong na hindi maabutan ng gabi ang aming hindi pagkakaunawaan at iyon ang pinaka nagustuhan ko sa kanya. Hindi niya pinapairal ang kayabangan sa sarili.

Sa seryosong mga tingin pa lamang niya na hindi makapaniwala sa aking sagot ay alam ko nang alam niyang may problema ako. "Oh come on, Leonor. Alam ko na ang mukhang iyan, hindi 'yan okay." marahan nitong hinawakan ang baba ko saka iniharap sa kanya. Basta't naririnig ko na ang 'Leonor' sa kanyang bibig, otomatiko nang magdidikta ang aking utak na magsabi ng totoo.

Bihira ko lang makitang magalit si Bong, ang haba ng kanyang pasensya sa akin kahit minsan ay hindi talaga maiiwasan na umiral ang kabataang naninirahan sa loob ko. Ngunit minsan ko na siyang nakitang magalit noong naglihim ako ng problemang bumabagabag sa akin. Sanhi iyon sa pagka inis ko nang hindi kami nakapag date dahil sa abalang schedule niya sa trabaho. At sasabihin ko ang totoo, nakakatakot magalit si Bong. Tunay ngang wagas magalit ang taong mabait.

"Hindi ba't marami kang trabaho ngayon? Baka makakaabala lang kung... sasamahan mo pa ako." naging governor na pala si Bong ng kanilang probinsya, siya ang pumalit sa kanyang tiyahing bumaba sa pwesto sa pangkadahilanang kalusugan.

"Kailan ka ba naging abala sa akin? You're my priority, Leni." inilapit niya ang kanyang sarili sa akin upang magkaroon kami ng mas masinsinang pag-uusap.

"Now, what's our problem?" ang mga mata niya ay alalang-alala animo'y naramdaman din ang kalungkutang aking pinagdadaanan.

Huminga muna ako ng malalim saka'y unti-unti nang bumubuo ang iniisip ko ilang araw na ang nakalipas. Ito ang bumabagabag sa akin sa araw-araw at kung wala man akong masabihan baka sasabog ako ng mag-isa.

Hindi ko ba malaman kung bakit nag-iba ang kilos ng aking ama sa mga araw na nagdaan. Parang mas mahigpit siya ngayon. Hindi na niya ako basta-basta pinapayagang lumabas ng ako lang, minsan nga ay hindi siya sang-ayon kahit si Bong naman ang kasama ko. Hindi siya ganoon, ngayon pa lang.

Secluded  (BongLeni FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon