CHAPTER 42

248 17 27
                                    

Good morning guyssss!!! In celebration for our 10k reads, we would like to share to you all this chapter. Salamat talaga sa lahat ng inyong suporta. Sana ay patuloy pa rin kayo sa pagsubaybay sa story na ito.

/Leni/

"Are you okay? You seemed bothered. Parang kanina ka pa may hinahanap ah?"

Napatigil ako sa pag linga linga nang magsalita ang aking katabi. Tuluyan na kaming iniwan nila Chiz dahil hanggang ngayon ay di pa rin sila bumabalik. At eto ako, kanina pa hinahanap ang taong di ko naman dapat hanapin.

"Ah wala. Okay lang ako." Sambit ko bago huling sumulyap sa pintuan, nagbabakasakaling pumasok siya ngunit bigo na naman ako. Ayos lang kaya siya?

Di ko ba malaman kung bakit nagsusungit ako ngunit bigla bigla ring makokonsensya. Masyado ba akong naging harsh kanina?

Nang ilang minuto na ang lumipas ay di pa rin siya bumabalik, napilitan na akong magpaalam upang tignan kung maayos siya. Bakit nga ba ako nagaalala doon? Akala ko ba wala na akong pakialam?

"Excuse me, punta lang akong washroom." Pagdadahilan ko, hindi na hinihintay pa ang sagot ni Antonio at tsaka kumaripas ng lakad patungo sa kung saan. Para akong ewan na hindi malaman kung saan pupunta. Nasaan ba kasi 'yon?

Pumunta ako saglit ng washroom ngunit wala naman. Sinubukan ko rin na lumabas saglit patungo sa parking ngunit hindi ko na siya mamataan. Umalis na ba siya? Nakakakonsensya naman na hindi man lang ako humingi ng tawad ng maayos.

Teka, bakit ba ako apektado? Bakit ba nageffort pa akong lumabas para lang hanapin siya? Matanda na siya kaya kaya naman na siguro niya sarili niya. Tsaka sino ba ako para magalala? Ay ewan, ang gulo ko.

Muli akong tumingin sa paligid, nagbabakasakaling makita siya. Nang hindi siya matanaw ay sumuko na ako. Bahala na siya. Atleast nag effort akong hanapin siya upang magsorry. Enough na siguro 'yon.

Palakad na sana akong muli sa loob ngunit para akong naligaw. Hindi ko pa man din masyadong kabisado ang pasikot sikot dito dahil baguhan pa lamang ako sa Malacañang. Puno rin ng mga sasakyan na halos magkakaparehas lamang ang laki. Nakakalito tuloy kung saan ang daan pabalik.

Habang naglalakad ay may narinig akong tunog ng sasakyan. Lumapit ako upang sana ay magtanong kung saan ang pabalik sa loob ngunit agad akong napako sa kinatatayuan ko dahil sa di ko inaasahang makita.

Siya. Nakatayo sa aking harapan, walang saplot pang itaas.

Hindi ko maiwasang hindi siya pagmasdan. Ilan taon na rin simula noong huli ko siyang makitang ganyan. Napalunok na lamang ako. Bakit ba parang pinagnanasaan ko siya?!

Nanlaki ang mata ko at tila nataranta nang makita kong lumingon ito sa akin habang hawak ang isang pink na polo na siguro ay pamalit niya. Sa taranta ko ay nagtago ako sa gilid ng van niya at napatakip pa sa mata.

"Ah, ano. Kasi- yung" putangina bakit ba ako nauutal?! "Sinundan lang kita p-para sana humingi ng ano ng tawad- oo yun nga." Sambit ko habang nakatakip pa rin ang mga kamay sa aking mata. Para akong tangang nagpapaliwanag kahit di naman niya tinatanong. Rinig ko namang sumarado ang pinto ng kanyang sasakyan.

Pinakiramdaman ko lamang ang kanyang mga kilos. Ayokong tanggalin ang takip sa mukha ko. Baka mamaya kasi isipin niya namboboso pa ako.

Narinig ko ang mahina nitong pagtawa at naramdaman ko na lamang na hinawakan niya ang kamay ko upang ilayo ito sa aking mukha. Pagdilat ko ay napakalapit na namin sa isa't isa. Ngayon ay nakabihis na siya ng kanyang pink na polo ngunit nakabukas ang tatlong butones nito. Di ko tuloy maiwasang paulit ulit na kumarap at lumunok. Nakangisi lamang ito habang nakatingin sa akin at unti unting lumalapit. Napaatras ako sa aking pwesto at pinagsiksikan ang sarili sa pinto ng sasakyan kahit wala na akong maatrasan pa.

Secluded  (BongLeni FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon