CHAPTER 51

309 18 79
                                    

See niyo po link sa taas. Based on original event po siya.

/Leni/

Ang mahihinang tunog na galing sa labas sanhi sa dami ng tao at sa mga media na naririto ang nakatulong sa akin na ipagpaliban na muna ang tanong na matagal ng bumabagabag sa aking isipan. Narito ako nakaupo sa backstage, hinihintay na pormal na magsimula ang event.

Para ito sa mga Yolanda survivors. Kasama ko si Presidente Duterte at itong isang nasa tabi ko na iniiwasan ko namang tignan. Di ko alam kung paano ayusin ang tanong ko o itatanong ko ba. Ewan. Ginugulo niya na nga ang isipan ko.

Walang tao rito sa backstage dahil lumabas ang Presidente para makipag-usap sa mga tao. Abala rin ang katabi ko sa telepono niya mukhang may katawag kaya di ko rin alam kung paano siya kakausapin. Bagong dating pa kasi siya samantalang kanina pa akong umaga na atat na atat nang makausap siya. Ayaw ko naman gawin iyon sa telepono.

Malaking bagay ang pag atras niya sa protest. Di ko alam kung magiging masaya ba ako kasi ang totoo niyan, inaalala ko rin ang magiging reputasyon niya. Iniisip ko rin ang kabutihan niya. At sa tingin ko sa mga nangyayari ngayon ay unti-unti niyang sinisira ang bango ng pangalan niya sa mga tao.

Pansin kong pinatay na niya ang tawag. Nakaupo siya nakatalikod sa akin. Kakalabitin ko ba? Mukhang ang lalim din ng iniisip niya eh.

Magtatanong o hindi?

Magtatanong.

Hindi na lang.

Tangina.

"Bakit mo ginawa 'yon?" napapikit ako ng mariin sa desisyon ko. Dapat lang na pag-usapan namin 'to. Matagal bago niya ako nilingon nang siguro ay napagtantong siya ang kinakausap ko dahil wala namang ibang tao rito.

"Ang alin?" nakaharap na siya sa akin ngayon. Isinandal niya ang kanyang likod sa upuan at napakrus ang dibdib tsaka inayos-ayos ang buhok.

"Bakit mo inatras?" pagliliwanag ko.

Tumikhim ito sabay ang pagbuntong hininga. Nakasuot siya ng sunglasses kaya ito ay kinuha niya at isinabit sa damit pagkatapos ay muling napakrus ang mga braso.

"Because I want to prove to you na mas mahalaga ka sa akin." titig na titig siya. Halos hukayin niya na ang kailaliman ng mata ko dahilan para ako na ang unang umiwas at nagpanggap na lang na tinitignan ang magazine na nakapatong kanina sa lamesa.

Shutang magazine 'to puro naka brief na mga lalaki. Sino ba ang nagdala nito rito?! Nakakahiya tuloy na tutok na tutok ako. Nawala sa isip ko ang sinagot niya. Paninindigan ko na lang ang pagtingin ko sa putanginang 'to para hindi ko siya matignan. Ang awkward.

Ewan ko pero ramdam kong pinagmamasdan niya lang ako. Hinihintay siguro ang aking sagot. Ano ba dapat ang sabihin ko?! Nagulat na lang ako nang marahas niyang hinablot sa aking kamay ang magazine. Napilitan tuloy akong tignan siya.

"Ano ba 'yan seryoso na ako rito tapos ikaw nakatingin sa mga nakahubad na lalaki diyan." pagrereklamo nito, hinagis sa kabilang bahagi ang magazine. Di ko naman kasi intention na tignan 'yon! Di ako tumingin sa mababang parte noh tsaka mga mas bata sa akin ang models dun.

"Alam mong masisira ang reputasyon mo pero ginawa mo pa rin." sabi ko nang makabalik na sa katinuan ang aking utak. Ganoon siya ka sigurado sa akin, sa amin para gawin iyon. Handa siyang masira para na naman sa akin at ngayon ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"I know. But who cares about the title and reputation. You're much more important for me Leni. You're my everything. Aanhin ko ang titulo at posisyon kung wala ka naman sa tabi ko, kung nasasaktan kita."inilapit niya ang upuan para magkadikit kami. Biglang lumambot ang puso ko roon. Naiiyak ako pero ayaw ko naman ipakita sa kanya.

Secluded  (BongLeni FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon