"Maganda nga bobo naman. Makinis lang ang mukha pero galisin ang buong katawan. Malalaki ang pilat sa binti ng sinasabi mong gusto mong ligawan. Iyan ba ang maganda para sa iyo Pare?" Si Jaime iyon na tawang tawa sa pambubuska sa kaibigang si Resty."Gusto ko kung may makinis na mukha, from head to toe makinis lahat kahit hindi ganoon kagandahan basta kaya kong sikmuraing kasama ko sa buong magdamag at iyon ay pang habambuhay para sa akin ha ha ha! " Dagdag pa ni Jaime para ipamukha sa kaibigan ang kawalan ng taste nito sa pagpili ng gagawing girlfriend.
Matagal na katahimikan ang namagitan sa pagitan ng dalawang lalaki. Parang nagpapakiramdaman ang dalawa kung itutuloy pa ang usapang sinimulan. Kung magkakapikonan na naman sila, laging talunan si Resty sa tindi ng paninita ni Jaime sa maraming bagay bagay pero best friend talaga silang dalawa.
"Huwag mong sabihing gusto mong balikan si Shelly na ex mo na Resty." Tinitimbang timbang pang tanong ni Jaime.
"Hay naku walang ex na karapat dapat balikan Pare." Nailing pang dagdag nito.
"Kalimutan mo na nga muna ang usapang iyan Jaime. Akala ko ba narito tayo para magbakasyon, magpalipas ng sama ng loob dahil sa mga babaeng gusto nating ibaon sa limot. E ano at usapang girlfriend na naman ang pupuntahan natin. Maglilibang tayo kaya umpisahan na nating magtingin tingin ng magandang tanawin sa banda roon." at ininguso ni Resty ang natatanaw na karagatan sa hindi kalayuan ng kanilang pinagtambayan.
Natanaw nila na maraming turista ang dumarayo sa Almjdlila Resort kaya sila ay isa sa mga iyon. Isang probinsya ang kanilang napiling puntahan ni Jaime para sa mga paasang babaeng na walang ginawa kundi ang manakit ng damdamin nang katulad nila.
Sila ang mga biktima at fling ng mga babaeng akala nila ay pang forever na. Sumeryoso pero ang kapalit noon ang masakit na katotohanang pampalipas lamang pala dahil mga Seaman ang tunay na nakahandang ibigin ng mga babaeng iyon. Testing period ang inabot nila pero mas matimbang ang mga Seaman na iyon.
Totoong minahal ni Resty si Shelly pero napakadaling mag move on ni Jaime nang iwan ito ni Marigold na kaibigan din ni Shelly. Parehas seaman pala ang boyfriend ng mga iyon kaya wala silang nagawa nang sabay makipag break ang dalawa sa kanila, dahil pababa na ng barko ang mga boyfriend para magpakasal.
"Sa mga gabing iniyakan ko ang kapighatiang iyon, hindi ko namamalayang halos napabayaan ko na ang sarili ko, kaya napilitan akong sumama sa iyo para ibahin ang focus." Si Resty habang binabaybay ang cottage na inupahan nila.
"In fairness flawless lang ang face ni Shelly Pare, kaya wag sobrang bitter. Hindi kayo bagay." Pampalubag loob naman ni Jaime dahil sa laglag na balikat ang napansin nito sa kaibigan. Daig pa ang natalo sa isang sugalan.
"Marami pang babae dyan at marami pa din ang pwedeng pagpilian. Don't take them seriously Pare." Tugon pa nito.
"Mukhang hindi ka naman apektado sa mga nangyari sa inyo ni Marigold, Jaime. Don't tell me nasa testing period din lamang siya sa buhay mo." Balik tanong naman ni Resty.
"Syempre masakit pero dapat bang ipakita nating nasasaktan tayo lalo ka na, parehas na tayong mawawalan ng pag asa kung sabay pa tayong weak sa paningin ng dalawang iyon. Ipinakita ko lang na hindi ako ang nawalan, her lost." Sumeryosong bigla si Jaime nang ipaalam ang tunay na saloobin.
"Bakit kung sa profession din lamang, hindi naman tayo mga jobless dahil mas malaki ang sahod nila sa pagiging Seaman, but we are grateful because we are working in the Philippines e sila kailangan pa nilang mangibang bansa para kumita. Nasabi din lamang namang Seaman, but kung sa position mas maganda naman ang mga profession natin. Kaya nga tayo buddy, isang Architect at Engineer. Lagi tayong mag kasama, malamang kung babae ako, tayo na Resty." hagalpak na tawa pa ni Jaime.
BINABASA MO ANG
Fear Not To Love Again
RomanceBoyfriend ni Amihan si Jeth na nasa Canada. Hindi successful ang long distance love affair nila, no formal break - up hanggang nakilala si Jaime Montalban na seriously in love sa kanya. Ano ang gagawin ni Amihan? Jeth and Amihan have no yet final...