Chapter 3

1 0 0
                                    

"So you are here na mga Sirs.  I am the Receptionist assigns tonight. Na inform na din po ako ni Mam Amihan about the two new guys na bisita ng Almjdlilah. Ako po si Beth." At nakipagkamay na ang babaeng kaharap.

"Nice meeting you Beth." Sagot nilang dalawa ni Resty.

"On the way na po si Mam Amihan." Nakangiti pang tugon ni Beth.

Pinaupo na sila sa visiting area ng Clinic.

"Sir complete package may foot spa din, iyong Physiotherapist po ang gagawa ng dry needling for relaxation." Sagot pa ni Beth.

"So how many years this clinic exists Beth?" Interesadong tanong ni Resty.

"Bale pa two years pa lang po. Si Mam Amihan ang Administrator noong umalis ang anak ng may ari, turn over sa kanya pero on and off si Mam kasi may iba pa siyang trabaho aside from her position here. Ang mahalaga kaya niya mag supervise kasi nandito din ang Director na father ng may ari."

Napatango naman ang dalawa habang inililibot ang paningin sa kabuuan ng silid.

"Usually may leak ang ganyang style kapag cement then swimming pool." Obserbasyon ni Resty.

"But this one is nice idea Pare ha." Si Jaime na lalong nagandahan sa magandang pagkakagawa ng Clinic.

"Sir may waterproof naman po and sure no leak, high standard din ang materyales na ginamit nila. Affordable din ang price. Ito po ang best site ng Resort, ang pamatay nila sa mga turista." maayos na pakikiharap ni Beth sa bisita ni Amihan.

Bumukas na ang entrance door at si Amihan ang iniluwal doon. Ngumiti ito kaagad nang makita si Jaime pati na din ang lalaking naengkwentro kanina lang.

"Thanks you are here now. Beth salamat sa pag istima sa kanila. Dadalhin ko na sila sa pinahanda kong room para sa Spa." At niyaya na ang dalawa sa way ng room for two. May tig isang jacussi sa loob. Warm ang water doon. Nang iwan sila ni Amihan, nagsimula na silang magbabad.

Tahimik lang ang dalawa. Sobrang nakaka enjoy ang kapaligiran while listening to classical music na nakasalang. Napakaganda ng ambience at napaka memorable ng bawat minutong lumilipas.

"Type mo ba si Amihan, Resty?" biglang naitanong ni Jaime sabay mulat ng nakapikit na mata habang nakababad pa din ang katawan sa tubig.

"Not my type." Prangkang sagot naman ni Resty.

"Bakit? So okay lang sa iyo kung mag entrada ako kung sakali?" Lalong naging interesado pang tanong ni Jaime.

"Sure ka ba sa formula mo Jaime?" Balik tanong ni Resty.

"Yes! I am serious." Si Jaime at pinagmasdan ang kaibigan.

Napatingin pa ito sa kanya.

"Ganoon kabilis." Sabi pa ni Resty.

"Friendship is the good starting point I guess, hindi ko pa din naman ganoon kakilala. Masyadong mailap I have to tame her." Sabi pa.

"Sigurado ka ba sa papasukin mo? Pag isipan mong mabuti, probinsyana iyan at Manileño ka." At hindi na itinuloy pa ni Resty ang sasabihin.

"So what's the matter, there are means of communication, high tech na tayo ngayon unlike our parents' generation, the modern way of courtship is possible by all means as long as you are serious driving into it." si Jaime na seryoso sa huling tinuran.

"Okay susuportahan kita. Sa ngayon naka hang muna ako sa love love na iyan." Sagot ni Resty na halos hindi interesado sa mga pa effect ni Jaime.

"Tatanda kang mag isa kapag hindi ka pa kumilos ngayon. Tumingin ka sa ibang babae Pare, I want to settle down before turning 28 years old. At the age of 30 dapat tatay na ako." Natawa pang dagdag ni Jaime.

Fear Not To Love Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon