Chapter 9

0 0 0
                                    

 "Ito ang gusto kong sabihin sa iyo Amihan." At ipinakita ni Barbie ang nakalagay sa Bulletin Board ng City College kung saan sila nagtapos ng kolehiyo.

Balita iyon tungkol sa mga Monteclaro na nagbigay ng malaking halaga ang mga magulang at iba pa raw ang padala ni Jeth buhat sa Canada.

"So meaning successful na si Jeth sa Canada kaya bonggang bongga ang donation na gustong ibahagi sa ating Alma Mater, Amihan." Si Barbie na halos tumili dahil sa latest pictures ni Jeth Monteclaro.

Kuha ang mga larawang iyon sa ibang bansa nang minsang dumalaw ang mga magulang doon.

"Paano namang nakakuha kaagad ng Citizenship ang bruhong iyon kundi pa gumamit ng mga babaeng Canadian, asus Amihan pupusta ako na gustong ipamukha sa iyo ng mga magulang ng Jeth na iyan na hindi ikaw ang nararapat sa anak nila." Pagkumpirma pa ng kaibigan.

"Hayaan mo na sila Barbie. Nakapagbigay na ako ng assurance kay Jaime. Bibigyan ko ng chance ang ibang lalaki dahil para sa akin tapos na din kami ni Jeth. Sana nga kasal na siya doon para naman makapagsimula na ako sa ibang babe ko. Tama si Kuya Norman na mag move on na ako." Sagot naman niya.

"Sigurado ka na ba sa decision mo? Bat hindi mo kaya muna alamin ang totoo sa bibig mismo ng Jeth na iyan para alam mo ang totoong nangyayari, what if dahil ayaw ng mga magulang noon para sa iyo pero hello malaki pa din ang chance ninyo, hindi naman sila ang makikisama dahil parehas na kayong nasa tamang edad para sa inyong future. " Hirit pa ni Barbie.

"Ang bilin ni Nanay, iyong lalaking kayang manindigan ang lalaking dapat kong maging katuwang pagdating ng panahon, iyong hindi ako iiwan sa gitna ng laban, tingnan mo nga naman si Manag Vicky nang hindi nakayanan ang pagsubok, nangibang bahay na ang asawa at iniwan pati mga anak, sumama sa ibang babae dahil mabango na raw mayaman pa ang ipinalit sa kawawang Aling Vicky. Pinanghinaan ng loob at syempre karamihan naman ngayon ayaw ng mahirapan, gusto easy life." Sagot naman ni Amihan.

"At si Mang Carding ang lalaking hero para sa nanay mo. Naku ang sabihin mo iyang si Mang Carding walang pinagsisihan sa ginawang pagtanan sa iyong ina dahil in fairness maganda naman talaga si Nanay Lucila, ganoon naman talaga kaya nagagawang magtiis ng mga lalaki kahit sobrang hirap ng buhay. Kahit buong maghapong hirap at may magandang nakatunghay pagdating ng dapit hapon, sulit ang pagod. Si Manang Vicky naman kasi nagpakalosyang na, nawalan na ng ganang mag ayos, dapat talaga kahit nagkaka edad na kayong mga babae e wag pabayaan ang mga sarili dahil maayos ang ibang pahara hara sa kalye kaya mas maraming sumasama na sa iba at inaabandona ang tunay na pamilya. Kaya ikaw dapat lagi ka ding mag aayos pag dumating iyong time na gurang ka na dahil iba ngayon ang mga lalaki, walang pangmatagalan, tandaan mo iyan, pwedeng makipag agawan dahil marami pang pwedeng mabago sa buhay." Si Barbie na hinila pa siya para yayaing maupo muna sa bench ng kanilang paaralan noong Kolehiyo.

"Marami kang pwedeng balik balikan dito sa Campus dahil sa memories ninyo ni Jeth." Sagot pa ng bakla na halos pinagmamasdan ang reaction ng kasama.

"Hindi na effective sa akin ang mga ganyang sentimental Barbie, tama nga pala na marami pang nababago sa paglipas ng panahon and I admit, matured na nga siguro ako ngayon kaya parang wala lang ang mga noon." Matatag na sagot niya.

Kahit siya ay nanibago sa sarili. Hindi na din siya nagiging emotional pagdating sa usapang Jeth Monteclaro. Ang bakas ng kahapon ay tuluyang ibabaon na lang sa limot.

"Dahil ba kay Jaime, ano bang ginawa ng lalaking iyon at tuluyang nangibabaw na ang isang Jaime Montalban, magsabi ka nga ng totoo, nag kiss kayo noh., ang babaeng tigang at walang iba kundi si Amihan Dimalibot." At humalakhak pa ang bakla.

"Alam mo ang pag ibig hindi lang iyan pure romances Barbie, kapag tumanda kami parehas at hindi na pwede ang mga ganyang pa romance romance, ang kahahantungan na lang ay ang pagbabalik sa good friendship. Pure companionship and nothing else, kung kaya ninyong pagtiyagaan ang isa't isa na mag exchange ng mga opinion, ganyon ang level namin ni Jaime and I like him in that way, masaya din ako sa company noon to be honest." At halos kiligin pang tugon niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fear Not To Love Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon