Chapter 5

3 0 0
                                    

Nagkasundo sina Jaime at Amihan na magkita sa labas ng Resort. Kadarating lamang niya buhat kina Barbie at kaagad tumungo sa isang building kung saan ginawa ang volunteerism doon. Tumawag si Jaime at sinabing naghihintay na sa labasan.

Pinasakay na niya si Jaime sa kotse na minamaneho.

"So how's your day Amihan?" Si  Jaime at pinagmamasdan ang dalaga habang naglalakbay sila sa isang restaurant na nakareserba para sa kanilang dalawa. Snack time na ang aabutan nila.

"Heto enjoy enjoy lang. I am contented staying here for good na din Jaime. Salamat sa pinsan ko at sobrang pinagkatiwalaan ako. Ate Amethyst financed my driving lesson. Wala akong masabi sa family ng mother side ko, sobrang nakakahanga iyon dahil iilan na lang ang ganoon sa panahon natin ngayon. May iba akong relatives na nakikipag unahan at halos ayaw na sila ay maungusan, but Ate Amethyst is different from them. Alam mo ba Jaime, after graduation ko, inayos pa ang visit visa ko sa Dubai para may marating naman akong ibang lugar at lahat ginawa ni Ate iyon para sa akin but unfortunately ayaw talaga ng tadhana na marating ko ang lugar na iyon, ayos na ang lahat ng documents ko, nagpa red ribbon na din ako everything was all set; nakakatawa talaga ang buhay." Dugtong pa ni Amihan.

"So hindi mo napuntahan ang bansang iyon?" Tanong ni Jaime.

Napatango siya.

"The funny story behind is that, I am Dimalibot, seems to be I really have to change my surname, mukhang hindi ko daw talaga malilibot ang mundo dahil sa apelyidong dala dala ko ngayon. Sabi ni Ate Amethyst dapat noon pa inayos ang adoption paper ko gusto kasi akong ampunin ni Tito Manuel e sana Vergara din ako at malamang narating ko na raw ang iba pang lugar." Iyon ang bahagi ng buhay niya na hinding hindi malilimutan sa tanang buhay niya.

"You can still change your surname, marami pang mababago sa buhay mo, if somebody is willing to marry you, and your chance to change your world Amihan wala namang permanente sa mundo." Seryoso si Jaime.

"Bahala na si tadhana para sa bagay na iyan Jaime. Marami na kaming karibal ngayon nandyan ang beki; anong masasabi mo sa LGBT Community Jaime?" Tanong ni Amihan.

"Hindi naman ako against sa kanila pero I don't want to have transgender girlfriend. I want the real girl, iyong totoong babae as simple as that." tapat na pahayag ni Jaime.

"Wala naman kasi sa Bible na may bakla't tomboy. It is not that I tolerate them because I have gay best friend pero I always remind him na lalaki pa din siya in spite of every changes he has, sabi ko sa kanya mag asawa pa din ng girl." Aniya pang tugon sa kausap. Pinagmasdan pa niya ang hitsura ni Jaime.

"Marami akong nakikitang matandang bakla na nag iisa. Ganoon na lang ang buhay nila. Walang kasama, walang kumakalinga pero kung may kanya kanya silang pamilya syempre iba iba kahit paano may nagsisilbing anak at asawa." Si Jaime na halos gustong ipakita kung ano ang tama, what they prefer to have pero ang sinasabi ko is not always the desire of the sinful nature. Kung magiging makabuluhan ang buhay nila para sa iba, then go and spread but if they become bad influence in the society then stop to propagate. Iyon ang isa pang nakapagtataka, bakit sila dumarami." Si Jaime na naging interesado na din sa isyung pinag uusapan.

"Alam mo ba may isang estudyante akong nakausap kaylan lang at isa siyang panlaban sa journalism. Her entry is poetry. Napasama sa top five at ang topic is about LGBT. The content of her works is the personality of those gays that they are not dirty until the writer goes to fall in love with the gay. Sana ganon nga ang mangyari that in spite of their feelings, the choice is to marry the right girl. Pwede pa nga bang magbago ang mga katulad nila sa tunay na existence nila sa mundo." Patuloy pa ni Amihan.

"Barbie is my best friend. Gay iyon Jaime. Gwapo in fact Philippine version ni Matt Lanter na American Actor. Noong una ayokong makipagkaibigan sa mga gay kasi when it comes to love, they are absolutely and obviously my rivalry sa mga lalaking magiging boyfriend ba, until I met Barbie. He changed my views. Masayang kasama kahit babakla bakla. Ang kagandahan sa kanya nakikinig iyon sa akin, pag iisipan ang totoong normal na buhay na may asawa't anak. So nasa ibang level ang pagiging gay noon." Natawa pang sagot niya.

Fear Not To Love Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon