Chapter 7

2 0 0
                                    

"Mam Amihan anong masasabi mo kay Sir Jaime?" Isang umaga iyon nang pumasok si Amihan sa loob ng clinic.

"What do you mean anong masasabi ko?" Napakunot noong tanong niya sa kanilang Receptionist.

"Girls talk Mam ha, he likes you and ehem ehem liligawan ka noon for sure." Halos kiligin si Beth habang inaalala ang hitsura ni Jaime. "Nakakatuwa ang fair complexion nong Jaime kesa kay Resty, ang puti nong isa hindi ba Mam, parehas silang cute pero prefer ko iyong Pinoy na pinoy ang kulay." Lantarang pahayag ni Beth sa napansin sa mga naging bisita.

"Mga broken hearted din sila kaya namasyal nagiging healing venue ang Resort." Sagot pa niya.

"E paano iyan Mam mukhang nakakita ng new love si Sir Jaime at ikaw ang tipo. Ang lagkit kayang makatingin, parang nagiging twinkle little star. " At napahimig pa si Beth habang napakurap kurap pa ang matang napatingin sa kanya.

"Ang dami mong napapansin Beth. Magagalit si Ate Amethyst kapag nalaman niyang nagpapaligaw tayo dito. May tamang lugar kung saan dapat magpaligaw." Paalala ni Amihan.

"Kaya siguro madalas kayo sa labas ni Sir Jaime. Buong araw binakuran ka ba naman." Lalong kinilig si Beth.

"Hindi naman. Ganoon talaga customer sila dito, so we need to entertain them well para bumalik at marami pang makalaam ng may nag eexist na Resort dito, hatak turismo na din at iyon ang goal natin remember." Ipinaunawa pa niya sa kasamahan.

"Babalik iyon dahil ikaw ang pakay Mam. Walang lalaking hindi magtitiyagang makikipagkwentuhan lang ng wala lang." Panunumbok pa ni Beth.

"Magkahawak kamay kami noong lumubog sa dagat. Matagal kami sa ilalim, ayaw lang siguro akong malunod para nga naman safe kami parehas kung sakali, manipis ang palad, pang mayaman." Natawa pa si Amihan kung paano na-describe ang naranasan.

"Akala nila sa mga babae, users. Hindi ako gagamit ng lalaki para lang umangat ang buhay ko Beth. Masarap pa din iyong maramdaman mong mahal mo talaga ang isang tao. Talagang mahal ni Nanay ang Tatay kahit anong pagmumura ni Tito Manuel noon, tinanggap iyon siguro dahil damang dama ang pagmamahalan nila, magtitiis ba naman si Nanay, nag offer pa si Tito na ituloy ang pag aaral kasi Practice Teaching na lang pero tinanggihan pa din ni Nanay, sayang din nga ang opportunity ng Nanay. Ano pang magagawa, ginawa namang lahat ni Tito at hindi talaga nagkulang para mabago ang buhay pero choice na talaga ni Nanay kung anong kalagayan ngayon, balance dapat ang puso at isip pagdating sa pag ibig. Kaya ako hindi na ako magiging impulsive and aggressive." Ang tanging nasabi na lang niya.

"So wala na talaga ang first love?" Si Beth na nakikiramdam pa din.

"Oo naman, close chapter na kami ng ex ko. Kahit bumalik pa siya sa akin, hinding hindi na ako magpapauto, tama si Jaime, remove your x and be consistent to have your y." Natawa pa siya sa formula of love na iyon.

"Wow in three days of their stay, may pabaon pa, ang galing na mentor pala ni Sir Jaime. May natutunan ka pala Mam." Nangiti pa si Beth.

"Ipinamukha ko talaga na hindi users ang mga Vergara lalo na sa friend niyang si Resty. Kumukulo ang dugo ko sa first encounter namin ng lalaking iyon, naku kung hindi nag sorry si Jaime, talagang dadalhin ko sa buwaya ang dalawang iyon." Simangot ni Amihan nang maalala ang hindi magandang nangyari.

"Wala naman akong inilihim kay Jaime. Sinabi ko sa kanya na kung talagang kami, gagawa ang tadhana para sa aming dalawa. Sabi niya seryoso talaga dahil he wants to settle down soon daw." Sabi pa ni Amihan na bahagyang natawa.

"So you mean short engagement, and once na naging kayo, mag propose agad at bahala na si Batman sa mga discoveries ng mga ugali ninyo sa isa't isa, okay lang ba sayo iyon Mam?" Si Beth na lalong kinilig.

Fear Not To Love Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon