Nakatanaw sa karagatan si Amihan nang tumabi si Jaime.
"Nag iisa ka lang?" kunot noong tanong nito.
"May kanya kanyang partner ang mga pinsan ko kaya binigyan ko sila ng time magkasarilinan sa napiling lugar nila." Sagot ni Amihan habang nakamasid pa din sa along humahampas sa kanyang paa.
"Single ka?" Maingat na tanong ni Jaime.
Hindi nito alam kung paano uumpisahan ang magandang pwedeng pag usapan. Kung makakasakit din ba ng damdamin dahil sa naging tema ng napag usapan kanina lamang noong ihawan time.
"Kapag naging corny ang isang tao iyon ay dahil sa pag ibig pero kapag hindi ka pa nagmamahal at hindi naranasan iyon, walang kwenta ang mga ganoon hindi ba?" Si Amihan at napatingin pa sa mukha ng bagong kakilala.
"Pinagtatawanan ko kasi ang mga kakornihan ng mga lalaki kapag nakakarinig ako ng mga ganoon. I am not good lover I guess. " Ibinitin pang sagot pa niya.
"Hindi naman siguro, we have our own preferences Amihan. Perhaps you don't appreciate sentimental." sagot naman ni Jaime.
"Sa umpisa lang naman kasi ganoon kapursigido ang mga kalahi mo. Akala mo totoong totoo na mahal ka, pahahalagahan ka, iingatan. Lahat ng magagandang salita halos nasabi na para lang maging kayo pero - hay!" Si Amihan at ibinitin pa ang gustong sabihin.
"Walang balls ang ganoong lalaki Amihan at hindi lahat parehas. Ganyang ganyan si Resty ngayon sa iyo. The same way of thinking is exactly the way how you describe somebody who broke your heart." Panimula na nito.
"Alam mo Amihan, naniniwala pa din ako na marami pa ding kalahi mo na hindi naman manloloko at nasabi ko na lahat ang mga pinagdaanan namin ni Resty from our past relationship. Ayoko namang maging negatibong bahagi iyon ng buhay ko. I am still willing to take a risk if ever! " Putol pa nito sa ibang sasabihin.
"Sabi sa akin ng tatay ko, hindi masamang umiyak kaming mga lalaki, hindi daw iyon sign na mahina kami, talaga lang dumarating na kailangang tumulo ang luha upang maibsan iyong intense emotion of pain and sadness. At hindi kung nadapa ako at nagalusan, iiyak iyak na lang sa isang tabi na parang batang paslit at kapag nabigyan ng lollypop okay na. Sabi naman ng Lolo ko dapat ipakita kong kaya ko kahit masakit, kailangan kong bumangon dahil simply that tomorrow is another day. Iyon ang kinalakhan kong motivation ng mga nakasama ko sa aking paglaki." Mahabang litanya ni Jaime.
Matamang nakikinig lang si Amihan kay Jaime. Hinayaan niya itong magkwento ng mga gustong ibahagi sa kanya.
"Alam mo ako siguro ang bad ko kasi pintasero ako, marami akong nasasaktang mga tao. Pinagmasdan ko kasi si Resty kanina nanood kami ng palabas iyong Search bago kami tuluyang pumunta dito sa Resort. Nakita ko kasi iyong mga babaeng contestants at namili kami ng mga babaeng pwedeng manalo, hayun halos napintasan ko na naman, hindi kasi makasagot sa Q & A portion, sayang maganda pa naman tapos tadtad ng concealer iyong legs, halata pa din naman ang scars kahit halos makapal na ang concealer na pinahid." Pahayag pa ni Jaime.
"So nandoon din kayo kanina?" Si Amihan na interesadong tumingin pa sa gawi ni Jaime.
Tumango ang lalaki.
"Mismo! "
"Ako din Jaime. Iyong mga kantang badoy, corny para sa akin baka nasaktan ko din ang mga taong may ganoong choices of songs, anong magagawa ko kung talagang halos mabulunan ako kapag nakakarinig ako ng ganoong kanta. Ang bad ko din." Sumeryoso na ang babaeng hinarap si Jaime.
"Pumipili kasi sila ng isasali ng Bb. Kaluguran. Limang sityo sa baryo at magiging representative sa bayan para sa nalalapit na Pista. Hindi na ninyo tinapos ang Search kaya nauna kayo sa favorite cottage ko." si Amihan na may himig tampo dahil sa huling tinuran na favorite cottage pala ang inaakupahan nila.
BINABASA MO ANG
Fear Not To Love Again
RomanceBoyfriend ni Amihan si Jeth na nasa Canada. Hindi successful ang long distance love affair nila, no formal break - up hanggang nakilala si Jaime Montalban na seriously in love sa kanya. Ano ang gagawin ni Amihan? Jeth and Amihan have no yet final...