Chapter 6

4 0 0
                                    

"Kakaiba ang sigla mo Jaime after nating mag Resort, wag mong sabihin sa akin na kayo na ni Amihan." Si Resty habang nasa swivel chair nito at back to normal life in Manila.

"May kakaibang kislap din ang mga matang iyan at nangingiti pa." Masayang puna pa ni Resty.

"Wow Pare parang ako lang ang masigla ah." Si Jaime na napapangiti din.

"At least not a monotonous life we have now, parang sobrang relax and refresh tayo ngayon. How about your weekend kumusta naman?" Si Jaime dahil kapansin pansin din ang kakaibang sigla ng kaibigan. Bagong shave pa ito.

"Dumating ang inaanak ni Daddy sa bahay at doon na raw muna mag stay sa amin habang kukuha ng board exam. Well, cute siya." At napabalik ang masayang mukhang iyon ni Resty katulad ng dati.

"So effective talaga ang formula ko noh." Sagot pa ni Jaime.

"Love hurts equals new love." Pag remind ulit ni Resty.

"Anong course ba at kukuha pa ng board exam?" Interesado si Jaime para sa kaibigan.

"Science Teacher ang planong maging profession and recommended ni Dad sa private school dito sa Manila. Siya iyong gusto ni Dad para sa akin Pare, noong malaman nga na wala na kami ni Shelly, hayun lalong natuwa dahil tapos na nga si Eanna." Nailing na kwento pa ni Resty.

"Talagang may ganoong Daddy, matchmaker." Natuwa naman si Jaime para sa kaibigan.

Kahit naman si Jaime gusto nitong magkaroon ng new babe ang kaibigan dahil deserve nilang dalawa ang makatagpo ng tamang babae para sa hinaharap.

"Wow good luck para sa ating dalawa." Sabay pa silang nagtawanan para sa good news.

"Sabihin mo nga sa akin ang real score between the two of you ni Amihan, may dapat kang sabihin Jaime." Si Resty na halos gustong pigain ang kaibigan na magsabi ng totoo.

Natawa lang si Jaime. Three days lang tayo doon ganoon ba kaagad kabilis ang lahat. Mailap nga kaya nga plan ko sa long weekend babalik ako sa Resort para sa naudlot na umpisa." Pahayag ni Jaime.

"Sinolo mo na si Amihan sa pangatlong araw natin sa Resort at kayo lang talaga, walang ibang nakausap iyong tao dahil cancel ang lahat ng itinerary noon dahil sa iyo, ano iyon, paki explain nga pwede. Ang mga ngiting iyan pa Jaime, para kang nanalo sa lotto." dagdag pa ni Resty.

"Marami lang kaming napag usapan ni Amihan tungkol sa buhay buhay katulad mo sa mga nakausap mo about life. " Panggagaya pa nito.

"Nakakatuwa kasi ang mga ibinahagi ni Amihan tungkol sa family niya. Kapag naiinis ang kanyang ina noong high school life niya dahil sa hirap ng buhay, pati ang administrasyon o let say ang pamahalaan ang bunton ng sisi. Tama ba namang isyu iyon, lima silang magkakapatid at pang tatlo siya. Nagpatulong sa Uncle niya para makatapos dahil walang plano ang inang magpatuloy pa siya sa kolehiyo. Ang gusto ng ina, tulungan na lamang sa pagbebenta ng lutong ulam sa palengke para bawas gastos at nang makatapos ang dalawang naunang kapatid. Paano nga naman mababago ang buhay niya kung nasunod si Aling Lucila. Iyon ang naging himutok sa mundo ni Amihan way back her teenage life. Ang nakakatawang litanya alam mo ba, dahil sa gobyernong kurakot pati ang mga pobreng katulad nila hindi na makaahon ahon sa hirap." pagbabahagi pa ni Jaime.

"You mean ganon ka nagtiyaga sa pakikinig at iyon lang iyon, nakuntento sa titigan at tinginan, are you sure Jaime?" Hindi makapaniwala si Resty.

"Mahirap kalabanin kapag may naging first love na Pare, alam natin ang matinding comparison noon parang tayo at ganoon din si Amihan. It takes time to heal the wound but I won't give up of course. It is the genuine interest of knowing somebody and we are in that stage now Pare." Seryosong tugon ni Jaime.

Fear Not To Love Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon