Chapter 4

7 0 0
                                    

"Twenty three years old si Amihan Vergara Dimalibot. Pamangkin siya ni Sir Manuel Vergara na Director ng Resort na may tatlong anak na nakapangasawa ng mga Foreigners. Iyong panganay na lalaki na naka-based ngayon sa Canada ay doon na naninirahan, Mechanical Engineer at noong nakakita ng Filipina Nurse nagpakasal na. Iyong pangalawa naman Physiotherapist sa Dubai at nakapangasawa ng Egyptian Doctor at ang bunso ay may Thailander hubby; Tourism graduate at nakapagtrabaho sa Hotel sa Thailand hanggang sa inalok ng kasal noong nakilalang Thailander at doon na din nanirahan. Sila ang totoong stockholders ng Almjdlillah Resort na kasalukuyang under management ni Amihan. Isang lalaki at dalawang babae ang anak ni Sir Manuel. Sina Norman, Amethyst at Chanda." Ang nagpasimula ng kasaysayan ng nasabing Resort.

The impressive successful story of Mr. Manuel Vergara as farmer is now the headline of the news. May sariling dyaryo ang barangay nila at ang mga Vergara ang gusto nilang mai- feature para sa inspiring stories from poverty and to what they are now. Agriculturist si Sir Manuel na nag aral sa UP at naging scholar doon kaya noong makapagtapos, naging Provincial Agriculturist at nakabili ng lupang sakahan. Iyon na ang naging umpisa ng unti unting pagbabago sa buhay nila.

Ang mother ni Amihan na si Lucila ay bunsong kapatid ni Manuel. Hindi pinalad makapagtapos sa kolehiyo dahil maagang nag asawa. Nagtanan si Lucila at sumama sa Tricycle Driver kaya hirap ang mga iyon sa buhay. Iginagapang ng mga magulang ang panganay na anak para daw kahit paano may makatapos sa anak ni Lucila. Noong patitigilin ni Lucila si Amihan dahil hindi kayang pag aralin, naglakas loob ang dalaga na lumapit sa Tito Manuel niya para makapag aral, kahit anong course basta makapag four years, kahit hindi sa siyudad basta makapagtapos.

Nang mag open ang City College, nagdesisyon ang pamilya ni Manuel na tulungan si Lucila. Ang mismong anak na ang lumapit at humingi ng tulong kaya nahimok ni Amihan ang mga pinsan sa abroad na tustusan siya lalo pa at sa province na hindi na lalayo din. Bachelor of Arts Major in English ang napili niya. Maraming bawal dahil pinagkatiwalaan siya ng mga iyon. No boyfriend while studying pero hindi natupad iyon.

At the age of eighteen, after her debut nagka boyfriend si Amihan. Hindi naman naapektuhan ang kanyang pag aaral kahit may boyfriend na at iyon ay si Jeth Monteclaro.

"Bakit ganyan ang ginawa mong introduction sa story ko." Si Amihan habang binabasa ang pagkakasulat ng best friend na si Barbie.

"Natural ganyan ang style ko Ateng, anong ini expect mo ha, bruhang toh." Sagot ni Barbie.

"Bakla ako Amihan ganoon talaga, style ko iyan kaya pwede ba hayaan mo tapusin ko ang kwento mo sa paraang ganyan muna. Remember laging napapasama ang mga gawa ko during our college days noh, meaning to say pwede akong magsulat ng mga nobela. Makukuha ba ako sa Dyaryo natin kung hindi nila nakita ang potential ko." Si Barbie na halos lumuwa ang mata sa inis sa kanya.

"Basta kada update mo, ipakita mo sa akin ha. Masasakal kita kapag minurder mo ang role ko sa story na iyan." Pagtataray pa niya.

"Sigurado ka ba na kaya mo ng ibandera ang past ninyo ni Jeth? I thought it hurts pa din." Si Barbie na humarap sa kaibigan.

Nasaksihan ni Barbie ang love life ni Amihan dahil magkaklase sa College ang dalawa. Si Jeth ang unang lalaking naging malapit sa kanya. Two years ahead si Jeth sa kaibigan at naging sila kaagad after three months na niligawan.

"Natural in love ako noon kay Jeth. First love pero tinanggap ko naman na hindi lahat ng first love may happy ending. Oo masakit dahil inakala ko na siya na iyong guy eh." Si Amihan na nakakaya ng magbahagi nang kanyang nakaraan.

"At katulad ni Nanay Lucila muntikan ka ng itanan ni Jeth, Ateng." Paalala pa ni Barbie sa kanya.

"Kung hindi ka naagaw ng asawa ni Sir Manuel na si Mam Martha malamang hindi ka din na katapos. "Tawa ni Barbie.

Fear Not To Love Again Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon