Chapter 6-Girlfriend

14.5K 467 25
                                    

"SUMABAY ka na pabalik ng Manila, Tia. Nang may makausap ako habang biyahe." anyaya ni Sir Andrew bago ito tuluyang sumakay ng Pajero. Nagpasundo ito sa driver nito.

Sa wakas natapos din ang three days business seminar. So far, peaceful naman nairaos ang okasyon. Walang banatan naganap sa pagitan ng magpinsan. I never thought, I'll experience something like this but it was beyond crazy. I was always at the edge of my seat whenever those two are around.

Nakakabaliw. Promise!

Ramdam parin ang animosity sa dalawa. Mahahalatang may iringan. But they remained professionals, when needed.

Kapag kami-kami lang ayun, walang pansinan. Palibhasa parang mga bata, maliit na bagay pinalalaki. Kaunting asaran, sineseryoso. Mga praning 'no? Mabuti nalang parehong guwapo.

"Tara na?"

Nagliwanag ang mukha ko. Why not? Abababa! Minsan lang ito. Ang huling sabay ko kay Sir Drew, five years ago pa noong secretary niya ako. May girlfriend siya noon, kaya no pansin ako.

Lumandi-landi ka naman, paminsan-minsan, Tia. Nasa edad ka na. Mas nakakahiya kung umabot ka ng forty, wala ka pang asawa. Aba! Lahi tayo nang magaganda. Walang matandang dalaga sa pamilya natin.

Iyon ang makabuluhang payo ni Nanay. Na siyempre, dahil mother's knows best, susundin ko ng bukal sa puso. Don't worry, 'Nay. Your wish is my command.

"Sure-"Nahinto ako pagsasalita nang makitang nakatayo si Sir J-Ty sa ilalim ng punong niyog. Busangot ang mukha, nakahalukipkip at kahit natatakpan ng dark shades ang mata pakiramdam ko nanlilisik iyon.

Kinuha niya ang kamay ko at pinisil-pisil iyon. Para naman akong natuliro. Si Sir Drew, ka-holding hands ko! Ulit!

"Tia?"

"P-Po?" Pero mas nakakatuliro pala sa pakiramdam ang titig ni Sir J-Ty. Tagos-buto. I saw his lips, twitched then his face seem to turn grim. Mukhang galit na!

I swallowed hard. "Thank you, for the offer. Kay Sir J-Ty nalang ako sasabay." At baka sesantihin ako ng kill joy kong amo kapag inuna kong lumandi.

"You sure?"

Parang gusto kong umiyak. Siyempre hindi. Err... Can I change my mind? It took me a lot of courage to smile and nod at him. "See you, tomorrow sir. Ingat po."

Bumuntong-hininga ito. He look disappointed. "Ang hina ko talaga sa'yo. Take care, ha?" Natatawang hinimas niya ang ulo ko bago tuluyang sumakay at umalis.

I was left in awe. He hold my hands and patted my head!

Am I dreaming? Ahahaha! Kinikilig ako. Crush din kaya ako ni sir? Napapadyak pa ako sa semento at nagtatalon. For awhile, nawaglit sa isipan si Sir J-Ty, na nakatayo sa kabilang side ng kalsada.

Hinatid ko pa ng tanaw ang papalayong Pajero. Kahit wala na iyon sa paningin ko, ngiting-ngiti parin ako.

"Tapos ka na bang kiligin?"

"Ay, baluga! Sir J-Ty! Ginulat mo naman ako." Tutop ang dibdib na hinarap ko siya. Nakalapit ito ng hindi ko namamalayan.

"So, anong pakiramdam ng maka-holding hands mo si crush?"His handsome face, looks so serious.

"Ang baduy mo, sir."

"If you really like him that much, bakit hindi ka sa kanya sumabay?"

Bakit nga ba? Kasi matalino ako, mas pinapairal ang isip kaysa puso. "Simple lang, you're my boss. "

Halatang hindi ito naniniwala.

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon