Chapter 53- Stay Away

10.2K 214 28
                                    

"IS this your first time in Jeju?"

"Not really. This is actually my third time visiting the island. I mostly came to Jeju to attend some business matters."ang kaswal na sagot ni J-Ty na nakapuwesto sa kabilang row.

"Oh, wow! That's great. So, you've been there before? Maybe you can tour me around sometime, huh?"

"Yeah, I will gladly do that."

Yeah, I will gladly do that? Jace Tyler Torrez, isa kang alamat!

Pinaikot ko ang eyeballs saka tahimik na ginaya ang maarteng pagsasalita ng babaeng lihim kong binansagang cross-breed ng mangga at papaya! Hindi naman sa nanlalait ako pero hindi hamak na mas maganda ako sa babaeng kaunting tungo lang ay matutusok na ang naghuhumiyaw nitong dibdib na ga-papaya sa laki. I'm not exaggerating, kumbaga sa patalim isang deadly weapon ang baba nitong sing-talas yata ng sinaunang samurai sword ng Japan.

Anong nangyayari sa binata? Muling nanunumbalik ba ang pagiging palikero nito? Kahit sino nalang pinapatos?

Kanina pa ako hindi mapakali sa kinauuupuan, ayoko man aminin ngunit nagkaroon yata ng invisible antenna ang aking ulo at malinaw na nasasagap niyon ang kalantodan nangyayari sa kabilang hanay ng eroplano.

Masaya na sana akong hindi kami magkatabi ng binata ngunit hindi ko mapigilang mairita sa harutan session ng dalawa.

Who's engage man in his right state of mind will flirt nonchalantly with a random woman on the plane, on the way to visit his wedding venue? Ito lang! Napakalandi!

Huwag kang lilingon, Tia! Huwag kang lilingon!

Bagamat magkaka-stiff neck yata ako sa paninigas sa puwestong iyon huwag lang lingunin ang lalaki ay hindi ko parin napigilan ang sarili.

Pasimple akong tumingin sa gawi nila, and there I saw him flashing his flirtatiously grin on the woman who is evidently captivated by his charms. Palihim kong inismiran ang blonde woman na pinaglihi sa mangga. Mahahalatang foreigner ito at sanay sa pakikipagharutan. May pahampas-hampas pa itong nalalaman sa biceps ni J-Ty at tila gustong-gusto naman ng lalaki!

Wala akong pakialam! Wala! Gahasain man ito ng babaeng mukhang mangga, wala akong dapat pakialam!

But he's the fiance of your client, Tia. Whether you like it or not siya ang kasa-kasama mo pagbisita sa wedding venue, samakatuwid obligasyon mong siguraduhin na hindi nito magagawang lumingon man lang sa ibang babae! Gaano man kagago at kakati, wala kang magagawa kundi bantayan ang lahat ng kalokohan ng lalaking iyan paglapag sa isla!

You owed it to Ji Minha, Tia!

Tama, dahil sa kabila ng lahat the woman has been nothing but good to me.

Noong una ay gusto kong mainis sa sarili sapagkat pilit kong hinahanapan ng kapintasan ang babae. Ang bitchy, right? Sa huli napagod ako lang ang napagod at napahiya sa sarili, tinanggap na marahil ito talaga ang nararapat kay J-Ty.

Wala akong masamang tinapay na mababato kay Minha. Maganda, mabait, refined and sweet. Ang totoo niyan, ito mismo ang nagkumbinseng all expenses paid nito ang flight and hotel accomodation ko sa Jeju. Sa kabila ng makailang-ulit kong pagtanggi, makulit ang babae at sinabing magtatampo ito kung hindi ko tatanggapin.

I have no choice but to accept her offer, libre ng lahat. Aarte pa ako?

Don't worry, Minha. Kakalusin ko ang junior ng fiance mo oras na mahuli kong may kinakalantari itong ibang babae sa isla!

Napangiwi ako. Kakalusin si junior, di ba puwedeng bubugbugin ko nalang ang damuho? Sayang naman ang precious jewels ng lalaki. Once upon a time ay naging more than best friend din kami ng junior nito. Sa sobrang pagiging more than best friends, heto nga't nabuo si Jiya.

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon