Chapter 5-Secrets

15.6K 314 5
                                    

LORD, help me! Nagkakasala na yata ako. Sunod-sunod na napapalunok si Tia habang pinagmamasdan sa malayo si Sir J-Ty, na pabalik-balik paglangoy sa swimming pool.

Were here inside a beach hotel. May a-attend-an kaming three days business seminar. Maaga pa ang seminar bukas, pero hayun ako sa balcony, palihim na minamanmanan ang aking amo.

Of course, he was naked waist up. Naka-board shorts lamang ito pagligo, still it doesn't change the fact he really look sexy and hot with dripping waters on his leaned body. Sir J-Ty's body is to die for, he has muscles in it's right places and a six pack abs!

Iyong tingin ko, nag-iiba na! pakiramdam ko hinuhubaran ko siya sa tingin. Alam mo yung pakiramdam na nakatingin ka sa isang tao, pagkatapos ang nakikita mo, imbes na nakadamit siya naked siya sa paningin mo? As in! Iyon lang siyempre yung censored ni Sir, censored parin.

Siyempre, hindi ko pa naman nakikita 'yun *toot* niya. Virgin pa ako 'no! NBSB nga hindi ba? Actually, ma-muscle na likod lang naman niya ang nakita ko and his... oh well, sasabihin ko na ba? His... His cute and firm butt... kasi nga nakatalikod sila sa pinto habang gumagawa ng milagro.

The thing is, masyadong over active ang imagination ko. After I saw him in action, I can't help but see him now, in a different way. Ewan ko ba, first time ko kasing nakanood ng live show. Ayun na pollute tuloy ang utak ko.

Idagdag mo yung nangyari sa taxi. Until now, naguguluhan ako. Sukat ba naman mapagkamalan akong si Barry? Larry? O Carrie? Well, siguro nga Carrie. To the point na muntikan niya akong halikan.

At that moment, I really thought he was going to kiss me. I was horrified, actually. Nangako na ako sa sarili kong, si Sir Drew ang magiging first real kiss ko if ever. But when Sir J-Ty, looked at me as if I was the most beautiful woman in the world, gusto kong bawiin ang sinabi ko.

I saw the look of longing, love and passion in his eyes. Never did I imagine I will saw him in his moment of weakness. But I know those look were not for me, but for the woman name Carrie.

So, I push him away. Tumama ang ulo niya sa matigas na bakal sa gilid ng pintuan ng taxi, before I knew it, sumubsob ang ulo niya sa kandungan ko. Iyon ang eksenang inabutan ni Sir Drew, pagbukas niya ng pintuan ng taxi.

Kating-kati akong tanungin kung sino si Carrie kay Drew, pero nahiya ako. Hindi ko na trabaho iyon as J-Ty's secretary. Baka lumabas na usisera pala ako.

Napaubo-ubo ako nang may lumusong na babaeng feeling diyosa ng swimming pool papunta kay Sir J-Ty. The woman is wearing only nothing but a skimpy yellow bikini. The two talked and laughed for a moment, and before I knew it they were already engage in a hot kiss.

Ano ito? Live show na naman? Umalis na ako sa balcony. But the scene did'nt left my mind. Nakahiga na ako sa kama pero iyon parin ang nakikita ko.

Great!

Next morning...

"Good morning, Miss Dimacuja!" Nagkasabay kami ni Sir J-Ty paglabas ng hotel room. Magkatapat lang kasi ang kuwarto namin.

As usual, he looks fresh in the morning. Bagong-ligo at amoy after shave. Dahil seminar day, semi- formal ang suot.

He was obviously in a good mood. Mukhang naka-score kagabi. Saang alphabet ko kaya ika-categorize yung babaeng nakaulayaw niya kagabi? Lahat ng babaeng starting from letters A to Z sa pangalan naka-fling or naging girlfriend na niya. But one thing is for sure, kapag nagsawa siya wala siyang binabalikan sa mga ito.

Kahit pakikipag-date sa kanya kailangan i-schedule pa ng secretary. Sa higpit ng schedule, dapat organize lahat. Ako mismo ang nagsisingit sa mga babaeng, pinapaasa at the same time niloloko niya.

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon