Chapter 23-Numb

10.2K 580 23
                                    

WHAT THE FCK!

Hindi ko ugaling magmura ng basta-basta o walang dahilan. As much as possible, nililimitahan ko ang sarili because it was very un-lady like. Hindi bagay sa image na pinoproject ko as prim and proper at hindi makabasag-pinggan.

But right at this moment, habang nakatitig sa pares na masinsinang nag-uusap sa isang sulok ng restaurant tila gusto kong maghuramentado at paulanan ng bala ang mga taksil!

Paanong nakarating sa Paoay ang bruha? Paano niya nalaman kung nasaan kami ngayon? Higit sa lahat...
Why is he smiling at her like she's the most important thing in the world for him?

Hindi na ba ito nadala? Sa kabila ng lahat... Sa kabila ng pananakit na ginawa ni Carrie... Sa kabila ng pang-iiwan nito sa ere... Sa kabila ng panloloko and being a complete bitch... Hindi maikakailang, hindi parin nakakalimot totally si J-Ty. He was obviously still in love with his ex wife.

Ka-suwerteng babae.

Mahal parin ito ng lalaking mahal na mahal ko. Malas lang sa parte ko, because I will probably love this man for the rest of my life.

I never saw him looked or smiled at me like that. I never saw him this happy whenever were togeher. And when I heard his crisp laugh, tila gusto kong lumubog sa kinatatayuan ko.

Napatawa ko na ba siya ng ganoong kalutong at kasaya?

Gusto kong batuk-batukan ang sarili. Napakalaki kong engot. How could I let myself be fooled?

Paano ko hinayaan papaniwalain ang sariling magagawa niya akong mahalin? Sino kasi ang nagsabing mahalin ko siya right?

In the first place, malinaw ang usapan namin. No strings attached. No commitment involved dapat.

Everything was all a charade and pure business. Binabayaran niya ako para magpanggap na girlfriend niya. Hindi para mahalin siya...

Ang lakas-lakas ng loob kong tanggapin ang hamon niya. Very confident pa ako noong simula. Knowing his track records with girls, inakala kong malilimitahan ang sariling ma-in love. Because I know his wicked ways to women. Nag-assume akong makakaya kong i-defy ang subtle seductions niya. I assumed, I'm more smarter than those bimbos.

But I'm not.

I realize, no matter how smart a person is when it comes to the matters of the heart nagiging tanga rin ang pinakamatalinong tao sa mundo.

Agad akong nakadama ng panghihina nang abutin nito ang kamay ng dating asawa. Napasandal ako sa dingding, tutop ang dibdib. Halatang, masinsinan ang pinag-uusapan ng dalawa. I can even see amidst the distance how Carrie wipe away her tears. What is ging on? Huwag kang maniwala sa ka-dramahan niya please! She will only hurt you the way she did before, J-Ty. Andito, ako handang magmahal sa'yo. Bakit hindi nalang ako?!

What is going on?

Nagkabalikan na kaya ang dalawa?
Ngayon ko lubos naunawaan ang pakiramdam ng saranggola. Ang pakiramdam na itataas ka ng husto sa kalangitan. Habang lumilipad sa himpapawid napakasaya mo pa, pero sa isang iglap sa paghinto ng pag-ihip ng hangin o sa pagkapatid ng tali, maiiwan ka sa ere hanggang tuluyang bumagsak sa lupa ng walang sumasalo.

Ganito pala ang pakiramdam ng nilalamukos ang puso? Parang may lumalapirot na higanteng kamay at unti-unting dumudurog doon. Parang gusto kong dumuwal nang dumuwal hanggang tuluyang mailabas ang puso kong imbes makatulong sa akin, ay nagiging rason pa para masaktan ako.
Bakit kapag usapan love, puso kaagad ang internal organ na kinakabit doon? Puwede naman, utak, para mapag-iisipan ang lahat. Baka sakaling sa umpisa palang mautusan ng isip ang taong pumili ng tamang taong mamahalin hindi kagaya ng pusong basta nalang tumitibok kahit kanino. Na kahit alam ng mali sige parin.

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon