Chapter 7-Decision

12.6K 514 33
                                    

UNTIL now, pakiramdam ko nasa isang masamang panaginip ako. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari.

Did that crazy woman really spilled water on my face? Bilib na talaga ako sa kamandag ni Sir J-Ty. Ang akala ko, tsismis lang. Pero totoo palang lahat ng nakakarelasyon nito mabaliw-baliw dito.

Isang buhay na patunay ang nangyari kanina sa coffee shop. Dahil malapit lang naman ang coffee shop sa condo ni sir, doon niya ako naisipan dalhin para daw makapag palit ako.

I heard him sigh. "I'm sorry for what happened. That woman can be a brat sometimes."

"Brat? Brat? Baliw ang tawag do'n, Sir! Baliw! Lukaret! May tililing! Maluwag ang turnilyo! Sobra na ito! Isang beses ko pang makita ang babaeng iyon, lulunurin ko siya sa kumukulong tasa ng three in one! Itaga mo 'yan sa bato, Sir!"

Nagpalakad-lakad ako sa living room ng unit niya. Sir J-Ty was just standing next to his bar counter, arms cross on his chest and does look even more bothered than I am.

Ang init talaga ng dugo ko doon sa babaeng 'yon. Akala mo kung sino! Ang lakas ng loob mag-eskandalo!

Lagot sa akin, ang baliw na 'yon! Mata lang niyang, punong-puno ng maskara, eyeliner at thick eyelashes ang walang latay!

Gaganti ako! Gaganti ako! Gaganti ako!

"Hey, calm down will you? Here, magpalamig ka muna ng ulo. Mag-usap tayo pagkatapos."ani Sir -Ty, pagkabalik mula sa silid. Umalis siyang ni hindi ko namalayan.

Ipinatong niya ang blue towel sa ulo ko, then push me to the bathroom. "May spare clothes na sa loob."

"Thank you, sir."Matapos kong maligo ay napansin ko ang nakasabit na mga damit na ipapahiram niya sa akin. Isang oversized black T-shirt na medyo makapal ang tela at boxershort na striped.

Napalunok ako. Ito ay mga personal na gamit ni Sir. Meaning, one way or another naisuot na niya ang mga ito sa kanyang macho-gwapitong hot and sexy body. At ngayon, suot ko narin sila pakiramdam ko yakap-yakap ako ni Sir kahit hindi naman.

Ang intimate! Mag-jowa lang ang peg?

Paglabas ko ay nakita ko si Sir na preskong-presko narin. Bagong-paligo at humihigop ng kape. Kagaya ko ay naka-T shirt siya pero puti at boxer short din na kakambal ng suot ko.

Kung may tao man mas hot pa sa umuusok na kapeng barako, si Sir na siguro iyon. At handa akong mapaso, kung siya man ang tutupok sa akin...

Gusto kong kilabutan sa mga pinag-iisip ko. Ang akala ko ba si Sir Drew ang gusto ko? Bakit parang kinikilig na ako kay Sir J-Ty?

Our eyes met, may nabasa akong kung ano sa mata niya. Alam kong tinititigan niya ako habang papalapit ako at kahit nang makarating ako sa tapat niya hindi parin napuputol ang eye-contact namin.

Tumikhim ako. Nakakailang na nakakakilabot.

Biglang nag-alinsangan sa paligid.

"What do you want? Coffee, tea or juice?"

"H-Ha?"

Tumawa ito. "I said, gusto mo ba ng kape, tea or juice?"

After what happened, aalukin niya ako ng kape? Seriously?

"Juice nalang ho. 'Yung malamig, Sir. Para mabawasan naman ang kumukulong dugo ko sa ex-girlfriend mo."

Pumalatak lang ito. "Fine. But F.Y.I, she's not my ex-girlfriend."

Yeah, right!

Nagtungo siya sa kusina, Habang ako ay umupo na lamang sa sofa. His entire unit is mostly dominated by color white and blue. Lalaking-lalaki, bachelor na bachelor. Maging ang mga kagamitan doon ay may bahid ng ganoong kulay.

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon