SEASON TWO

9K 253 40
                                    

"IT'S BEEN almost two years."

Malalim na humugot ng buntong-hininga si Ow.

"Nami-miss ko ang kalukringan ni Tia. Ano ba kasing nangyari at biglang nag-MIA ang kaibigan nating iyon?"

Iiling-iling na inilapag naman ni Yel ang kinakaing cheeseburger, breaktime sa office at as usual naririto sila sa canteen para makapag-unwind at chikahan.

"Beats me. Eversince the last time we saw Tia, wala na akong naging balita sa kanya."Isinandal ni Yel ang ulo sa malapad na balikat ni Gave- her boyfriend. Yumuko naman ang nobyo at dinampian siya ng magaang halik sa noo. "It's as if nawala siyang parang bula."

"I know, Tia. She's a strong woman. She's probably successful and happy whatever life she chooses right now."ang sabi ni Gave.

They hope so.

Napakabilis lumipas ng panahon. Ang dalawang taon ay tila hangin lang nagdaan at sa loob ng panahong iyon napakaraming nangyari sa kanilang lahat.

Tuluyang binitiwan ni Sir J-Ty ang pamamahala sa Torrez Inc., at mas pinili nitong i-manage ang pag-i-expand ng korporasyon sa Asia, US at Europe. Bumalik si Sir Juancho bilang acting CEO habang patuloy na itine-train ang bunsong anak na si Pierre. Si Sir Drew naman ay inilipat sa food and beverages business ng pamilya. Ito na ngayon ang namamahala sa lahat ng branch ng Astoria Hotel at iba pang chains of hotels and restaurant sa buong bansa.

Maraming babae at kabadingan ang nalungkot at nagluksa sa pagkawala ng presensiya, ng dalawang tinaguriang most eligible bachelor in town sa kumpanya. Kabilang sila ni Ow, the upside is sa pag-alis ni Sir Drew nabigyan ng chance ang isa pang deserving sa company na mapatunayan ang kanyang sarili-and that is no other than her baby... Si Gave ang inatasan ni Sir Drew pumalit sa babakantehing puwesto.

Yel was very happy for her boyfriend. Aba, dito na yata tinubuan ng ugat at talaba ang nobyo. Sa tinagal-tagal ng gurang na ito sa kumpanya, sa palagay niya deserve na deserve nito ang tiwala ni Sir Drew. Gurang... Natawa siya sa tawag dito. In fairness, kahit malaki ang kanilang age gap, she doesn't feel that it was a set-back. Actually, ang sarap palang magka-boyfriend ng halos, kuya o tito mo na 'no? Pampered at baby'ng-baby ang lola ninyo.

Sinong mag-aakalang sila ang magkakatuluyan? Kahit siya nagulat. Yel was a witnessed sa walang kamatayang pagsintang pururot ni Gave kay Tia. But fate seem to have another plan. She fell in love with him during those times that he was broken. Wala. No matter how much she resists hindi niya mapigilan ang sarili. Siguro sila talaga ang itinadhana sa isa't-isa.

"Nanghihinayang ako sa dalawang iyon. It was obvious how much they love each other."

"Sayang talaga. Ang akala ko sila na ang magpapatunay na may forever."

"Di ba sabi ninyo, bumalik si Tia dito two years ago?"singit ni Gave.

"Iyon ang huli naming pagkakita sa kanya. Nawala nalang siyang parang bula. Tanda ninyo noong mag-team building tayo sa Pagudpud almost two years ago? Nag-side trip kami ni Yel sa Paoay, hoping na makakausap at makikit si Tia. But lo and behold, we were shocked ng malaman matagal ng wala doon ang babaita. Ang sabi ni Nanay Imelda, sumama sa tiyahin pangingibang-bansa."

"That was when we realized na talagang mabigat ang naging problema nila ni Sir J-Ty."

"Idagdag pang simula noong magbalik si Sir J-Ty from Paoay ay halos hindi na siya mapirmi sa kumpanya. May pagkakataon pang, nawawala siya o susulpot nalang bigla. The worst part was noong nagpalipat siya sa international affairs at umalis ng bansa. I can still remember that day..."

Suminghot si Ow. "Hanggang ngayon naninikip parin ang dibdib ko kapag naalala ang eksenang iyon. Kawawang, Tia. I can feel her..."

Sa mga mata ni Ow at Yel, Tia was a total messed. Their friend was looking horribly worried, frustrated, sad and desperate. Maputla ito at nanganga-yayat. Malayong-malayo sa dating bubbly, maingay, kiti-kiti at baliw na Tiana Dimacuja kanilang nakilala.

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon