Chapter 34-Try me

10.5K 240 4
                                    

Wala akong nagawa kundi mapatikom ang labi, habang kagat-kagat ang dilang nag-iinit ang pisnging tumingin sa labas ng bintana.

Hitsurang nasa ibabaw kami ng ulap ngayon dahil sa makapal na fog na bumabalot sa siyudad. Tanghaling tapat ngunit nanunuot ang lamig sa aming balat. Imbes na siya tuloy ang yakapin ko ay niyakap ko nalang ang sarili. I heard him chuckled a bit. Siguro pinagkakatuwaan ako ng gago sa naging reaksyon ko.

"Halika."

Ngumuso ako. "Tss! You said that I should let go right? Tapos ngayon papalapitin mo ako? 'Daming arte."

Lalong naglaro ang ngisi sa mamula-mula niyang labi. Geez! Those delicious kissable lips. Nate-tempt akong sunggaban siya at halikan kundi lang ako nangangambang maeskandalo si Pierre na tahimik na nagpipiloto.

I know J-Ty, makalokohan siya at he can do that! Walang sinabi ang Jace Tyler Torez na hindi niya ginawa.

Malakas niya akong hinila hanggang mapasubsob ako sa dibdib niya. I can smell his perfume again. Boy, it's turning me on. "J-Ty, ano ba? Nakakahiya kay Pierre."

Nahigit ko ang hininga nang dumapo ang mainit niyang labi sa noo ko. "I don't care. Nagiginaw ka na pala hindi ka pa nagsasabi."

"Eh, ikaw kaya ang maysabing bumitaw ako!"

"Because you were caressing me! You don't know what's your effect on me, babe. Kaunting nguso o kibot lang ng labi mo, natu-turn na ako. What if, kung hihimasin mo pa ako?"

"Grabe ka. H-Hindi kita hinihimas..." Slight lang!

"Yeah, tell that to my abs na magdamag mo nang pinapak. Nagrereklamo na nga ang mga pandesal ko, konting hinay naman daw sa pagtikim."

Shit! Ang laswa talaga ng bibig ng lalaking ito.

Inirapan ko siya bilang sagot. Totoo kasi kaya guilty ako.  Ngingisi-ngisi siya buong biyahe parang walang sinabing halos magpatindig ng balahibo ko kanina.

Lumapag ang helicopter sa helipad ng Astoria Baguio, ang main five star hotel ng Torrez  Corporation sa Baguio. Napagdesisyunan kasi ng board a few months ago magpatayo ng mini hotel wherein mas magke-cater ito sa publikong can't afford mag-stay sa five star hotel. Though dinadayo ang Astoria doon, mostly ng foreign tourist at mga may-kayang mamamayan mas makakatulong sa marketability ng kumpanya ang abutin ang masa.

Inalalayan ako ni J-Ty bumaba ng helicopter. Nahirapan akong pigilang mabuti ang pagsabay ng  bestida sa malakas na hangin. Huling-huli ko pa ang pilyong pagngisi ni J-Ty while looking at my expose legs!

He whistled. "Nice legs."bulong niya.

"Tss. Manyak."Sinalubong kami ng manager ng hotel at tatlong staff na siyang nagbitbit ng gamit namin.

"Good afternoon, Sir J-Ty! Welcome back to Astorias."bati nung sexy'ng manager na halatang may landi sa ngisi. Hindi ko nagustuhan ang suot nitong office attire kuno na plunging neckline. It was a sultry red knee length dress na pinatungan lang ng blazer to look formal. It's not even a proper office attire.

I caught her eyes squinted when she saw how J-Ty possessively wrapped his around me. Noon ko pa napapansing may pagtingin siya kay J-Ty, pero sa ganda, talino at sexy ng babae hindi ito tinapunan ng tingin ng amo.

J-Ty doesn't mix business with pleasure. That's why, hindi ako makapaniwalang magkarelasyon kami at nauuwi pa iyon sa mainit na tagpo.

He must really love me that much, para baliin niya ang prinsipyo niya. I smiled at the thought. Walang duda. Ako. Ako ang nagwagi!

Saglit itong tinanguan ni J-Ty saka ipinakilala ako kahit magkakilala na kami ni Ms. Aneah Sales.  Ang nakakagulantang, he even introduce me as his girlfriend! Tumaas ang kilay ni Ms. Sales at plastik na nakipag-kamay sa akin.

Love SomebodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon