Chapter 6

36 2 0
                                    

Nalaman ko na si Bryan pala yung nagtetext saakin dahil si Ate Anna daw ang nagbigay ng number ko sakanya, nagtexsan nga kami nung araw na yun eh. Ewan ko ba lumalabas ang pagiging madaldal ko ng dahil sakanya pero sa tuwing nagkikita naman kami sa store parang hindi kami magkakilala kasi ewan ko ba nahihiya rin naman ako pagdating sakanya hindi katulad kay Ivan na okay lang.

"Alyanna Jessica jusko! tulala nanaman ang bebe gerl namin! So ano na? may balak ka bang magkwento tungkol sainyo ni Ivan? oh nganga lang ang aabutin namin sayo dito?" at ito nga pinapaulanan nanaman nila ako ng mga tanong nilang hindi matigil tigil lalong lalo na si Aria. Andito kami ngayon sa Infinitea dahil vacant namin

"Ito na okay? ito na" napataas na ako ng dalawang kamay para tumigil na sila kakatanong.

"Hep! teka! girls tignan niyo nga kung andyan si Ivan? baka kasi kunin nanaman niya saatin si Alyanna eh" hay nako napaka daldal talaga ni Aria kahit kelan.

"Wala clear beh gora na! you make kwento" maarteng sabi ni Camille tapos si Alex hindi maipinta ang itsura kasi hanggang ngayon crush niya pari si Ivan.

"Ilang beses ko bang sasabihin niyo na friends lang kami okay? hanggang friends lang tsaka ano ba kayo close lang talaga kami" paliwanag ko sakanilang tatlo at nag-iba agad aura ni Alex.

"Talaga?" masaya niyang sabi.

"Oo nga! tsaka may crush ako no Bryan ang pangalan" nakangiti kong sabi sakanila. Oo na inaamin ko na crush ko na si Bryan eh bakit masama ba?

"Sayang mas bagay kasi kayo ni Ivan eh kainis" naiinis na sabi ni Aria seriously? hindi na nakagetover ang loka

-

nagbabasa ako ng notes ko ngayon andito na kasi ako sa kwarto pati si Ate kim andito rin parehas kami na busy may quiz kasi kami next week eh sa ayoko namang makakuha ng mababang score kaya todo ako makabasa. Tumunog bigla ang phone ko ma tumatawag pagtingin ko si Bryan.

napangiti agad ako, oo na! kahit sa text lang masaya ako makausap ko lang crush ko ilang araw na rin kasi na ganito kami pero kahit ganon hindi ako magsasawa kinikilig ako. Hindi ko mapigilan ngumiti dahil sa saya na nararamdaman ko kaya pati si Ate kim napatigil sa pagbabasa at tinignan ako.

"Aly wala ka bang balak sagutin yan tawag? sino ba?" sinagot ko agad iyon.

"Si Bryan" i mouthed. At dahil dun ngumiti nanaman ng nakakalokong ngiti si Ate kim at umuling iling nalang at tinuon ulit ng pansin ang libro niya.

Kumakabog ng sobra ang dibdib ko! kinakabahan ako hindi ko maipaliwanag kung ano ba to basta ang alam ko lang masaya ako.

"Hello? bat ka pala napatawag?" kunwari kalmado pero deep inside sasabog na ako dahil sa nararamdaman ko mygulay

"Busy ka ba?" gusto kong tumalon talon dahil sa kinikilig ako pero pinigilan ko yun baka kasi asarin nanaman ako ni Ate Kim eh.

"Hindi naman" bahala na! marami pa namang araw para makapag-review next week pa naman yung quiz kaya okay lang.

"Pwede bang lumabas ka saglit? may ibibigay lang sana" pumayag ako at nawala na ang kabilang linya. Gusto niya akong makita! Omygad Aly gusto kang makita ng crush mo!

"Ohmyghaaaaaaaaad!!" at dahil dun hindi ko na napigilang sumigaw na ikinagulat ni Ate Kim. Nagpa-padyak padyak na ako dito sa kama ko na halos magwala na ako sa sobrang kilig.

"Kagulat naman to! oh kumusta?" nakangiti niyang sabi.

"May ibibigay daw siya saakin Ate kim!!" tumalon talon na ako sa tuwa. Ang saya ko! waaaaaaaaaaaah

When you were mine (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon