Chapter 12

32 1 0
                                    

Nagkwentuhan lang kami ni Ivan tungkol sa elemetary days namin at kung ano ano pa. Kinumusta ko rin ang Ate niya na si Ate Blessie na umalis daw ng bansa kasama ang napangasawa niya para daw sa honeymoon.

"So Aly what time this coming saturday?" medyo napasarap ang kwentuhan namin at inabot rin kami ng ilang oras.

"I'll just text you nalang-"

"Aly" may tumawag nanaman ng pangalan ko. okay? kanina si Ivan lang ngayon naman si Bryan?

"Aly maybe I should go" hinalikan ako ni Ivan sa pisngi saka umalis na siya hinarap ko si Bryan na ngayon ay sobrang seryoso ang mukha.

"Hey what's with that oh-so-serious face?" pabiro kong sabi sakanya pero hindi nagbago ang ekpresyon mukha niya.

"is there something going on between you and him?'' seryoso parin siya. Kumunot ang noo ko sa tanong niya at parang naalala ko bigla yung page na Sweet couples in the university ba yun? I don't know because i just don't really care.

"Wala no magkaibigan lang kami" kalma kong sabi pero siya seryoso parin ang mukha. May problema ba siya? nagsasabi naman ako ng totoo ah tsaka wala naman sigurong masama kung makipag-usap kay Ivan or kahit na kanino wala naman akong ginagawang masama.

"Then why does he have to kiss you?!" nagulat ako dahil medyo tumaas ang tono niya. Pero mas nagulat ako sa sinabi niya nagseselos ba siya? wait pero bakit siya magseselos eh wala namang kahit na ano saamin? Hay nako Aly wag ka ng magaasume.

Pero inaamin ko natutuwa ako sakanya ngayon at hindi ko mapigilan ngumiti.

"friendly kiss lang yun ano ka ba tsaka magkaibigan lang kami promise" ngumiti ako sakanya. Ang gwapo niya kahit ang seryoso niya pa yung dimple niyang ang sarap sundutin hahahaha okay Aly snap out of it!

nagbago ang ekpresyon ng mukha niya pero hindi parin siya ngumingiti saakin. Hinila nalang niya ako palabas ng school at pumunta sa parking lot kung asan ang kotse niya.

Pagtingin ko kung saan kami bumaba sa infiniTEA pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok na kami sa loob. Bat ang sungit niya ngayon? meron ba siya? but still i find him cute anyway.

"Anong gusto mo?" ikaw pero sa isip ko lang yun.

"Chocolate frappe nalang 100% sugar then clubhouse sandwich i'm not really that hungry kasi" hindi na niya ako pinansin pagkatapos nun. Nagpaalam ako sakanya na maghahanap ng upuan since maraming tao dito sa shop. Pero ang ikinagugulo ng isip ko ay bakit ganito ngayon si Bryan? seriously? kasi malapit ko na siyang masapak! okay i'm so mean pero ano bang magagawa ko? he's acting weird

naputol ang pagiisip ko ng dumating si Bryan hawak ang mga order namin umupo siya sa tapat ko at seryosong nakatingin lang saakin.

"Okay so Bryan what's with that look?" inabot niya saakin yun frappe at yung sandwich. Ininom ko muna yung frappe ohgaad it taste really good

"Wala" ang tipid ng sagot naku! seryoso naiinis na talaga ako! kung hindi ko lang talaga siya gusto makakatikim to saakin buti nalang talaga masarap tong iniinum ko ngayon.

I started munching my sandwich when he suddenly started to talked.

"Aly sorry for being so serious or- wait am i pissing you off?" napatingin ako sakanya at pinaningkitan ko siya ng mata.

"what do you think?" oo! bwisit na lalaking to napaka-Bipolar! napaka-sungit napaka-seryoso! ano sa tingin niya ang mararamdaman ko? matuwa? duuuh

"Look i'm sorry okay? i just don't like seeing you with other guys" muntik na akong mabulunan sa sinabi niya tignan mo to! hindi niya ba inisip na anytime pwede akong mamatay sa mga sinasabi niya?

"W-what?" hindi naman sa nagtatanga-tangahan ako pero i need some explanation kung bakit ganun eh sa magkaibigan lang naman kami at lalaki rin naman siya ah? ibig sabihin ba nun ayaw niya din na kasama ako? what? ano ba tong iniisip ko. Tanga-tangahan lang Aly??

Hindi ko tuloy makain tong sandwich na isusubo ko sana.

"Look Aly isn't obvious?" i crossed my arms over my chest.

"What obvious?" tinignan ko siya sa mata. I am so curious all of sudden medyo natagalan siya bago magsalita naramdaman ko na bigla siyang kinabahan at pinagpawisan bigla?

"Hey are you okay?" bakas sa itsura niya na kinakabahan siya pero biglang nagbago nanaman ang ekpresyon ng mukha niya at naging seryoso nanaman siya. see? bipolar

"Aly i'm gonna tell you something" hindi na ako umimik pa at nagsimula na ulit kumain ewan ko ba sa lalaking to hindi ko siya mabasa ganun ba talaga mga lalaki? mahirap basahin kung ano ang iniisip nila? oh baka si Bryan lang talaga ang ganun?

Pinagtuunan ko siya ng pansin habang kumakain.

"kahit na kaibigan mo pa siya Aly please I just don't like seeing you with that guy" dahil dun sa sinabi niya nabulunan na ako for real inabot ko yung tubig na binigay niya saakin at ininom agad yun. Nakaramdam ako ng inis bigla sinasabi niya ba saakin ngayon kung ano bang dapat kong gawin?

"He is my friend Bryan" matigas kong sabi at mas lalong nagseryoso ang mukha niya bakas ang galit na namumuo sa mga mata niya and somehow para may sakit or something siyang nararamdaman. Hindi ko alam

"I know pero Aly can't you see? I don't like him!" nagulat ako sa bigla niyang pagsigaw. "Sa ayaw at sa gusto mo susundin mo ang sinabi ko! wag na wag kang sumama sa lalaking yun!"

Now he's getting on my nerves! kami tuloy ang tinitignan na ng mga tao ngayon ang kapal ng mukha niyang sigawan ako medyo ang sakit sa ego kainis

"What the hell is your problem Bryan?!" tumayo siya sa kinauupuan niya at iniwan ako. hindi niya man lang ako pinagsalita

Ang sama tuloy ng loob ko dahil mukha akong tanga na iniwan dito ni Bryan at ang masama pa dun pinagtitinginan na ako ng mga tao. Hindi niya man lang naisip ang nararamdaman ko sobrang pahiyang pahiya ako dito dahil nagbubulong bulungan na ang mga tao.

Dali dali akong tumayo sa kinauupuan ko at lumabas na sa shop. Ano bang masama kung magkasama kami ni Ivan? kaibigan ko siya! Parang hindi sila nagsasama ng bestfriend niya ah!

Magpapasalamat pa naman sana ako dahil dun sa surprise breakfast sa ginawa niya saaikin pero nagbago na isip ko. tsaka isa pa walang kami sa tuwing naiisip ko di ko mapigilan masaktan.

Kasi alam kong hindi na basta 'gusto' lang ang nararamdaman ko kay Bryan napag-pasyahan ko nalang bumalik sa boarding. Naiinis ako kay Bryan dahil iniwan niya ako! Pinaka ayaw ko sa lahat yung iniiwan ako eh.


——————————————————————————————————————————————————

Pinaka short update. XD

When you were mine (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon