Inumpisahan na naming maglakad pataas nung una hindi pa ako nakaramdam ng pagod pero nung medyo nasa itaas na kami eh sobrang pagod na pagod na ako at nararamdaman kong kumikirot ang dibdib ko sa sakit.
Pag nasa baba ka kasi akala mo madali lang akyatin pero kapag mismong nasa gitna ka na mahirap pala.
Same feeling nung nag mountain-hiking kami with the whole family kasama rin si Zach. Ayaw nga akong payagan ni Mommy nun eh dahil daw baka mapagod ako pero sa huli pinayagan naman nila ako.
Sabi kasi nila ayaw hindi daw at ayaw daw nila na napapagod ako pero ano bang magagawa ko? It's part of life.
"You Alright?" tanong ni Bryan. Hindi ba siya napapagod? samantalang ako halos himatayin na sa sobrang pagod paakyat ng bundok na to.
"Grabe pagod na ako" tumigil muna kami saglit at inabutan niya ako ng tubig saka ko naman ininom ko naman agad yon, Parang hindi ko na ata kaya pang umakyat pero andito na kami wala ng atrasan.
"Want a ride?" napalingon ako kay Bryan na naka-luhod na sa harap ko.
"Ha?" nagtataka kong tanong sakanya.
"I am offering you a piggy back-ride oh c'mon" hindi pa ako nakakapagsalita ay dali dali na niya akong hinila at napakapit nalang ako sa leeg niya. Parang nakaramdam tuloy ako ng hiya buti nalang nakapants ako ngayon.
Dahil ito ang napag-usapan namin nila Camille masyado daw kasi akog Kj dahil hindi ako sumusunod sa usapan kaya pinagbigyan ko sila. loko talaga
"Sabihin mo lang kung nabibigatan ka na saakin" nakakahiya naman kasi sakanya.
"Ang gaan gaan mo nga eh kumakain ka pa sa lagay na to?" medyo napatawa siya ng kaunti. Ang sexy ng boses niya at naaamoy ko ang pabango niya mula dito sa likuran. Yung leeg niyang kanina ko pa pinagmamasdan. Ohgad nakakaadik amuyin.
Hindi na ako nagsalita dahil baka kung ano pa ang masabi ko sakanya. Saktong nakarating narin kami at ibinaba na niya ako. Tumingin agad ako sa paligid. Ang ganda. Kitang kita mo ang nasa baba mula dito sa itaas yung puting tore na nakatayo ay monumento pala ni Rizal sa wakas nakita ko na rin.
Matatanaw mo dito ang naglalakihang bundok at ang mga palayan at ang mga ulap na talaga namang napakasarap tignan dahil sa kulay nitong asul.
Marami ring magagandang bulaklak dito. May isang gareden na namangha ako ng sobra dahil sobrang makukulay ang mga bulaklak nito. Naisip ko tuloy na pag nagkaroon ako ng sariling bahay papalagyan ko ito ng malawak na garden na napapaligiran ng maraming bulaklak.
"Enjoying the view?" ngayon ko lang napagtanto na kasama ko pala si Bryan.
"sobra" ngumiti ako sakanya. "salamat"
ang sarap ng hangin dito napaka sariwa. Parang mas gusto ko na tuloy tumira dito kesa bumalik sa manila.
Hinawakan ni Bryan ang kamay ko habang nakatingin sa kawalan. Naramdaman kong tumibok ang puso ko kaya napahawak ako sa dibdib ko ng marahan. Habang tumatagal lumalim ang nararamdaman ko kay Bryan at natatakot ako sa pwedeng mangyari hindi ko alam kung tama ba to.
Ayoko na munang isipin ang mangyayari sa hinaharap ang mahalaga ay ngayon. Masaya ako, masaya kami ni Bryan. Napangiti nalang ako.
Sabay namin pinanuod ang paglubog ng araw.....
-
Pagabi narin nung nakauwi kami. Habang nasa byahe kami walang nagsasalita ni isa saamin pero hinayaan ko nalang dahil alam ko naman na pagod siya.
BINABASA MO ANG
When you were mine (On-Going)
Novela JuvenilBakit ganun? Sa pag-ibig lagi nalang akong talo. akala ko kaya kong magpretend na okay lang lahat, na hindi ako nasasaktan pero hindi pala. Ginawa kong talikuran ang lahat para sa taong mahal ko, pero sa huli ako parin yung umuwing luhaan at nasasak...