Chapter 13

33 0 0
                                    

Tatlong araw akong nagkulong dito sa kwarto ko simula nung nag-away kami ni Bryan hindi na rin ako umattend sa foundation day namin dahil wala ako sa mood. Alam kong nagtatampo saakin sila Camille dahil hindi ako nanuod sakanila pero ano bang magagawa ko? tatlong araw narin na hindi kami nagkikita ni Bryan.

Dun sa tatlong araw na yun hinihintay ko ang isang text niya, tawag or ng kahit na ano pero wala eh tinitiis ko lang yung sarili ko na wag ako ang maunang magparamdam sakanya dahil ewan ko para kasing ampangit tignan.

Sabado ngayon at ngayon na rin yung swimming namin nila Camille kaya naghahanda na ako, kailangan kong bumawi sakanila dahil alam kong sasama nanaman ang loob nila kapag hindi ako pumunta.

Naligo na ako at nag-ayos. Nagsuot ako ng short then sando at pinatungan ko ng polo at tinupi ko ito hanggang sa siko at nagsuot ng vans na binigay sakin ni kuya. Sinuot ko na rin ang shades ko at naglagay ng red lipstick hindi ko rin alam kung bakit ganito ang ngayon ang porma ko nakakasawa rin naman kasi ang magdress kahit papano tska resort naman yung pupuntahan namin kaya okay lang.

Nilagay ko na rin ang mga dadalhin ko sa jansport na bag bigay rin saakin ni Zach ewan ko ba sakanila kung anong meron para naman daw mabago na ang style ko when it comes to fashion kelangan daw dapat may swag? bahala sila sa buhay nila.

Lumabas na ako para hintayin si Ivan dahil sabi niya papunta na daw siya dito para sunduin ako. Nilabas ko ang earphone ko at Ipad para makapag-soundtrip muna ang tagal ko na rin palang hindi nakakapag soundtrip parang feeling ko tuloy dun sa tatlong araw na yun parang forever na akong hindi man lang naka-pag enjoy or what .

Hahayaan ko muna ang sarili ko ngayon na kalimutan si Bryan kahit ngayon lang kasi sa tuwing naiisip ko yung huli naming pagkikita hindi ko maiwasan ang sumama ng loob dahil iniwan niya ako.

"Hey! Aly" nawala ako sa malalim na pag-iisip. Andito na pala si Ivan hindi ko man lang namalayan tsaka ang aga naming pumunta sa resort na sinasabi nila Camille. Biruin mo 6 ng umaga tumawag sila saakin para gumayak na para daw 7:30 okay na at pumunta nalang kami.

"Andyan ka na pala" pinagbuksan niya ako ng pinto tsaka sumakay na din siya sa driver's seat.

"Goodmorning to most hot gal I've ever seen" malamang napansin niya ang porma ko dahil ngayon lang ako nagbago ng ganito di bale ngayon lang naman to

"Whatever Ivan" napailing nalang ako habang nakangiti sakanya

"So saan tayo?" tinignan ko muna saglit yung text saakin ni Aria dahil hindi ko alam yung place eh basta ang sabi niya alam daw to ni Ivan.

"Sa Tatin's hotel and beach resort" saktong tinext rin ako ni Aria na papunta na rin daw sila doon. Pag mamay-ari daw yun ng kaibigan niya na kablockmate namin na si keres kaya libre daw

"what?!" napalingon ako agad kay Ivan kasi parang gulat na gulat ang expression niya.

"Anong what?" taka kong tanong.

"Eh ang layo niyan eh"

"what?!" ngayon ako naman ang nagtatanong. Naisip ko agad si Aria kaya dinial ko kaagad ang number niya ilang ring palang ay nasagot naman niya agad

"why didn't you tell me?" iritado kong tanong kay Aria. hindi naman ako marunong magalit or magtampo mabilis agad nawawala yun kaya alam kong lilipas din to hindi ko lang talaga mapigilan ang mainis dahil hindi sinabi agad saakin ni Aria na malayo pala ang pupuntahan namin

"Ang ano?"

"Na malayo pala tong resort na pupuntahan natin?"

"sorry hahaha pumunta ka ah! hindi ka pa bayad sa mga utang mo" at binabaan ako. bumaling ako ng pansin kay Ivan habang abala naman siya sa pagda-drive.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When you were mine (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon