Chapter 7

42 3 0
                                    

Nagising ako ng may naka-ukit na ngiti sa aking mukha. Naiisip ko parin kasi yung mga nangyari kagabi hindi ko tuloy maiwasan kiligin bumangon na ako mula sa pagkakahiga at naghilamos. Una kong tinignan ang phone ko kung may text siya at tama nga ako!


Bryan

Hi Alyanna Jessica Anderson goodmorning ingat palagi :)


emeged. Ke-aga aga eh kinikilig ako nag goodmorning rin ako sakanya at lumabas na ng kwarto.

"Goodmorning Ate Anna, Ate Sing, at Ate Maria" bati ko sakanila ng madaanan ko sila sa hallway.

"aba iba ang ngiti natin ngayon ah blooming gusto ko yan! lalo kang gumaganda" sabi ni Ate Anna aba't nambola pa pero sabagay totoo naman hahaha hindi ko pa pala nakwekwento kay Ate anna ang mga nangyari saka ko nalang sasabihin sakanya kapag may oras ako sa ngayon kailangan ko munang kumain dahil nagugutom na ako.

"Ate Anna hotdog nga po tapos whole rice then isa pong milo" pagkatapos ibigay lahat sakin ni Ate Anna ang pagkain ko napag-pasyahan ko munang kumain dito sa store tutal ako pa lang naman ang tao at dahil namiss ko manuod ng TV ay i-on ko ito. Naalala ko tuloy yung paborito kong TV series na The Vampire Diaries ano na kayang nangyayari doon? gusto ko ng mapanuod si Elena at stefaaaaaan-

"Oh Bryan? ano sayo?" napatigil ako sa pagsubo ko dahil sa pangalan na narinig ko. Mygulay ba't ang aga niya naman atang pumunta dito eh 10:30 pa ang klase niya eh 8:00 o'clock palang naman? kinakabahan nanaman tuloy ako argh! this feeling! Andito siya! Aly andito siya! Pwede magmura? shit lang natetense ako! Kumakabog ang dibdib ko sa sobrang kaba sa palagay ko kailangan ko na atang magpa-check up at iba na ang tibok ng puso ko.


Will someone save me from this breathtaking situation? gosh! i don't know what to do.


Nakikita ko siya dahil may salamin na nakasabit malapit sa TV. mygod! ayan na siya dadaan na! Wala na akong lakas ng loob na tignan siya dahil nahihiya talaga ako. Aly kunwari wala kang narinig at nakikita! dapat siya unang pumansin sayo! Lalong nanlaki ang mata ko ng naki-table siya saakin at masaklap pa dun nakatingin nanaman siya saakin ng may ngiti sakanyang mukha. Oh lamunin mo na ako lupa ngayon na! hindi ko na kaya ang nararamdaman kooooooo! Ako naman nakatingin lang din sakanya dahil hindi ko alam kung ano ang irereact ko nagmumukha tuloy akong tanga. Ano ba Alyanna! snap back to your senses!


Yang ngiting yan! jusko bakit ko ba to nararamdaman? i have one word for him. Ampogi. Pwede mag mura ulit? shit! tama na! nalulusaw na ako sa mga tingin at ngiti na yan maawa ka Bryan! napalunok ako at napatingin sa buhok niyang magulo na halatang kagigising niya lang. Bat ganun? naattract ako sa buhok niya!

"Goodmorning ulit" nakangiti siya habang sinasabi ng mga salitang iyon samantalang ako nakatingin sa labi niya. Ano ba Aly! bakit yan ang tinitignan mo?

I smiled back.

"Goodmorning rin" ano ba yan nahihiya nanaman tuloy akong kumain nagugutom pa naman ako at yun nga pahinhin epek akong kumain kaiyak. Pasulyap sulyap kasi siya kaya hindi ako maka-concentrate naco-conscious ako!

"Oh i smell something fishy ah Bryan? ang gaganda ng mga ngiti natin ngayon ah parang inlove?" Pang-aasar ni Ate anna dahil siguro napansin niya na sabay kaming kumakain ngayon. At dahil dun napa-ubo tuloy ako

Grabe! Ate anna please wag kang nagbibiro ng ganun! ghad ayoko na! gusto ko ng umalis dito.

Binilisan ko nalang ang kumain at ng matapos ako ay nagpaalam na ako kay Bryan. Napapikit ako at napahawak nalang ako sa dibdib ko grabeng puso naman ito sobra kung makatibok mahihimatay na ata ako! hindi ko makalimutan yung ngiti niya grabe ampogi niya talaga, yung dimple yung messy hair mygulay naloloka na ako ng sobraaaa!

When you were mine (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon