Chapter 4

39 2 0
                                    

mabilis na lumipas ang araw at sabado na, nadagdagan nanaman ang mga kaibigan ko ang saya! unti unti nang nawawala ang pagkaka-homesick ko andito ako sa boarding house ngayon at iniisip ko kung magpapa-laundry ba ako or ako nalang ang maglalaba pero kasi kung ako ang maglalaba hindi ko naman alam kung papaano. Magpapalaba nalang ako baka kasi masira ko pa at hindi malinisan ng mabuti ang mga damit ko eh. Pumunta na ako sa malapit na laudry shop dito at bumalik na ulit sa BH (Boarding house) nag-general cleaning ako nag-ayos ayos ng mga gamit hanggang sa malinis na lahat, nakaligo narin ako at ngayon wala na akong ginagawa kundi nagtatanga-tangahan lang.

"Amboring naman" wala pang limang minuto at may kumatok sa pintuan. dali dali ko namang binuksan iyon at bumungad agad saakin si Ate kim.

"Ate Kiiiiiiiiiiim!"

"Oh Aly?"

"Wala lang hehe grabe ate kung alam mo lang sobrang naboboring na ako dito" saktong pumasok na siya ngayon lang kasi ulit siya umuwi galing Manila nalaman ko rin kasi na may boyfriend pala siya na pinupuntahan doon.

"Alam mo bang fiesta dito? labas tayo! sakto hindi pa ako kumakain" nabuhayan ako ng loob dahil sa mga sinabi niya kaya dali dali akong napatayo para kumuha at isusuot ko at nagbihis. Nagdress nalang ako pero parang wala akong suot dahil kita ang likod ko pero okay lang makinis naman balat ko eh at flats hindi rin naman kasi ako mahilig mag-jeans pero nagsusuot naman ako kung kinakailangan si Ate kim naman nakabihis narin at masasabi ko na at ganda at ang sexy niya rin

"Tara na" lumabas na kami sabi niya lakarin nalang daw namin tutal malapit lang naman. Nung makarating kami kung saan ang fiesta una muna kaming kumain sa C'Leahs fastfood chain ito rito sabi ni Ate Kim masarap daw mga pagkain dito kaya umo-o nalang ako dahil gutom narin naman ako.

Nag-order ako ng Chicken w/ rice tsaka apple juice at infairness masarap nga pagkatapos namin kumain ni Ate Kim naglibot libot na kami at bumili ng kung ano ano.

"Ang mura ng mga benta dito ah"

"Oo nga Ate eh" masasabi kong mura talaga pero the way how it looks malayong malayo sa original na gawa. Nagfoodtrip nalang kami ni Ate Kim at umuwi na, hapon narin naman kasi. Masasabi ko rin nag enjoy ako kasama si Ate kim.

"Haaaaaaaay kapagod" nahiga ako ng pabagsak sa kama gusto kong matulog pero hindi ako inaantok. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh basta andito na ako sa kwartong to hindi ko mapigilan ang maboring nakakainis! nakakamatay!

"Amboring dito no? kaya nga lagi akong wala dito kasi walang magawa lalo na nung mag-isa pa ako" nakahiga narin si Ate Kim dahil malamang napagod sa kakalakad namin kanina.

"Oo nga Ate eh"

-

Nagising ako dahil maingay sa sala napasarap ang tulog ko pagtingin ko sa oras 6:30 na ang haba rin pala ng tulog ko.

Lumabas ako para makita kung sino iyong mga taong maingay sa sala.

"Oh Aly gising ka na pala" Si Ate Anna. Nilibot ko ang mga mata ko at andito rin si Ate Kim tapos puro mga lalaking kumakain sa mesa ang nakikita ko

"Sinabi ko nga kay Aly na crush siya ni Bryan eh" nagulat ako sa sinabi ni Ate Anna, mga kaibigan siguro to nung Bryan? eh bakit wala siya dito? nacucurious tuloy ako kung sino siya. "Wag niyo nalang sabihin sakanya para kunwari hindi niya alam" pabirong sabi ni Ate Anna. Naupo ako sa tabi ni Ate kim

"Ikaw Aly ah yiiieee may nagkakagusto pala sayo si Bryan yiieeee" bulong niya saakin sabay sinundot sa tagiliran ko grabe naman sila ni hindi ko nga kilala kung sino yang bryan na yan eh kaya tumahimik lang ako pero hindi ko mapigilan ngumit dahil natatawa ako kay Ate Kim lakas makaasar eh

When you were mine (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon