Chapter 10

23 2 0
                                    

Hindi ko na kayang mag-isip ng kung ano ano! Isang tao lang ang pwede kong pagtanungan at si Ate Anna yun pero mamaya ko nalang siya tatanungin at masyado siyang busy sa store.

ako na Oa! kasi naman diba? ang sweet sweet nung guy sayo tapos biglang makikita mo na may girlfriend pala siya? Sino namang hindi mapapaisip dun diba? Kung kayo kaya ang nasa sitwasyon ko? syempre ganito din ang irereact niyo.

Well i just can't accept the fact that pinagmukha niya akong tanga. I feel so stupid really stupid tsaka hindi naman kasi mismo nanggaling sakanya na crush niya ako eh baka gawa gawa ang nila yun

Hindi man lang ba nila inisip ang feelings ng iba sa mga ginagawa nila? kainis! Yung mga taong walang magawa pati feelings ng iba dinadamay? paglaruan na nila lahat ng feelings ng ibang tao wag lang yung sakin!!!

"Alam mo wag mo nang isipin yun baka naman magkaibigan lang sila hindi naman siguro gagawin ni Bryan ang idate ka dahil lang sa may gilfriend siya malay mo magkaibigan lang sila tsaka sa nakikita ko naman kay Bryan seryoso siya sayo" mahabang paliwanag ni Ate kim nakalimutan ko na andito pala siya.

"Ate kim kasi hindi ko lang naman talaga mapigilan mapaisip eh" parang nainis tuloy ako bigla dun sa babae kasi ang ganda niya pero mas maganda ako no! tsaka mas maputi pa!

"Ano ka ba! ang haba kaya nung baba nung babae na kasama niya! make-up lang naman ang nagdadala kainis sapakin ko yun eh" bigla naman akong natawa sa sinabi ni Ate Kim eh pano kasi ang bitter niya masyado kala mo siya yung pinagmukhang tanga eh hahaha napailing nalang ako.

May kumatok sa pintuan at binuksan naman agad ni Ate kim yun.

"Aly kumain ka na?" si Ate anna. sa wakas! ito narin siguro yung oras para matanong ko siyang tungkol kay Bryan.

Napatayo ako agad at lumabas sa sala kasama si Ate Kim sarado na rin ag store at tahimik na rin dito sa bahay.

May inaboy saakin si Ate Anna na sopas na bagong luto. Wow parang nagutom ata ulit ako??

"Kainin mo na yan habang mainit pa"

"Ate Anna hindi na sana kayo nag-abala pang magluto ng ganito" halatang bagong luto lang yung sopas. At nainggit naman si Ate Kim saakin at kumuha siya sa kinakain ko pero pinigilan siya ni Ate Anna.

"Naku Kim kung gusto mo niyan meron pa naman dun sa kusina kumuha ka nalang" hindi na nagsalita si Ate Kim dahil naman sobrang excited siyang pumunta at kumuha ng sopas niya grabe anong klaseng tyan meron kami? eh ang dami kaya naming kinain sa jollibee kanina.

Habang sumusubo ako nakatingin lang sakin si Ate Anna kaya naman nagtanong na ako sakanya.

"Ate Anna nakita ko si Bryan kanina" nakapout ako. "May kasama siyang babae girlfriend niya ata"parang nagulat si Ate Anna sa sinabi ko saktong dumating naman si Ate Kim.

"Girlfriend? wala! eh di sana alam ko yan baka naman si Brey yung nakita mong kasama niya?" naguluhan ako sa sinabi niya. So kelangan ba naman lagi siyang updated sa mga magiging girlfriend ni Bryan??

"Sinong Brey?" singit naman ni Ate Kim habang kumakain. Nagpatuloy lang ako sa pag kain habang naghihintay sa sasabihin ni Ate Anna.

"Naku kayo talaga kung ano anong iniisip niyo bestfriend niya yun! Si Brey close na close talaga sila" napalingon agad ako kay Ate Anna. what? besftriend? may bestfriend pala siya? oh sabagay lahat naman ng tao pwedeng magkaroon ng bestfriend eh.

Pero ang sweet kaya nila nakakainis tapos bestfriend? bestfriend?! marami pa akong gustong malama tungkol kay Bryan kaya naman pinilit ko si Ate Anna na magkwento habang si Ate kim naman dito sa tabi ko eh ayaw tigilan ang sopas na kinakain niya.

When you were mine (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon