after ng pag uusap namin ni Camille umuwi na kami. tutal wala na kaming klase tsaka para naman maayos ko yung mga gamit ko sa kwarto. Kulang pa kasi ako sa gamit kaya kailangan kong bumili pero ang problema hindi ko alam kung saan. kailangan kong magtanong kay Ate anna kaya pumunta ako sa store. As usual maraming tao nanaman at sa tuwing lumalabas ako at pumupunta ako sa store halos lahat sila nakatingin sakin.
siguro ganito talaga sila kaya kailangan ko ng masanay. Nakita ko si Ate Anna na sobrang abala sa ginagawa niya kaya tumalikod na ako...
"oh Aly?" narinig ko ang pangalan ko kaya lumingon ako sakanya. "May kailangan ka ba?"
"Ummm Ate Anna kasi may itatanong sana ako" nahihiya kong sabi pano naman kasi lahat napatigil dahil sa pagtawag sakin ni Ate Anna ng pangalan ko.
"Ano yun?" nagtatakang tanong niya.
"Itatanong ko sana kung san malapit na grocery store dito?"
''Ah sa bayan malapit lang yun pero pwede ring sumakay ng tricycle pupunta ka ba?"
"Sana" alanganin kong sagot kasi hindi ko naman kasi alam at baka mawala ako.
"Jusme! baka mawala ka! teka kailangan mo ng kasama!" okay napakagat ako ng labi dahil nagpipigil ako ng ngiti natatawa kasi ako kay Ate Anna.
"Hindi na Ate Anna" sabi ko. "kaya ko naman basta ba sabihin mo nalang sakin kung saan" ngumiti na ako.
"Magtricycle ka nalang dyan sa kanto tapos sabihin mo sa Savemore tsaka kapag pauwi ka na marami rin namang tricycle dun alam mo naman siguro yung daan pauwi diba?" tumango nalang ako. "sigurado kang hindi mo kailangan ng kasama?" kumaway ako sakanya.
"Naku hindi na Ate Anna kaya ko na" at ngumiti ulit sakanya.
-
Andito na ako namimili ng gamit malapit rin naman pala ang Savemore pwede naman lakarin ko nalang mamaya pauwi. Ang sarap naman sa feeling kasi naggrogrocery akong mag-isa yung ako lang.
Sa bahay kasi laging yung mga maids ang inuutusan ni Mommy kaya yun. Bumili na ako ng mga kailangan ko at syempre pagkain. Ang saya hindi lang kasi talaga ako makapaniwala na nagagawa ko na to, yung ako lang hindi ko tuloy mapigilang ngumiti.
Tumitingin ako ng palaman kung ano ba ang mas masarap yung nutella ba oh yung Chicken spread? hindi ko parin mapigilan ang ngumiti at dahil dun naramdaman kong parang may nakatingin saakin kaya napatingin ako sa harap ko. Tama nga ako siya nanaman. Yung nasa karinderya kanina, umiwas nalang ako ng tingin. nakakahiya nakita niya akong nakangiti ng wala man lang dahilan mamaya sabihin niya na baliw ako ano ba. kainis naman kasi bat ba kasi ganun yun? nung okay na lahat nagbayad na ako sa counter at umalis na.
Nakita ko rin na may Mcdo rin pala dito pero malaiit lang na stall, mga sundae lang ang binebenta nila at dumaan ako. Habang kumakain ng IceCream napagisip-isip ko, maglalakad ba ako oh magtatrike nalang? nilabas ko ang wallet ko at tinignan kung may barya pa ako pero saktong nahulog naman yung 5 pesos
"Nu ba yan kainis" pinulot ko yung 5pesos sayang rin yun no pambili ng stick-O
"Ano ba yan miss excuse me!" napatalikod tuloy ako kung sino yung nagsalita. aba't.....
"Ivan?" tinignan niya muna ako ng nagtatakang tingin, at unti unting kumurba ang labi niya hanggang sa napangiti na siya.
"Aly?" ngiti niyang sabi saakin Grabe mas lalo siyang pumogi, kitang kita ko yung dimples niya habang nakangiti, pumuti siya lalo at may braces siya na nadumagdag sa kagwapuhan niya.

BINABASA MO ANG
When you were mine (On-Going)
Novela JuvenilBakit ganun? Sa pag-ibig lagi nalang akong talo. akala ko kaya kong magpretend na okay lang lahat, na hindi ako nasasaktan pero hindi pala. Ginawa kong talikuran ang lahat para sa taong mahal ko, pero sa huli ako parin yung umuwing luhaan at nasasak...