Pero naisipan ko ulit maglog-in at pinuntahan ko yung page na yun. Mukhang bagong gawa lang at kaming dalawa palang ni Ivan ang nakapost doon. Walang ano ano'y minessage ko yung page na yun at kung sino man ang gumawa nun.
Alyanna Jessica Anderson
Hey kung sino ka man! Do you really know what you're doing? I mean why do you have to post this picture when in fact were just friends? really? Sweet Couples in The University? Oh c'mon! you've got to be kidding me! this is so pathetic sana naman kinilala mo muna kami bago ka nanghusga! sweet couple?! mygod! sana inalam niyo muna ang story bago kayo gumawa ng kung ano ano!
at nag-log out na ako. Nakakainis naman bahala sila sa buhay nila! pumunta ako sa store ng nakasimangot kakain nalang ako para mawala ang inis ko. Malaman ko lang talaga kung sino yung mga yun?! humanda sila saakin! kahit na hindi ako marunong manakit dahil sakanila natututo ako!
Pero bigla akong tinamad kumain nakakawalang gana naman kasi kung kayo kaya ganun? syempre ano nalang iisipin ng mga tao? si Bryan? what? nevermind!
Naisipan ko nalang tawagan ni Zachy pero naka-ilang ring na hindi parin niya sinasagot kaya sinubukan ko si Kuya at ganun din siya. Seriously?! what is wrong with the world?!
"Aly may problema ka ba?" tanong bigla saakin ni Ate anna. Andito kasi ako sa vacant table nakaupo at nakabusangot ang mukha.
"Wala lang ako sa Mood Ate Anna" oo wala talaga! kainis. Tinititigan ko lag ang phone ng halos ewan ko limang oras? naghihintay ng kahit anong text pero wala kahit isa.
Ganun na ba ka-busy mga tao ngayon? at pati ako kinakalimutan na? walang anu ano'y may mga boses ng lalaki ang narinig ko na paparating dito sa store.
"Lagot tayo pare pano yan?"
"Ang gago niyo kasi eh! pano pag nalaman nalang ni Bryan kagaguhan natin??" napalingon ako agad sa direksyon nila. Nacurious ako bigla sa usapan nila eh pero mukhang hindi nila ako napansin kaya tuloy tuloy parin sila sa pag-uusap. Sila Ton pala ang mga ito pero wala si Bryan.
"Wag nalang natin sabihin sakanya"
"Eh pano si A-" hindi natuloy ni Maui yung sasabihan niya kasi bigla siyang binatukan ni Ton saka sila tumingin saakin. hm? oh eh bat ang tahimik nila ngayon?
Umismid lang ako sakanila at nag-iwas na ng tingin wala talaga ako sa mood ngayon hindi ko alam kung bakit pero basta! Kainis talaga. Bumalik nalang ako sa kwarto at nahiga.
Naisip ko na malapit narin pala ang finals so far hindi naman ako ganon nahihirapan dahil masipag naman ako kung tutuusin sa pagbabasa at pagrereview ng mga notes ko maliban sa isang subject na kinaiinisan at pinaka ayaw ko sa lahat. Ang math investment!
Kelan kaya mawawala ang math sa buhay ko? kelan? Matalino naman ako sa lahat math lang talaga ang problema ko math! math! math! ugh Nilabas ko nalang ang notebook at at book para pag-aralan ang mga ito sayang rin naman kasi ang oras wala rin naman akong ginagawa
Q: Hakim invested $15000. He put part of it in a term deposit that paid 4% per annum, and the remainder in a treasury bill that paid 5% per annum. After one year, the total interest was $690. How much did Hakim invest at each rate?
nabo-bobo ako! hindi nga pala ako nakinig nung nakaraan dahil sa mga iniisip ko. Hindi ko tuloy alam kung pano kunin yung sagot! pati solution! papaturo nalang ako kay Aria matalino kasi siya sa Math eh.

BINABASA MO ANG
When you were mine (On-Going)
Teen FictionBakit ganun? Sa pag-ibig lagi nalang akong talo. akala ko kaya kong magpretend na okay lang lahat, na hindi ako nasasaktan pero hindi pala. Ginawa kong talikuran ang lahat para sa taong mahal ko, pero sa huli ako parin yung umuwing luhaan at nasasak...