Kabanata 32

443 10 2
                                    


Glee

"Sana ayos lang si Rafaelle, ayokong magkaaway kami," mahinang sabi ko kay Principe Rachim habang nasa biyahe kami patungong Vera kung nasaan ang mag-ina ng half-brother kong si Yoseph.

Madali lang nahanap ni Rachim ang kinaroroonan nila dahil pamilyar sa munting populasyon ng kanyang duchy. Nang marinig niya ang pangalan ng mama ni Yeshua ay kaagad tumunog iyon sa tenga niya at napatingin sa population list ng Vera at ayon na nga. Hindi ko pa alam kung bakit nandoon sila sa pinakaliblib na lugar sa buong Cordancia gayung sinusuportahan naman daw siya ni papa. Bakit sila nagtatago?

"Huwag kang mag-alala, kailangan lang niya ng time para tanggapin ang lahat. Mahirap lang sa parte niya na dahil talagang nag-effort siya para ma-secure sa iyo ang Bien. Hindi niya lang inaasahan na ikaw na mismo ang susuko. Nasira ang plano niya para sayo at sa sarili niya. He wants you to build a community for LGBTQ in Cordancia, right? For people like him?"

Napalingon ako sa kanya nang wala sa oras. Alam niya? Alam niya ang sekreto ni Rafaelle?

"Alam mo?" Ayokong magsabi pa ng ibang salita dahil baka hinihuli lang kami nitong si Rachim. Hindi pa naman maganda ang tingin ko sa aura niya. Parang laging mananakal.

"Siyempre, bakit hindi ko malalaman? Kapatid ko siya. Siya ang kapatid ko sa ama pati na rin sa ina. I watched him grew up just like what our mother told me to do. Hindi niya iyon magagawa kaya ako na lang. Mahirap hindi mapansin ang pagkagiliw niya kay Leo." Matipid siyang ngumiti.

"Bakit hindi na lang ikaw ang tumulong sa kanyang kung ganoon?"

Nagkibit-balikat siya. "Hindi naman siya nagsasabi sa akin. Mas pinagkatiwalaan ka pa niya."

"Natatakot siya na baka hindi niyo matanggap." Halos magkapareho lang pala kami ng sitwasyon ni Rafaelle. Pareho ring mali ang akala naming hindi kami matatanggap ng sarili naming pamilya kaya mas pinili naming sabihin sa iba ang problema namin.

"Paano? Pamilya namin siya. Paano niya naisip na pababayaan na lang namin siya? Lalo na ako. He is my brother, Lady Audrina. He will always be my baby brother kahit ano pa siya. Siya na lang ang natitirang tao na may kaparehong dugong nananalaytay sa ugat. All other princes are only my half-brothers. Hindi niya ba naisip na sasamahan ko siya kahit ano pang landas ang napili niyang tahakin?" Bumuntonghininga siya. "On the other hand, I'm glad that he is becoming an independent person. Natuto siyang mag-isip ng paraan kung paano masusolusyunan ang problema niya nang hindi kami dinadamay. At least, he is trying to solve his problem on his own. Kung iyon ang gusto niyang paraan ay wala akong magagawa. Sana lang, sa pagsama niya sa iyo ay matutunan niyang maging bukas ang puso at isipan sa sariling pamilya. Kagaya ng ginawa mo."

"Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya na alam mo na? Hirap na hirap ang kalooban niya kaiisip na hindi siyo matatanggap. Na baka mandiri kayo sa kanya dahil hindi siya kagaya niyo. Na may gusto siya sa isang lalake na hindi normal para sa isang prinsipe. Hindi kaya ni Rafaelle dahil pakiramdam niya ay mag-isa lang siya. Sana subukan niyo ring maintindihan kung gaano kahirap para sa kanya ang magsabi ng totoo sa inyo." Tumingin ako sa bintana ng kotse. Binabaybay na namin ngayon ang kalsada ng Vera.

Medyo creepy ang duchy na ito dahil napakaraming malalaki at mataas na puno. Kakaiba rin ang mga itsura nila. Sa tingin ko kaya hindi mapaunlad nang husto ang Vera ay mahahalaga ang mga punong ito sa kasaysayan ng Cordancia. Higit na mas matatanda pa sa akin ang mga ito. Cordancian people have a heart for nature.

Tumingin muli ako kay Rachim na patuloy lang sa pagmamaneho. "Alam mo rin ba ang dahilan kung bakit bibitiwan ko ang pagiging duchess?" Baka lang naman alam niya.

"Wala akong hindi alam, Lady Audrina. Sex video, hindi ba? Mahirap nga talagang takasan 'yan." Ngumisi siya.

Napalunok ako ng isang beses. "Sinabi sa iyo ni Rafaelle?" Muntik na akong mapairap.

A Sudden Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon