AlonePasulyap-sulyap ako kay Rafaelle na diresto lang ang tingin sa harapan ng mansyon. Pinagmamasdan niya ang mga nagkakabit ng dekorasyon para sa gaganaping Annual Festival na tradisyon na sa Bien. Bumuntonghininga ako, gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawa dahil nakabantay sa akin si Benedict at mukhang hindi rin naman ako kakausapin ni Rafaelle.
"Can you please move? Nasisikipan na ako rito," reklamo ko kay Benedict na panay ang hila sa akin palapit sa kanya.
"I like seeing your prince's jealous face," he whispered then smirked.
Jealous? Si Rafaelle? Magseselos? Parang hindi naman halata. He still looks the same to me. Galit sa akin.
"Move or I'll push you," may halong pagbabanta sa boses ko.
Natawa lang siya at bahagyang lumayo. Nakita ko namang papalapit sa amin si Lord Maxwell kasama ang hari at reyna na mukhang hindi maganda ang pakiramdam. Ano bang meron kay Lord Maxwell at palaging sumasama ang pakiramdam ng mga nakakasama niya?
"Like these two, for example. Sir Benedict is my trusted assistant but he didn't mention even once that he and Audrina have this deep connection," Lord Maxwell said when they arrived at our place.
Nagtaas ng kilay ang reyna at tumingin sa akin. Hindi ko maisip kung ano ba ang tumatakbo sa isipan niya ngayon dahil kalong niya ang anak na panay ang papansin sa kanya. Having a baby that is cute and adorable is truly a blessing but a burden at the same time. I love babies but I don't like kids.
"Rafaelle, bakit naman ang layo mo? Nag-e-emote ka ba?" tawag pansin ng reyna kay Rafaelle.
Kaagad naman siyang tumalima at tumikhim pa bago naglakad palapit sa amin. Sakto namang paglapit niya ay ang pagdating ni Principe Rachim at Leo. Kung dati ay kitang-kita ko ang epekto ni Leo kay Rafaelle pero parang iba yata ngayon. Halos hindi kumurap si Rafaelle, at diresto pa rin ang tingin sa mga naglalagay ng dekorasyon. May problema talaga siya at alam kong dahil iyon sa akin. He trusted me and believed in my words but I betrayed him. Hindi ko iyon gustong gawin sa kanya pero pinili ko pa ring gawin. He didn't deserve to be hurt like this. Marami na siyang pangamba at dinagdagan ko pa ngayon.
Sinubukan kong hawakan siya pero hindi ko pa man siya nahahawakan ay umiwas na siya. Ano ba? Ang arte naman nito. Sana man lang magkaibigan lang kami habang hindi ko pa naayos ang gulong pinasukan ko ay ayos pa. Sana ay magkaroon ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang lahat. Para hindi na kami nahihirapan ng ganito.
"Hon, what do you think of decorations? Do you like it?" biglang tanong ni Benedict kaya kinilabutan ako at hindi kaagad nakasagot. Literal na nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan. Kadiri lang ang gagong 'to!
Tango lang na may pagngiwi ang nasagot ko kasi sinisikmura na ako. Ganito pala ang feeling ng mga naikakasal sa taong hindi naman nila gusto. Be careful what you wish for talaga kasi matutupad pala talaga iyon. Sana hindi ko na lang hiniling na magkita ulit kami ng lalakeng nakakuha ng virginity ko. Ayan tuloy!
Ngumuso ako sa direksyon kung nasaan si Rafaelle na ilag pa rin sa akin. We can't go on like this. We need to fix this. I don't want to admit to myself but I need his self to get out of this situation. Wala akong mapapala kung itatago ko lang sa kanya. I can trust him, I know that. I need to make him talk to me. I need to do something. Kapag nagtagal pa ay baka mahuli na ako at hindi na ako makaalis sa sitwasyon ko ngayon. I need Rafaelle.
Sa buti at awa ng Diyos ay pinagbigyan niya ako sa mga balak kong gawin. Ang buong akala ni Benedict ay bukas pa ang balik ni Rafaelle pagkatapos nitong sumama sa kapatid niyang hari pabalik sa Royal Palace kaya naman kampante siyang iniwanan ako at sumama kay Lord Maxwell sa lakad nito. Pero pagkaalis niya, mga ilang minuto lang ay nakabalik na si Rafaelle rito.
BINABASA MO ANG
A Sudden Heiress
RomanceWarning: R18 content When Audrina found out the truth about the identity of her biological father, things in her life started to twirl around. Her dream to rule her own life vanished when the fifth prince of Cordancia delivered the news she wasn't p...