Kabanata 5

891 21 0
                                    


Soon

I waited for Principe Rafaelle to arrive. He is ten minutes late, hindi pa ako nag-lunch kanina dahil sabi niya ay ililibre niya kami ni Sammy at mama. Ano ba naman 'yan?

"Nasaan na ang sundo mo? Gusto ko nang kumain ng steak," bulong ni Sammy.

Siniko ko siya dahil nanonood sa amin si mama. Bawal daw kasing magreklamo kapag Royal Family ang pinag-uusapan. Just, how's the feeling of having a free pass on everything? Kanina ko pa tinatadtad ng text ang prinsipeng ito pero wala man lang reply. Just wow naman!

I groaned when finally saw the black limo with little Cordancia's flag in front parked in front of our apartment. Nilabas ko na mga naka-empake kong mga damit at ilang importanteng gamit na dadalhin ko sa mansyon. Sinalubong kami ng dalawang lalakeng naka-itim na tuxedo, 'yong mga humabol sa akin. Kinuha nila ang mga bag ko at pinauna kami sa paglabas.

Nandoon naman sa tabi ng sasakyan si Rafaelle na nakatayo lang pero nagsusumigaw sa awra niya kung sino ba siya rito sa Cordancia. Oo, gwapo siya at ang mga napapandaan nga ay kusang napapahinto para batiin siya, part of the rules. Habang papalapit ako sa kanya ay may pakiramdam na unti-unting lumulukob sa puso ko. Parang nangungulila na ako kahit hindi pa naman ako umaalis. It's weird that I am already missing something without even leaving it. I just realized by now that it will not be the same anymore. Kahit sabihin nila na wala namang magbabago, alam kong alam nila na kahit papaano ay merong mababago sa buhay ko.

Napahinto ako sa paglalakad at napahawak kay mama na napahinto na rin sa paglalakad. She looked at me with that concerned eyes. I wanted to cry because I know any minute by now, I'm going to leave her alone in that stinky apartment. I want her to go with me.

"I don't want to do it," I whispered.

Hinarap niya ako at hinawakan sa magkabilang balikat. "If the reason was me, I will be forever guilty if you don't do it."

A tear fell from my left eye. "I don't want to leave you. Hindi ba pwedeng kasama kita. I want you to be with me. I want to fulfill my promise to you years ago. Hindi ako pupunta kahit saan nang hindi ka kasama. Mama, let us be with each other until the end."

She smiled. A sad smile, then she hugged me so tight. Parang ayaw akong pakawalan. "You will be fine and you will not break any promise because you are still here in my heart wherever you go. Don't be scared to lose me, hindi naman ako mawawala. Pwede naman tayong magkita palagi, hindi naman iyon bawal. Hindi lang papayag ang papa mo na makihati ako sa mga mamanahin mo sa kanya. Iyon siguro ang kinakatakot niya." She laughed. "Pero hindi niya pwedeng alisan ako ng karapatan sa iyo. If he do that, hindi ako magdadalawang-isip na ipagdamot ka sa kanya."

"I will miss you, mama." I hugged her too. Kahit pa araw-araw kaming magkikita, iba pa rin na sa iisang bahay kami umuuwi. Hindi man ako madalas na nasa bahay pero hindi ko man lang nararamdaman na nami-miss ko na siya. At ngayon, hindi pa man nga ako umaalis, nangungulila na ako.

"I will miss you, too, baby. I will visit everyday. You can sleepover here too." Tumango siya sa akin at hinalikan ang noo ko.

"Ang drama naman ni beshy ko! Nandoon naman ako araw-araw kasi nga gagawin mo akong P.A.," sabi ni Sammy at saka ako inakbayan. Nakaladkad niya ako hanggang sa makalapit kay Rafaelle na medyo natatawa pa.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Anong tinatawa-tawa mo d'yan?"

Umiling siya. "Wala, ang drama mo pala kahit mukha kang amazona." Binuksan niya ang pinto ng limo kahit hindi naman dapat siya ang gagawa no'n.

"Wala kang pake!" I raised my middle finger to him and quickly got into the car before my mother see me shitting with the prince.

Maluwang ang loob ng limo at aakalain mong pwede ng maging isang kusina. May mga wine at wineglass pa. Bakit kailangan may ganito pa?

A Sudden Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon