Kabanata 30

482 9 0
                                    


Heir

"You can do it, darling," bulong ni Rafaelle habang nasa harapan kami ng mahaba at mataas na concrete wall.

"I know, but I am nervous. Hindi ko maisip kung paano ko siya babatiin mamaya. I want this talk to be fruitful. Ayoko siyang sumbatan. Gusto ko makikinig lang ako sa kanya. Paano ba gawin iyon?" I let out a sigh.

"Don't worry, I am here. Hindi kita iiwan." He smiled then tell the guards our agenda.

Nakapasok kami nang walang kahit anong abala. Hindi rin kasi abala ang mga tao sa kulungan. Parang wala nga silang magawa kung hindi ang magbantay ng preso. Ilang beses akong humihinga nang malalim at nilinaw ang isip. Pinag-isipan ko kung paano ko siya mababati. Ngingiti kaya ako? O magpapanggap na walang pakialam sa presensya niya?

"We are here," anunsyo ni Rafaelle nang huminto kami sa tapat ng isang pinto. Dito rin 'yon noon pero iba ang pakiramdam ko ngayon. Hindi kagaya noong una, mas magaan ang loob kong nandito ako.

"Stay, please. Don't leave me." Tinitigan ko siya.

"I won't."

Siya ang nagbukas ng pinto at sandali pa akong nabato sa kinatatayuan ko kaya nilingon niya pa ako ng isang beses. Siguro maiisip ng marami na parang ang OA ko naman, katatagpuin ko lang naman ang tatay ko. Hindi talaga nila ako maiintindihan kung hindi nila napagdaanan ang mga dinanas ko noon. Galit talaga ako. Iyong galit na nakatanin na mula pagkabata pa. Pakiramdam ko kasi ay nasayang lahat ng pagkakataon. Ngayon ko lang naman naamin sa sarili ko na masakit sa kalooban ko na wala siya noong lumalaki pa lang ako. Wala siya noong mga panahong kailangan ko ng ama. Tapos naisip lang niya noon na isa lang akong basura na kailangang idispatya. Ang sakit-sakit tuwing iniisip kong ganoon nga lang ang nararamdaman niya para sa akin.

"Audrina, it's okay."

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. Hinawakan ni Rafaelle ang mukha ko at pinunasan ang luha ko.

"Masakit ang puso ko ngayon, Rafaelle. Ang sama ng loob ko hanggang ngayon." Napalitan ng panibagong luha ang mga pinunasan niya.

"You will never know what's the other side of the story if you will keep refusing to hear their side. It's not easy to open your heart to someone who hurt you deeply, but the truth will make us at ease somehow. Kung ano man ang mapakinggan at malaman mo sa pakikipag-usap mo sa ama mo ngayon, you are not required to just believe it immediately. It is a process. A very long process that only you can know how long it will take. You can ears for now and later, your heart when you are ready." He kissed my forehead. Ilang segundo ring nandoon ang mga labi niya.

Tumango ako. "Tara na, para matapos na ito. Sana lang ay may magbago pagkatapos. Sana maging maluwag na lahat sa akin."

Hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit at sabay kaming pumasok sa silid kung nasaan ang ama ko. He still looked the same, but his white hair are more visible than before. Nakaposas rin ang mga kamay niya at ang paa ay nakakadena na nakakabit sa sahig. Wala akong awa na naramdaman, wala pa.

"Audrina," he called me, then gave me a weak smile after.

Hindi ko sinuklian ang ngiti at ang pagbati niya. Diretso lang akong naupo sa isang silya na nakalaan para sa akin. Ganoon din ang ginawa ni Rafaelle pero siya ay magiliw pang binati ang kriminal.

"Buenas tardes, Harriston."

Hindi man lang niya tiningnan si Rafaelle at nasa akin ang buong atensyon. "Natuwa ako nang ipaalam sa akin na gusto mo akong makausap. Alam kong galit ka sa akin, walang kapatawaran ang pagpapabaya ko sa iyo pero hindi mo gugustuhing mabuhay na kilala ako bilang ama mo."

A Sudden Heiress Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon