ReadyNakahinga ako nang malalim nang umalis si Lord Maxwell dahil nawala na rin ang umaalingasaw niyang pabango. Si Rafaelle naman ay ngingisi-ngisi sa gilid. Alam ko naman na may nagawa na naman akong pagsisisihan ko. Hindi ko na dapat pinatulan ang uncle ko na 'yon. Napasubo na naman tuloy ako at hindi ko na iyon mababawi lalo na at panay na ang balita nitong prinsipe na ito na napapayag na niya ako. Kung hindi lang sana sobrang yabang ng Lord Maxwell na iyon at kung wala lang pipigil sa akin ay sinuntok ko na ang pagmumukha niyang pangit.
"Hindi pa rin ako pumapayag. Gusto ko lang mainis si Lord Maxwell dahil nayayabangan ako sa kanya. 'Tsaka tingnan mo, napaalis ko siya rito sa mansyon." Humalakhak ako pero hindi siya natinag.
"Touch, move, Duchess Audrina. Wala nang bawian." Ngumisi siya.
"Sino ka naman dyan? Wala ka ngang ebidensya na sinabi kong pumapayag na ako." Pinagsiklop ko ang mga braso ko sa dibdib.
He smirked and then showed me his phone. He clicked something then a recording of our conversation earlier started to play. What the fuck!
Ang linaw sa recording ang paghahamon ko kay Lord Maxwell. Tinakpan ko ang mukha dahil sa hiya. Ang yabang ng boses ko dyan, ah! Parang may ibubuga naman sa pamumuno!
"Stop that! Kung hindi ko 'yan sinabi ay malamang may bago ng Duke ang Bien bukas. I just gave you time to look for another qualified person except me and him." Umirap ako.
Hindi lang naman kasi ang pagkakasakal ang iniintindi ko kung ako man ang magiging duchess. What if I am not going to be a good leader? What if I mess things up? Doon lang naman ako magaling. Hindi nga ako naging president noon sa klase kahit pa gusto ko dahil ganda lang naman daw ang meron ako. Hindi ko kayang maging leader. Bibiguin ko lang sila. Me and father are very different from each other. Why are they hoping too much from me?
And I don't want to give up my current life, I do not want to leave my mother. I want see my friend always. Ayokong tumira sa mansyon na ito na mag-isa lang ako. Mababaliw ako!
"Audrina, if you are going to be a Duchess, you can change things according to your wants. The only person who can stop you is the king." Rafaelle tapped my shoulder.
I looked at him. "Did you already change anything according to your will? You are a prince, you are higher than me if I am going to be a duchess. At matagal na rin simula nang maging prinsipe ka. Nagagawa mo ba ang gusto mo? Malaya ka bang gumawa ng desisyon o sunud-sunuran ka lang din sa kapatid mong hari?" I raised a brow.
Wala siyang nasabi at nag-iwas lang ng tingin. Even if you have all the power in the world, a beggar is still much luckier and happier than you.
Mapait siyang ngumiti saka naglakad ng tuwid patungo sa main door ng mansyon. Uuwi na yata kami. Ayan na naman, guilty na naman ako sa sinabi ko. Bakit ba napaka-pusong-mamon naman yata ng prinsipeng ito. Mabilis akong sumunod sa kanya dahil nakalabas na siya ng mansyon, baka iwanan niya ako rito.
Paglabas ko ay nakasakay na siya sa kotse at hindi ko alam kung hinihintay ba ako o tulala lang talaga siya. Bakit ba siya ganyan? Nagmukha na naman tuloy akong kontrabida.
Sumakay ako sa kotse sa tabi niya at kaagad naman niyang sinenyasan ang driver para simulan na ang pagmamaneho. Tahimik kami buong byahe kaya binuksan ko na lang ang cellphone ko para ma-chat si Sammy at si mama na pauwi na ako. Hindi pa man din ako nakapagpaalam nang maayos sa kanila. Ang awkward lang ng buong oras ng byahe namin kaya naman kahit hindi nagre-reply si Sammy dahil hatinggabi na ay tuloy lang ako sa pag-chat sa kanya. At nagkukwento ng kung ano-ano. Bukas ay siguradong tutuksuhin na naman ako nito.
Ito na yata ang pinakamahabang byahe patungo sa bahay namin kahit ilang kalye lang ang layo ng mansyon. Hindi rin talaga nagsalita si Rafaelle at nakamasid lang sa bintana ng kotse. Nang huminto na sasakyan ay nagtagal pa ako ng ilang minuto sa loob. Nagdadalawang-isip ako kung kakausapin ko pa siya o diretso na lang akong lalabas?
BINABASA MO ANG
A Sudden Heiress
RomanceWarning: R18 content When Audrina found out the truth about the identity of her biological father, things in her life started to twirl around. Her dream to rule her own life vanished when the fifth prince of Cordancia delivered the news she wasn't p...