TortureA tear fell from eye as I watched myself readying for my wedding. It was not the wedding I have imagined. Ni hindi nga pala ako nag-iisip na ikakasal ako balang araw pero noong dumating si Rafaelle, things have changed. Ngayon, hindi naman ako kay lalakeng mahal ko ikakasal. Akala ko ay ayos na ako pagkatapos kong paghandaan ang mangyayari. Akala ko hindi na masasaktan kapag dumating ang araw na ito. Nagsulputan ngayon sa isip ko ang mga alinlangan. Paano kung hindi na ako makaalis kailanman sa kasal na ito? Paano kung habang-buhay na ako matatali kay Benedict? Paano kung hindi ako matulungan ni Rafaelle?
Parang dinudurong ang puso ko. Natatakot ako baka ganoon ang mangyari. Baka pumalpak ang plano ko at tuluyan nang mauwi sa lahat ang mga sakripisyo ng mga tao sa paligid ko.
Sinuot ko ang isang simpleng wedding gown. Isang puting bestida lang ang pinili ko dahil hindi naman espesyal ang araw na ito sa akin. Kung pupwede nga lang ay magsuot ako ng itim. Dadalo sina mama, at ang mga prinsipe kasama si Rafaelle, wala nga lang si Principe Raguel. Nandoon din ang mga duchess at ang mga anak nila. Pupunta rin ang hari at reyna. Nandoon sila para makiramay daw kay Rafaelle. Alam kasi nila na hindi naman totoo ang kasal na ito. Ang hari pa ang officiant namin.
"Ang saya mo siguro kaya ka umiiyak," bati ng stylist na kasama ko ngayon sa kwarto.
Ngumiti lang ako. Malayong-malayo sa pagiging masaya ang nararamdaman ko. Hindi ko yata magagawang ngumiti mamaya.
"Tama na muna ang iyak, masisira ang make-up mo. Ang ganda mo pa naman. Ang swerte ni Sir Benedict." Kinikilig pa ang make-up artist na ito. What if sabunutan ko ito? Ayoko nga sa kasal na ito. Talagang maswerte si Benedict samantalang ako napakamalas.
"Matagal pa bang ayusin ang buhok ko? Naiinip na ako," iritableng sabi ko. Wala naman akong pakialam kung magmukha akong tanga sa harap ng maraming tao mamaya.
"Sandali na lang, Your Grace. Ikakabit na na lang ang veil." Natataranta na ang mga kasama niya pati siya.
Siguro ay nagtataka sila kung bakit ako nagmamadali gayung isang oras pa bago magsimula ang kasal at nasa labas lang naman ang venue. Ang request ko sa kanila ay gawin akong pangit sa make-up ko pero bakit kasi pinagandan ako? At bakit may make-up artist at stylist kasi sa una pa lang?! Nakakainis.
"Oh, bakit gumanda ako? Sabi ko papangitin niyo ako, hindi ba?" Umirap ako sa repleksyon ko sa salamin. Mukha pa tuloy akong excited sa punyetang kasal na ito!
"Your grace, by hiring us, we pledge to make beautiful because that's what our job's description. Sorry if we didn't meet your expectations and requests," paliwanag niya.
Inirapan ko siya. "One star ang rating niyo sa akin. Pasabi-sabi pa kayo sa website niyo ng "what client wants, client gets'. Hay naku! Kairita!"
Nalilito silang nagtinginan pero wala na akong pakialam kung mabaliw sila kaiisip kung bakit ako ganito ngayon. Mainit ang ulo ko. Naiisip ko ang unang gabi naming mag-asawa ni Benedict, nakakasuka! Magla-lock lang ako sa kwarto buong gabi at walang honeymoon na mangyayari!
"Kung pwede lang ay itatanan ko na lang si Rafaelle para makatakas sa hayop na Benedict na 'to!" bulong ko sa sarili ko habang palabas ng kwarto para magtungo sa garden.
Unang lumapit sa akin si Sammy na hindi rin maganda ang timpla pagkatapos kong sabihin sa kanya ang lahat. Gusto nga raw niyang bigwasan si Benedict at tanggalan ng buhok sa buong katawan si Lord Maxwell. Ako naman daw ay gusto niyang kalbuhin sa sabunot dahil hindi ko man lang sinabi sa kanya. Nagtampo pa ang gaga, baka raw pinagpalit ko na siya. Hindi na raw siya ang best friend ko kung hindi si Raviro na. Ang drama!
"Sabihin mo lang sa akin kapag pinilit ka na naman ng gagong Benedict na iyon, talagang bibigwasan ko na siya." Pinakita pa niya sa akin ang kamao niya.
BINABASA MO ANG
A Sudden Heiress
RomanceWarning: R18 content When Audrina found out the truth about the identity of her biological father, things in her life started to twirl around. Her dream to rule her own life vanished when the fifth prince of Cordancia delivered the news she wasn't p...