SIMULA

26 0 0
                                    

Living a dream life is what I am proud of. I have accomplished things in life that I thought I could never achieve it. But life is not all about the good things. And I know, there's something big waiting for me, may it be a good news or a bad one. Either way, I hope I can get through with it.

People know me as Tamara Salvare. A lawyer. But who would have ever thought that I would throw-away my title para lang mag apply bilang kasambahay at yaya ng anak ng mahal ko?

"Why are you following me?" inis na baling sa akin ni Cree. Nakakunot ang noo nito at ang kamao ay nakakuyom. Handang handa na yata para sapakin ako.

Naglalakad kami ngayon papunta sa studio. Hilig kasi ng batang ito ang kumanta at may banda rin ito. Hindi ko rin naman maitatanggi na may tinatagong talento rin itong batang 'to. Maganda ang boses at may angking kagwapohan rin.

"Rule number 1. Never assume unless otherwise stated," I paused and stared at him straight in the eyes. "I am not following you."

Hilaw siyang napatawa ngunit agad din namang sumeryoso ulit.

"Yaya Tams, wala akong panahon sa mga rules mo sa putangina mong buhay. At saka halatang nakasunod ka sa akin." Tinuro niya ang sasakyan na nasa likod ko. "You're riding the same car with me and now you are following me here inside sa studio ng banda... so, do I not have the right to assume that you're following me?" he asked, as if trying to tell me na ang bobo ko.

"E 'di wow. Oo na! Pinapabantayan ka sa akin ng daddy mo! Kung hindi ko lang mahal 'yang daddy mo, hindi kita susundan ditong ugok ka," inis kong bulyaw sa kanya. Grabe nakakahigh-blood talaga 'tong batang ito. Kung hindi lang talaga 'to anak ng labidabs ko, hindi ko talaga 'to susundan! Never.

"Fck off," aniya saka ako tinalikuran at pumunta na sa kasamahan niya sa banda. Napapadyak ako sa sahig dahil sa inis. Wala talagang manners 'tong batang 'to. Hindi man lang nagmana sa daddy niyang mabait.

Umupo nalang ako sa isang stool doon sa gilid habang pinagmamasdan sila ng mga kabanda niya na nagpapraktis. In fairness, ang gaganda talaga ng boses ng mga batang 'to. Ang gagaling pa sa instrument! Nakakainggit.

Naalala ko tuloy dati yung pangarap ko. Gusto ko rin magkaroon ng kabanda kasi may hilig din ako sa pagkanta. Some people say that I should try entering music industry kasi may potential raw ako doon. Unique daw ang boses ko at talaga daw na sisikat ako kung sakali man. Tinatawanan ko nalang yung mga nagsasabi sa akin niyan kasi feeling ko gino-good time lang nila ako.

Sinasabi lang siguro nila yun sa akin para hindi ako maoffend o di kaya ay to make fun of me but I forgot to noticed it because busy ako sa akalang totoo ang sinasabi nila sa akin.

Nakapahalumbaba lamang ako sa mesa. Hindi ko namalayan ang oras at tapos na pala sila sa pagpapractice. Agad akong tumayo upang sundan si Cree na ngayon ay palabas na sa studio.

"I'll never like you for my dad... remember that," mariing saambit niya.

As if naman gusto ko rin ang batang 'to!

"Malapit nang matigok mama mo, maghanda ka na kasi magiging stepmom mo na ako," pabirong turan ko sa kanya.

Naramdaman ko ang bahagya niyang pagtigil at ang pag-igting ng kanyang panga.

"If something bad happens to my mom, you'll regret it." He said without even throwing me a glance.

Kunwaring napatakip ako sa aking bibig. "Oh? I'm scared!"

"I'm a big boy now and I'm very scary."

"Sanaol!" Sigaw ko saka inunahan na siyang pumasok sa sasakyan. Napabuntong hininga ako at napatampal sa aking noo. Tangina, paano ko nakayanan ang ugali ng batang 'yun. Halos magdadalawang buwan ko na rin palang pinagtitiisan 'yun.

Pumasok nalang ako sa kotse. Naramdaman ko ang pag-upo niya sa aking tabi at ang pag-andar ng sasakyan. Wala kaming kibo habang nasa biyahe. Ayaw ko namang makipagchikahan sa batang ito kasi naha-high blood lang ako. Tatanda ako nang maaga sa kanya kaya no thanks nalang.

Napakunot ang aking noo nang makarating kami sa bahay nila. Maraming pulis ang nasa labas ng gate at may dalawang patrol cars na nakapark.

Nagmamadali kaming bumaba sa kotse ni Cree at agad na pumasok sa bahay. Pero bago pa man kami makaapak sa loob, biglang nagsalita ang isa sa mga pulis.

"Ikaw ba si Tamara Salvare?"

Dahan-dahan akong napatango at kinakabahang nagsalita,

"Opo."

May inilabas itong papel at ipinakita sa akin. Warrant of Arrest.

"Inaaresto ka namin sa salang pagpatay kay Alexandra Montenegro. May karapatan kang manahimik..."

Marami pa ang sinabi ng pulis ngunit napatulala lang ako habang pinoposasan.

Blangko ang aking isip ngunit isa lang ang malinaw sa akin

INAARESTO AKO!

Itutuloy...

Plot TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon