Chapter 06: UNFINISHED BUSINESS

4 0 0
                                    

Simula noong bumili ng gitara sina Keanna at Justene, minsan nalang lumalabas sa kwarto ang dalawa. Rinig na rinig namin ni Chile ang mga tunog na likha ng kanilang mga gitara kaya naman pinapalakasan namin ni Chile 'yung volume ng Tv kapag nanonood kami ng palabas.

Nang makauwi kami sa bahay ay agad na nagpaalam sa amin si Aki kasi may gagawin pa raw siya at 'yun lang ang iniutos sa kanya ni Mhaye. Pagkatapos n'on ay nagkanya-kanya na kaming apat.

The whole week was damn boring although mas hindi nga lang siya kasing boring sa selda. Simula n'ong napadpad kami rito ay minsan lang umuwi si Mhaye sa bahay. Si Ville naman ay bumibisita rito paminsan-minsan. Naghahatid sa amin ng balita kung ano ang estado ng aming kaso at kung may lead na ba ang mga kapulisan kung nasaan kami.

Akala ko nga dati nag-aacting lang na tila pulis si Ville pero ang loka, totoo pala talagang pulis. Sayang 'yung propesyon niya kung sakaling malaman na tinulungan niya kami na makatakas.

"May proposal kami ni Keanna," sambit ni Justene. Himala at naisipan nilang lumabas sa lungga nilang dalawa.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Chile.

"Ano?" tanong ko.

Bahagya pang nag alinlangan sa pagsagot silang dalawa ngunit nanaig ang kagustuhan nilang sumubok.

"Gagawa sana tayong banda..." mahinang usal ni Keanna.


Wala sa sariling napahalakhak ako sa itinuran nito. Tangina? Kaming mga takas preso gagawa ng banda?

"Nahihibang ka na ba?" bulyaw ko sa kanya.

 
"Hindi naman natin ipapakita mukha natin. P'wede rin na gumawa nalang tayo ng music covers para hindi tayo mabagot dito. Tapos nakakaaliw magbasa ng mga comments. Dummy account lang naman gagamitin natin." Tumingin si Keanna sa amin sabay nagmakaawa, "sige na..."

Tinapik ako sa likod ni Chile. "Sige na, Tams. Pagbigyan mo na... saka ayos na rin 'yun para malibang tayo," aniya.

Gusto ko sanang umalma kasi baka 'yun pa ang maging dahilan para matunton kami ngunit pursigido na talaga sila sa plano nila kaya wala na akong nagawa pa.

"Magko-cover nalang muna tayo ng kanta. Si Keanna ang maggigitara, tapos tayong tatlo 'yung kakanta," pagsasalita ni Justene.

Nasa loob na kami ng kwarto ni Keanna. Nakaset na rin 'yung vlog cam niya para makapagrecord na kami ng kanta. May binili rin pala silang microphone... halatang napagplanohan na talaga ng dalawa ito.

"Pero hindi maganda bosese ko..." ani ni Chile habang napapakamot sa ulo. Biglang napatingin sa kanya si Justene.

"Sus, parinig nga ng boses mo."


"Ayaw ko, nakakahiya..."


"O sige, sumabay ka nalang sa amin sa pagkanta ni Tams," pagsusuko ni Justene sa planong pangungulit kay Chile.

Tinignan ko si Justene at nakangising nagsalita, "Hindi rin maganda boses ko beh."

In just a split of seconds, pinagtutulakan na kami ni Justene palabas sa kwarto ni Keanna. Natatawa tuloy kaming dalawa ni Chile kasi yamot na yamot sa amin si Justene.

Nagtungo kami sa kusina para kumuha ng tsitsirya. Nagutom ako bigla, e, tapos ewan ko kay Chile kung ba't nakasunod lang siya sa akin.

"Hala! Favorite ko 'tong lollipop na 'to," sigaw niya at nagtitili pa nang may makitang lollipop sa drawer kung saan nand'on lahat ng stocks ng mga junk foods at candies.

Napapailing nalang ako kasi ang babaw ng kasiyahan niya.
"Kakainin ko 'to. Tangina! Tagal kong hindi nakakain nito," aniya at dahan dahang binuksan ang wrapper ng lollipop.

Pinagpatuloy ko ang pagpipili ko sa tsitsiryang kakainin ko ngunit bigla nalang akong may narinig na sigaw mula sa pintuan ng kusina.

"HOY! AKIN 'YANG LOLLIPOP!"

 
Nanlaki ang mata ko ng makita ko Mhaye na sumigaw. Himala at umuwi ito ngayon. Nilaglag nito ang dala-dalang bag at agad nitong sinugod si Chile saka inagaw ang lollipop na hawak nito. Ngunit ayaw paawat ni Chile kaya para silang tangang dalawa na nag-aagawan.

"Bigay mo nalang 'to sa akin boss. Ang tagal ko na kasing 'di nakatikim nito," saad ni Chile kay Mhaye ngunit ayaw ibigay ni Mhaye ang lollipop.

"No. Kailangang kailan ko itong lollipop na 'to ngayon. Pampawala 'to ng stress sa akin," sagot ni Mhaye.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi nag-eenjoy rin akong pagmasdan ailang dalawa.

"Bato-bato pick nalang kayong dalawa!" sigaw ko sa kanila kaya naman napabaling ang atensiyon nila sa akin.

"Para fair, magbato-bato pick nalang kayo." Inilahad ko ang aking kamay sa harap nilang dalawa. "Akin na muna 'yang lollipop at magbato-bato pick kayo."

Ibinigay naman nila 'yung lollipop sa akin tsaka naghanda na para sa bato-bato pick. At dahil nakasweater si Mhaye, itinupi niya muna 'yung sweater niya hanggang siko para komportable siyang makipagbato-bato pick. Si Chile naman ay maangas na binaling ang ulo pakaliwa't kanan. Pinatunog niya rin ang mga daliri sa kanyang kamay na tila nagwawarm-up.

Ebarg 'tong dalawang 'to. Parang lollipop lang, e.

"Okay sige, magbibilang ako ng tatlo para magstart na kayo. Ready?" tanong ko sa kanila.

Tumango agad ang dalawa kaya agad ako nagbilang hanggang sa nagsimula na agad sila.

"Bato-bato pick!" sabay nilang sambit ngunit parehong bato 'yung sakanila.

Tatlong trial na at still, same pa rin sila.


"Bato-bato pick!" tila naiinis nang sigaw nilang dalawa hanggang sa may nanalo na.
Tinignan ko ang kamay ni Mhaye at nakakamao ito, meaning, bato ang sa kanya. Samantalang napatingin ako sa kamay ni Chile at laking gulat ko na papek ang sa kanya.

Nakangising nakatingin sa akin si Chile habang walang emosyon na tumalikod si Mhaye sabay bumulong, "Pota."

Tuwang tuwa si Chile habang kumakain ng lollipop. Ako naman ay nakaupo lang sa sofa sa sala at nanood ng palabas habang ngumunguya ng tsitsirya.

"Akala ko talaga 'di ko na makakain 'tong lollipop na ito. Kinakabahan pa naman ako kay boss Mhaye kanina kasi akala ko mananalo siya," pagbabahagi sa akin ni Chile.

"Para kayong bata. Parang lollipop lang, e," usal ko ngunit hindi na ako pinansin ni Chile.

Maya-maya pa ay bumaling ulit ito sa akin.
"Himala at umuwi na si boss Mhaye. Baka tapos na 'yung unfinished business niya."

Kinakabahang napalingon ako sa kanya, "Anong unfinished business?"
"Sabi niya kasi may isa pang tao na nambully sa kanila noon na hindi niya pa napapatay," aniya.

"Sino?" tanong ko. Malakas ang pintig ng puso ko sa 'di ko malamang dahilan.


"'Yung leader daw. 'Di niya napatay dati kasi mayaman at may umaaligid daw dito. Kaya siguro nagpayaman si boss Mhaye para mapadali 'yung gusto niya."

"Wala ba siyang sinabing pangalan?" tanong ko ulit.


"Wala, e. Basta sabi niya malaki ang atraso nito sa kanya. Bukod kasi sa ito ang leader, ito rin kasi ang dahilan kung bakit nalugmok siya dati at nawalan ng pag-asa," sagot ni Chile sa akin.

Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko kaya napabaling ang atensiyon ko rito. Isang mensahe mula kay Trip ang natanggap ko.

Binuksan ko ang mensahe nito at binasa.


"Call me, ASAP."


Itutuloy...

Plot TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon