Chapter 10: NEWS

3 0 0
                                    

Normal na araw lang naman ngayon pero biglang yumanig ang mundo ko nang bigla nalang na kumatok sa pinto ko si Justene habang sinigaw ang pangalan ko.

"Tams! Tams! Lumabas ka dali!" sigaw nito sa labas at patuloy lang sa pagkakatok.Napabalikwas naman ako ng bangon at wala sa sariling nag-inat. 

Nakakapagod talaga humilata buong araw pero mas nakakapagod gumalaw galaw.

"Ano ba meron?" tanong ko agad pagkabukas ko sa pinto ngunit agad niya lamang akong hinila pababa sa hagdan. Dinala niya ako sa sala at itinuro ang Tv. 

"Tignan mo 'yung news!" aniya at tinignan ang Tv. 

"Ay! Hindi o na naabutan," nanlulumong saad nito.Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa kanilang tatlo na nasa harapan ng Tv.

"Why?" tanong ko ngunit bigla silang sumigaw.

"TAMS MALAYA KA NA!!!"

"What do you mean?" naguguluhan kong tanong sa kanila.

"Binalita na sa Tv na acquitted ka na raw at dismissed na 'yung kaso mo n'ong tumakas ka. At saka nahuli na rin 'yung naglason talaga kay Alexandra Montenegro," sambit ni Chile.

"W-what? Paano nangyari?"

"Si Atty. Gee, 'yung abogado mo, napaamin niya sa korte si Jeyale na siya ang lumason kay Alexandra Montenegro. Jowa 'yun n'ong bokalista sa sikat na banda na si Cree 'di ba? Paano niya nagawang patayin ang ina ng jowa niya?" tanong ni Keanna.Agad akong napahawak sa ulo ko.

 Grabe ang rebelasyon ngayon at hindi yata kayang iabsorb ng utak ko."Teka? Nasaan na si boss Mhaye? Nandito 'yun kanina 'di ba?" biglang tanong ni Justene kaya nawala agad ang sakit ng ulo ko at napatingin sa kanila.

"Ah si boss? Dali-dali 'yung umalis nang malaman niya 'yung news, e. Tapos hindi nga nagpaalam sa amin 'yun." sambit ni Chile.Kumunot ang noo ko sa nalaman ko. 

Something's not right.Buong maghapon ay nakatulala lang ako sa kawalan. Gustuhin ko mang umalis ay hindi ko magawa. Walang magdadrive sa akin kasi wala sina Aki at Kiseki. Kung alam ko lang na darating ang araw na 'to, dapat sana kinuha ko 'yung mga number nila.

Napabuntong hininga na lamang ako. Katatapos lang naming magcover ng kanta. Pinilit kasi nila akong tatlo. Nagtaka kasi sila kung bakit nagmumukmok lang ako gayong malaya naman na ako.

"Magcecelebrate tayo beh kaya 'wag ka na mag emote diyan," sabi pa ni Justene kaya wala na akong choice kundi pagbigyan sila.

Nang matapos kami ay agad na iniupload ni Keanna ang music cover sa youtube at facebook. Ilang minuto lamang ay bigla namang dinumog ang post namin. Masasabi kong medyo sikat kami sa social media lalo na't pinagbibigyan pansin kami ng dalawang sikat na bokalista sa magkaibang sikat na banda.

Kinabukasan ay hindi pa rin umuuwi si Mhaye kaya hindi ako mapakali sa bahay. Hindi rin tumetext sa akin si Trip kaya mas lalo akong kinakabahan.

Buti pa itong mga kasama ko ay pachill-chill lang habang kumakain ng chocolate. Ilang bagong recipe na rin ang nagawa ni Keanna dahil sa trip-trip niyang magluto. Naaawa tuloy ako kay manang kasi sobrang bilis maubos ng stocks sa bahay at palagi na siyang nagpapadeliver ng grocery. Sosyal.

"Tams, 'di ba magkatext kayo ni Trip?" biglang tanong sa akin ni Keanna.

Bahagyang kumunot ang noo ko sa tanong ni Keanna. 

"Oo. Bakit?"

"So ibig sabihin alam niya na nandito ka at kasama mo kami?" tanong niya ulit.

"Sort of," sabi ko.Bigla nalamang nagtatalon si Keanna sa tabi ko habang walang pakialam na nanonood lang ng palabas sila Chile.

"OMG Tams! What if... what if papuntahin mo rito si Trip?" aniya habang sobrang lapit ng mukha nito sa akin.

Nilagay ko ang daliri ko sa noo niya at dahan-dahan siyang itinulak palayo sa mukha ko. 

"What if mahuli tayo?"

"What if hindi?"

"What if ayoko?"

"What if nandito na ako?"Sabay kaming napalingon ni Keanna sa nagsalita na na nakatayo sa gilid namin. Nanlaki ang mata ko at napanganga naman si Keanna. Habang kitang kita naman sa peripheral vision ko ang unti-unting paglaki ng mata ni Justene at Chile.

"Loko ka talaga Trip. Sabi ko sa 'yong hintayin mo muna kami ni Aki sa garahe, e," Napabaling ang atensiyon ko kay Ville na kakapasok lang sa bahay. Nakasunod niya rin si Aki habang ang mata ay kung saan-saan lang napadpad hanggang sa dumapo ito sa akin.

Napangiti naman siya saka nagsalita, "Yow, Tams."

Tango lang ang isinagot ko sa kanya at tinignan si Trip na ngayon ay nakangisi."Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Sinusundo ka?" patanong na sagot niya.

"Lumayas ka sa harap ko Trip at nandidilim ang paningin ko sa i--"

"PUTANGINA? SI TRIP NGA 'TO?!" putol ni Keanna sa sinasabi ko at agad na sinugod si Trip. "Ay shit! Ang haggard ko. Mag-aayos muna ako, wait!" ani nito at tumatakbong pumasok sa kanyang kwarto. Gan'on din ang ginawa ni Justene habang si Chile ay nakatingin lang sa amin.

"Atty. Tams, tulungan mo 'ko kinokotongan ako ng dalawang ito," sumbong sa akin ni Trip.

Napatingin naman ako kina Aki at Ville na ngayon ay napapantastikuhang nakatingin kay Trip.

"Anong kinokotongang sabi mo? Hoy ikaw nga 'tong nangongotong sa amin!" sambit ni Aki at nilapitan si Trip kaso nagtago na ito sa likod ko.

"How come na magkakilala kayo?" tanong ko.

"How come na hindi?" bulong naman sa akin ni Trip. I whispered 'shut up' to him before turning my gaze to Aki and Ville.

"Magkaibigan kami," ani ni Ville.

"At nagkokotongan kayo?" tanong ko ulit.

"Of course not!" mabilis na sagot ni Aki. 

"Scammer kasi 'yan. Sabi niya sa akin dati nakita niya raw jowa ko sa concert niya na may kasamang babae tapos para daw masend niya 'yung video na kinunan niya sa jowa ko, dapat ko raw muna siyang paloadan. E, sa uto-uto ako dati kaya niloadan ko siya."

"See? Inamin mo na uto-uto ka kaya it's not my fault anymore!" sumbat ni Trip.

"E, ginan'on mo rin kaya si Ville!"

"Anong ginan'on, e, wala naman 'yang jowa?" sagot ni Trip na siyang ikinausok ng ilong ni Ville.

 "WALA NGA AKONG JOWA PERO NAGTEXT KA NAMAN THRU ANOTHER SIM TAPOS SABI MO NA 'ATE PALOAD MO 'KO KASI MAY PROJECT AKO AT KAILANGAN KONG IRESEARCH. ITONG NUMBER NALANG NA ITO ANG LOADAN MO KASI SA PHONE LANG AKO NG CLASSMATE KO MAKIKISEARCH DAHIL NAKALIMUTAN KO SA BAHAY ANG CELLPHONE KO.' TAPOS TINAMING MO TALAGA NA WALA AKO SA BAHAY AT GINAMIT MO PA KAPATID KO NA WEAKNESS KO 'YUN!" 

"E, hindi ko na rin 'yun kasalanan kasi uto-uto ka ri--"Agad kong binatukan si Trip kaya naputol nito 'yung sinasabi niya.

"Ang yaman yaman mo pero ang kuripot mo naman. Anong napapala mo diyan?" galit kong tanong kay Trip. 

Ngunit nginisihan lamang ako nito.

"Napapapansin," aniya.

Itutuloy...

Plot TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon