Chapter 11: Who's the traitor?

3 0 0
                                    

Sarap na sarap si Trip sa atensiyong nakukuha niya kina Justene at Keanna habang napapairap naman kami nila Villa kapag napapalingon siya sa gawi namin.

"P'wede ka na umalis dito sa bahay ni boss Mhaye, Tams, total malaya ka naman na," sambit ni Ville.

"Saka na. Gusto ko pa kasama sila Chile, e," sabi ko dito.

Napalingon ulit ako sa gawi nila Justene ngunit wala na si Trip doon. Bagkus ay nakaharap na ito sa akin at hawak-hawak ang buhok ko.

"Ngayon ko lang napansin na nagpagupit ka pala atty. Tams. Ang cool, bagay sa 'yo," aniya.

"Thanks?"

Maya-maya pa ay bigla niya nalang akong hinila pagkatapos niyang magpaalam nila Ville. Nahagip pa ng mata ko ang bahagyang pagkunot ng kanilang noo pero walang pakialam si Trip na hinila ako papuntang kusina.

"Ba't tayo nandito?" tanong ko sa kanya. Chineck niya muna kung sinundan ba kami nila Ville at kung may cctv camera ba sa kusina bago siya nagsalita.

"Okay. Cleared na," aniya.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Nakita mo ba 'yung news?" tanong niya pabalik sa akin imbes na sagutin ang tanong ko.

Umiling ako. "Pero sinabihan ako nila Chile na na acquitted raw ako tapos nalaman na kung sino talaga 'yung lumason kay Alexandra," huminto ako saka bahagyang lumapit kay Trip. "Tell me, si Jeyale ba talaga ang lumason kay Alexandra?"

Tinitigan muna ako nito sa mata bago dahan dahang tumango. "Inamin niya na noong umalis raw kayo papunta sa studio ni Cree ay siyang pagpunta niya sa bahay. At dahil kilala naman na nang lahat ng tao sa bahay si Jeyale, agad siyang pinapasok."

Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanya. "'Di ba bumalik ka sa bahay around 10 am kasi nakalimutan ni Cree dalhin 'yung favorite niyang tumbler sa kwarto ng mama niya kaya inutusan ka niyang na kunin ito?" tanong sa akin ni Trip.

Napatango ako. Alalang alala ko pa ang araw na iyon kasi sobrang nabuwesit ako kay Cree. Ikaw ba naman ang pabalikin sa bahay nang naglalakad lang? Tapos imagine mo 'yung hirap ko lalo na at mainit ang kalsada. Buti nalang talaga at pinasakay ako n'ong kakilala ko tapos hinatid sa bahay nila Cree kaya nabawasan 'yung pagod ko.

"Kaya akala ng lahat na ikaw ang naglason kay Alexandra ay dahil nand'on ka sa kwarto nito sa mga oras na naiturok na ni Jeyale ang lason sa katawan ni Alexandra. N'ong pumasok ka, agad na nagtago si Jeyale sa ilalim ng kama ni Alexandra kaya hindi mo siya napansin."

"Sinabi niya ba kung ano ang dahilan at nagawa niya iyon?" tanong ko.

"Hindi. Inamin niya lang ang kasalanan niya at wala na siyang ibang sinabi pa."I let out a heavy sigh. Bakit nangyayari ang ganito ngayon?

"You need to come with me. Delikado ang buhay mo rito," seryosong sambit ni Trip.

Binalingan ko siya at kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"Well, I cannot tell it to you here. Just... just come with me and i'll explain everything."

"'Wag ka masiyadong mag-alala, kaya ko ang sarili ko," sabi ko.

Mariin niya lamang akong tinitigan bago tila sumusukong nagsalita, "Okay."

Bandang hapon ay umalis na sila Trip. Naiwan namang tila naiiyak sina Keanna at Justene samantalang naiiling lang na napatingin si Chile sa kanila.

Buhat nang sabihin sa akin ni Trip ang mga rebelasyon kanina, hindi na mapakali ang isip ko. Everything made sense now but still way too complicated. May mga loopholes pa sa bawat rebelasiyon kaya hindi ko pa rin ma-pinpoint kung ano ba talaga ito.

Ilang oras bago makaalis sina Trip ay agad namang dumating si Mhaye kasama si Kiseki. Diretso lang ang lakad ng mga ito ngunit biglang napahinto si Kiseki sa harap ni Chile.

"Have we met before?" tanong nito kay Chile ngunit isang suntok lang ang nakuha niya mula rito.

"Have we met before mo mukha mo!" sigaw ni Chile. Napahalakhak naman si Kiseki. 

"Woah, woah. Maanghang ka pa rin hanggang ngayon, Chile," aniya.

"Wait, you know each other?" sabat ni Mhaye.

Tumango naman sina Kiseki at Chile sabay sabing, "Yes, boss."Napangisi si Mhaye. 

"What a revelation," aniya saka tinignan sina Kiseki at Chile. "That's good." 

Nagtungo na ito patungo sa kwarto niya habang naiwan naman kaming lima sa sala. Si Kiseki at Chile ay panay pa rin ang kwentuhan. Ang sabi ni Chile, dito raw matutulog si Kiseki sa utos ni Mhaye. Gabi na raw kasi at baka mapano pa raw si Kiseki sa daan.

Hindi nalang ako nagkomento pa at itinuon ang atensiyon sa pinapanood na palabas. Nababagot ako na kinakabahan--hindi sa palabas kundi sa maaaring mangyari.

Tapos na kaming kumain at nasa kwarto na kami ni Justene. Dito kasi kami magpapractice para sa gagawin naming music cover. Nasa first floor ang kwarto nila Keanna at Justene samantalang nasa second floor naman 'yung kwarto namin ni Chile. Tatlong kwarto 'yung nasa second floor kaya d'on naisipan ni Kiseki na matulog at para na rin daw malapit siya kay Chile. I shrugged the idea of Kiseki and Chile having a secret affair or perhaps, an unfinished business.

Nagpractice na kami agad. Balak pa sanang pumasok ni Kiseki kasi gusto niya kaming mapanood habang nagpapractice ngunit hindi pumayag sina Keanna. Baka raw kasi mailang kami or worse baka hindi kami makapagpractice at makipagchikan nalang.

Natawa pa nga ako n'ong nalaman ni Kiseki na kami 'yung Chasing demons. Sabi niya pa na baka ginogoodtime lang daw namin siya at saka wala raw siyang tiwala sa boses ni Chile. Nasuntok tuloy ulit ito ni Chile, buti nakaiwas ito kaya hindi siya masiyadong napuruhan.

"Sige nga, kung kayo talaga 'yung chasing demons, sample nga," paghahamon niya sa amin ng mahimasmasan sa suntok ni Chile.

At dahil hamak na mababagsik ang mga kasama ko, walang ano ano ay kinuha agad ni Keanna ang gitara niya saka nagsimulang tumugtog. Sinenyasan niya kami na kumunta kaya agad akong napapormal ng tayo at sumabay sa kanta.

Todo bigay si Justene sa pagkanta kaya manghang mangha si Kiseki pagkatapos. Nagpapicture pa nga ito sa amin bago pumasok sa kwarto para matulog.

Ilang ulit pa kaming nagpractice hanggang sa bigla nalang sumuko si Chile at nagsabing inaantok na raw ito. Tumango naman sina Justene at Keanna kaya naghuling practice na kami. Nang matapos ay kanya-kanya na kaming lumabas at nagpunta sa sariling kwarto. Pagod tuloy akpng napahiga sa kama ngunit agad rin namang napatayo ng makaramdam ako nang pagkauhaw.

Tinignan ko ang tumbler ko ngunit wala na itong lamang tubig kaya napilitan akong bumaba sa kusina at kumuha ng tubig.Ingat akong lumabas at hindi gumawa ng tunog habang bitbit ko ang tumbler ko.

Nang makarating sa kusina ay hindi ko na sinindihan ang ilaw dahil may liwananag namang mula sa buwan ang pumapasok sa bahay kung kaya ay kitang kita ko ang dispenser.

Inilagay ko muna sa mesa ang tumbler at nagpunta sa sink para maghilamos muna. Yumuko ako at naghilamos ngunit nang iangat ko ang mukha ko pagkatapos maghilamos ay biglang may matigas na bagay ang humampas sa ulo ko. Napahiga ako sa sahig habang iniinda ang sakit sa aking ulo.

Naramdaman ko ang mga yapak ng taong humampas sa akin na naglalakad palapit sa akin. Tumigil ito sa harap ko at umupo upang makita ang kabuoan ko.Inangat nito ang aking baba paharap sa kanya at inayos ang tumabing na buhok sa mukha ko.

Bago pa man ako mawalan ng ulirat ay nahagip muna ng mata ko si... Chile.


Itutuloy...

Plot TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon