Chapter 08: Cree's doings

4 0 0
                                    

Wala ako sa sarili ko nang umuwi sa bahay. Kinakausap naman ako nila Chile ngunit tango at iling lang ang nagagawa ko. Napapaisip pa rin kasi ako sa sinabi ni Trip.

N'ong hindi pa kasi kami nagkitang muli ni Miguel, balita ko marami na ang nagtangka sa buhay niya. Labing pitong taon na ang nakalilipas n'ong namatay ang kakambal nito na si Riguel na muntik rin na ikamatay ni Miguel, ay naging malapit na sa kamatayan si Miguel.

Alala ko pa 'yung sinabi ni Miguel sa akin n'ong nagkita kami.

"I'm still confused at my brother's death. Hindi pa rin malinaw sa akin kung sino at ano ang dahilan kung bakit hinarang kaming dalawa 17 years ago," ani nito sa akin.


He was in deep thought, eyes were fixicated at the seashore. It was friday when we met and decided to stroll around the beach.

I didn't talk while he's sharing up. Nakapukos lang ang atensiyon ko sa kanya.

"It was our 20th birthday at napagpasyahan naming magliwaliw dalawa. At para na rin icelebrate ang nalalapit na kasal ng kapatid ko kay Alexandra. It was just so perfect to stroll around kasi baka 'yun na ang huling liwaliw naming dalawa na binata pa," he paused and glance at me. "At totoo nga, yun na nga ang huli."

"Masiyadong mabilis ang pangyayari, timing na hindi kami nagsasakyan nung hinarangan kami ng mga lalaki. May hawak silang baseball bat at baril. Gulat kaming dalawa nang bigla nalang nila kaming hinuli at ipinasok sa van.

"Dinala nila kami sa isang abandonadong gusali. Narinig ko pa na nag-usap iyong parang lider nila at 'yung isang lalaki kung sino sa aming dalawa ng kapatid ko ang papatayin. Identical twins kami ni Riguel at pawang mga malalapit na kakilala lang ang makakapagsabi kung sino sa amin si Miguel o Riguel."


Totoo iyon dahil kahit ako, nalilito ako kung sino sa kanila si Miguel o Riguel n'ong nakilala ko sila dati. Minsan pa nga ay nagpapalit sila ng kanilang identity. Minsan mag-aala Miguel si Riguel. Minsan naman ay si Miguel na naman ang mag-aala Riguel.

"Sabi n'ong lider na si Riguel daw iyong papatayin. Nalito ako kung bakit at ano ang basehan nila para masabing si Riguel ang puntirya nila gayong magkamukhang magkamukha kaming dalawa at pareho lang ang suot namin maliban lang sa jacket ko na may tatak ng pangalan ko na suot-suot ni Riguel," aniya sa akin.

"Does it mean na ikaw ang puntirya at dahil suot ni Riguel ang jacket na may pangalan mo, siya 'yung pinuntirya?" tanong ko.

Tumango naman siya sa akin at nagsalita, "Yes. That's what I thought but..."

"But what?"


"But I haven't bullied someone before," aniya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "What do you mean?" I asked.

"Sabi kasi n'ong leader, kaya daw nila papatayin si Riguel ay dahil sa utos nung boss nila. Binully raw kasi nito 'yung boss nila."

And what Miguel told me before made sense now. There's a big possibility na 'yung boss na 'yun 12 years ago at si Mhaye ay iisa. Ibig sabihin, nagpanggap na Miguel si Riguel n'on habang binubully si Mhaye. At kaya siguro may unfinished business siya kasi buhay pa si Miguel na akala niya ay 'yung Miguel na nangbully sa kanya.

"Bakit ka ba pumayag na tumakas, Tams?" tanong sa akin ni Keanna.


Nasa kwarto niya ako kasi nagpaparequest ako sa kanya ng kanta. Ang ganda pala kasi ng boses niya. Akala ko magaling lang siya maggitara, maganda rin pala boses.

"Let's say na may unfinished business rin ako gaya ni Mhaye," sagot ko sa kanya.


"Whatever it is, you can count me in..." she said. I just smiled at her.


As much as possible, ayokong madamay sila sa gulong ito.


"Try mong kantahin itong chorus, paranig ng boses mo," ani ni Keanna.


Wala akong choice kundi kumanta. Medyo nanginginig pa 'yung boses ko kasi kinakabahan ako dahil nakatitig lamang siya sa akin. Nang malapit ko nang matapos ang chorus, biglang bumukas ang pinto at tumambad sa amin ang mukha nila Chile at Justene.

Nakangisi silang dalawa habang tumataas baba pa ang kilay.

 
"Akala ko ba pangit boses niyo ha? Itong si Chile nahuli kong kumakanta kanina sa kusina. Grabe, ang ganda ng boses tapos ikaw Tams! Buti naisip naming puntahan si Keanna para sabihin na maganda boses ni Chile kundi, 'di namin maririnig yang boses mo!" hindi magkanda-ugagang sabi ni Justene.

Napakamot tuloy ako sa noo ko habang nakatingin kay Chile na ngayon ay nagkibit balikat lang sa harap ko.

"At dahil diyan, magkocover na tayo ng kanta. Nakagawa na ako ng youtube channel kahapon. Ang pangalan ay Chasing demons," ani ni Keanna.

"Chasing demons?" pag-uulit ni Chile.


Tumango naman si Keanna at Justene.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Chile at sabay na napatampal sa noo.


Buong araw ay nag-ensayo lang kami. Kanta doon, kanta dito lang ang ginagawa namin. Lumalabas lang kami sa kwarto kapag ka kakain kami o naubusan ng tsitsirya. Halos pa paos na rin ang boses ko sa walang tigil na pagkanta. Si Chile naman ay naengganyo yatang matuto mag gitara kaya ngayon ay nagpapaturo kay Keanna.

Napahiga nalang tuloy ako sa kama ni Keanna dahil sa pagod. Si Justene naman ay pinapakinggan 'yung practice namin at inaayos kung saan banda kami may babaguhin o ano.

Kinuha ko ang cellphone ko na nakalagay sa bedside table ni Keanna. Binuksan ko ito at nagfacebook. Gumawa na kasi ako ng dummy account para doon nalang magfacebook. Gan'on rin ang ginawa nilang tatlo kaya may friends na agad ako sa dummy account ko.

Nagscroll lang ako sa feed ko hanggang sa naisipan kong isearch ang facebook ni Trip. Nang mahanap ko ang account nito ay agad akong nagpm.

I chatted "Load" then he replied, "who u?"


Hindi nalang ako nagreply pa at inioff ko na ang wifi.

 
Umupo nalang ako sa kama at pinagmasdan silang tatlo sa ginagawa nila. Tatayo na sana ako para puntahan si Justene ngunit biglang sunod-sunod na nagvibrate ang phone ko.

May message mula kay Trip.

Agad ko naman itong binuksan at binasa ang mga mensahe.


"You wouldn't believe what I've heard."


"Hindi ko alam kung anong kinalaman ni Cree sa mga umaaligid kay Miguel ngunit nahuli ko siyang may kausap sa cellphone kagabi. Ang sabi niya sa kabilang linya, 'Manmanan niyong mabuti at huwag niyong hayaang makawala pa. Sa susunod, patayin niyo nalang agad'"

"Sa ngayon, binabantayan ko nalang nang mabuti si Miguel at baka kung ano pa ang mangyari dito kung sakali."

"Pero nagtataka ako, baka kasi si Cree talaga ang nagpapamanman kay Miguel para mapilitan kang lumabas. Alam kasi ni Cree na mahal na mahal mo si Miguel kaya magpapakita ka talaga kung may mangyari mang masama sa mahal mo."

Napahawak ako nang mahigpit sa cellphone ko pagkatapos mabasa ang mensahe. My mind was clouded and all I can only think of is,

ANONG TUMATAKBO SA ISIP NI CREE?


Itutuloy...

Plot TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon