Chapter 01: HELP

10 0 0
                                    

"Defend me, Attorney Gee," nakapikit kong sabi kay Gee na ngayon ay nasa harap ko. Sinabihan ko kasi 'yung mga pulis na kailangan kong kausapin ang abogado ko.

Nakahalukipkip sa harapan ko si Gee. Hindi ko mawari kung anong nasa isip nito dahil mahirap siyang basahin.

"Sige na Gee, defend me na..." pagmamakaawa ko pa.


"Ang pangarap nating dalawa ay maglalaban tayo sa korte, hindi ipaglalaban kita sa korte," she said, firmly. I can sense that she's disappointed of me pero hindi ito ang panahon para sermonan niya ako. She needs to defend me and prove them wrong 'cause I am not capable of killing someone. I am innocent.


"Twist of fate, Gee."


"Whatever dude."

"Pero seryoso, ipaglaban mo 'ko Gee. Frenny naman kita. 'Di kita binibigyan ng plus 4 sa uno dati tapos pareho pa tayo ng pangarap 'tsaka hinding hindi ko magagawang pumatay--"

"Walang kriminal na umaamin sa kasalanan."

"But I'm not a criminal!"

"Then why are you here?"

"I was wrongly accused."

"Okay then, spill," aniya saka pumahalumbaba sa harap ko na tila bata na naghihintay ng story telling sa kanyang magulang.

Tumikhim muna ako bago nag umpisang magkwento, "Nasa studio ako kasama si Cree kasi sabi ni Miguel na bantayan ko raw ang anak niya. Alas nueve sa umaga pa kaming magkasamang dalawa ni Cree kaya impossible naman yatang mapatay ko 'yung mama niya." 

"Ba't mo binabantayan ang ugok na 'yun?"

"Yaya ako nila remember?" 

"Whaaat?!" Gulat na tanong ni Gee. 

"True love kasi Gee. Nag-apply akong kasambahay nina Miguel. Alam mo na, lab na lab ko 'yun."

"They'll use that card against you," napapailing na turan ni Gee. Alam ko, at mahihirapan kami sa kasong ito.

"But I am really innocent," usal ko. Gee looked at me intently before taking a deep sigh.

 "Matalino ka Tamara. Isa kang CPA Lawyer pero ang bobo mo sa pag-ibig," aniya. "You're digging your own grave...there's no way out of this shit. 'Di ka pa man lumalaban, talo ka na sa kasong ito, Tamara."

"Then what should I do?" I whispered sofly enough for her to hear.

"Don't ask me to defend you. Ask me to convict you," aniya saka umalis na sa aking harapan. Naiwan akong nakatulala habang pinoproseso ang mga bagay sa isip ko. Tama si Gee. Talo na agad ako.

Iginiya ako ng pulis papasok sa selda. Nasa dulong bahagi iyon at may limang babae sa loob. If I did not miscalculate their age base on their appearance, I bet they're on their 30's, too.
Bahagya akong itinulak ng pulis papasok sa loob ng selda. Napatingin ang limang babae sa akin at napangisi.

"Oy welcome sa bago. Anong pangalan mo?" tanong sa akin n'ong isang babae sa gilid. Hula ko magkasingtangkad lang kami nito dahil sa mahahabang biyas niya at braso. Tuwid ang itim nitong buhok at maputi ang kanyang balat. Medyo may kasingkitan ang mata at serysong nakatingin sa akin. 

"Tamara... Tams for short," sagot ko.

Tumayo ang babaeng ito at inilahad sa akin ang kanyang kamay. 

"Ako si Chile," aniya. Tinanggap ko naman ang kanyang kamay at naghandshake kami.

"'Yang babaeng 'yan ay si Justene." Turo niya sa babaeng kulot ang buhok. "Tapos 'yan naman si Keanna." Napalingon ako sa tinawag niyang Keanna. Maiksi ang buhok nito na hanggang balikat lang. "Yung nasa sulok naman ay si boss Mhaye at Rica."

Isa-isa ko silang pinagmamasdan, grabe...ang gaganda naman ng mga 'to.

"Anong kaso niyo?" tanong ko.

"Murder lang," balewalang sagot ni Chile saka umupo na ulit sa kanyang pwesto kanina.Tangina? Murder lang? Sanaol ni la-lang lang ang kasong murder.Umupo nalang din ako malapit kay Chile kasi siya lang naman ang kumausap sa akin dahil busy sa kani-kanilang mga iniisip ang mga tao sa loob. At dahil gabi na rin naman, natulog nalang din ako nang may maraming iniisip.

Kinabukasan, bigla akong tinawag ng pulis. Ang sabi, may bisita raw ako. Inayos ko muna 'yung sarili ko bago nagtungo sa kung saan naghihintay ang bisita ko kuno.

Pagpasok ko palang sa loob ay agad na sumama ang timpla ng mukha ko. Akala ko bisita, bwesita pala.

"Here comes the murderer," isang tinig ng lalaking kinakasuklaman ko sa balat ng lupa.

"Anong trip mo ngayon, Trip Rios?" Iritang turan ko sa kanya bago umupo. Saka ko lang napansin na hindi pala siya nag-iisa, kasama niya pala ang ugok na si Cree.

"Easy ka lang Atty. Tams," aniya saka ngumisi. "'Di lang ako makapaniwala na nakakulong ka."

"Ngayon na nakita mo na ako, p'wede na kayong lumayas." Yamot na yamot na talaga ako sa pagmumukha palang ng dalawang 'to.

"Why do you have to do that, Tamara?" tanong ni Cree. I needed to shift my gaze to him inorder for me to recognize that it was him who talked. His voice was raspy... i can't barely recognized.

"I'm innocent," madiin kong sabi."Love really sucks, right?" He asked. His eyes were bloodshot. I didn't imagine him to be like this. And never have I imagined that he'll let me see him crying in front of me.

"Was it love that pushed you to kill my mom? You know that my mom was dying yet you still poisoned her! You're a psychopath."

Nanatiling tikom ang aking mga labi at hinahayaan siyang ilabas ang lahat ng kanyang mga hinanakit.

"I thought I could give you a shot because dad loves you so much but you damn ruined everything," he stopped. He then look at me with an unreadable emotion on his face. "I want you to die."

Matapos sabihin 'yon ay umalis na siya. Naiwan kaming dalawa ni Trip na nakatulala.

"That was intense!"

Tinapunan ko ng masamang tingin si Trip.

"Bakit ka ba nandito ha? Hindi naman kita kaano-ano.""Dinadalaw nga kita. Ngayon lang kaya ako ulit umuwi rito sa Pilipinas. Mahigit limang taon din ako sa Singapore at nakakamiss naman kayo," aniya.

Napairap ako sa kanya. "Whatever dude.""Pero naniniwala ako sa iyo atty. Tams," sabi niya na nagbigay buhay sa akin. Who would know that this punk will be the only who'll believe in me? I think i should be nicer towards him

"Thank you, Trip," madamdaming pasasalamat ko sa kanya.Ngumiti siya sa akin. 

"Walang anuman 'yon, atty. Tams. Basta paloadan mo 'ko pagkalabas mo rito ha?" Aniya sabay takbo palabas.

"BWESIT KA, TRIP RIOS!"

Itutuloy...

Plot TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon