Chapter 03: ESCAPED

10 0 0
                                    

Kagaya nang napagplanohan, agad akong umacting na natapilok. Pero mahal yata ako ni satanas kaya imbes na acting lang, biglang totoong natapilok ako.

Napangiwi ako at napasigaw kaya agad na napatakbo sa direksiyon ko ang dalawang pulis. Hudyat naman ito para gawin na nila Mhaye ang parte nila, ang patumbahin ang mga ito.

Wala pang sampung minuto ay tumba na agad ang dalawang pulis. Paano ba naman, black belter 'tong si Mhaye at Rica at kahit pa medyo maganda ang pangangatawan ng dalawang pulis, hindi pa rin sila nakapalag nang pagtulungan na sila nila Chile.

Nang matapos sila ay agad akong dinaluhan ni Chile. Inilahad niya sa harap ko ang kamay niya ngunit napangiwi lang ako.

"Hoy, Tams. Tapos na ang pag-acting, tumayo ka na riyan," aniya saka ako tinalikuran.

"Gaga, totoong natapilok talaga ako. Bwesit!"

Agad naman nila akong nilapitan saka tinignan ang paa ko na namamaga.

 
"Ay tanga ka ghorl."


Sabay sa pagsalita ni Chile ay ang paghilot ni Justene sa paa ko. Napasigaw ako ngunit maagap na natakpan ni Keanna ang bibig ko. Napapikit ako. Pota, mamamatay na yata ako.

"Grabe ka beh, ayos na 'yang paa mo," sambit ni Justene. Napadilat ako ng aking mata saka tinignan ang paa ko. Inalalayan nila akong tumayo at medyo hindi na masakit ang paa ko.

"Tara na," sabi ni Chile kaya lumabas na kami sa selda. Nakasuot na silang dalawa ni Rica ng uniporme ng pulis at ako naman ay nakaposas na.

Naglakad kaming anim papunta sa pintuan. Nand'on ang dalawang pulis na nakatuka ngunit nakapikit ang mga mata. Normal lang kaming naglakad at nagpunta na sa banyo sina Chile. Kami naman ni Rica ay diretso lang ang lakad. Maya-maya pa ay lumiko kami at pumasok sa banyo kung saan nand'on rin sila Mhaye. Tinanggal na rin ni Rica ang posas ko. Ilang minuto pa ay dumating din si Chile bitbit ang mga uniporme. Nasa loob ng plastic ang mga uniporme habang ang mga sapatos naman ay nasa loob ng bag na dala-dala niya.

Kinakabahang nagbihis kaming lahat at inayos ang aming itsura. Pagkatapos ay unang umalis sina Rica, Justene at Keanna. Dahil alam ni Rica ang daan papuntang backgate, silang tatlo muna ang pinauna namin. Ilang saglit lang ay sumunod naman kaming tatlo nina Mhaye.

May nakita akong folder sa table na nadaanan namin. Kinuha ko ito at kunwaring nagbabasa habang nakasunod ako kina chile na prenteng naglalakad. Kunwaring may inaayos ito sa kanyang bag habang si Mhaye naman ay nakashades lang na nakuha niya mula sa pulis d'on sa selda at diretso ang tingin.

Bigla kaming huminto sa isang pintuan. Pagbukas namin dito ay nasa harap na namin ang isang sasakyan. Bumaba ang bintana ng sasakyan at tumambad sa amin ang nakangising babaeng pulis. Nakashades ito habang tumataas baba ang kanyang kilay.

"Sakay na," aniya.


Kinakabahan akong napalingon kay Mhaye na seryosong nakatingin dito. Sablay ba ang plano?

Maya-maya ay kumurba ang labi nito at biglang ngumisi. Walang kung ano-ano ay nakita ko nalang ang sarili ko na nakasakay sa sasakyan.

"Malinis ba, Ville?" tanong ni Mhaye.

"Yes boss," aniya at nagsalute pa.

 
" O'right!" sigaw ng mga kasamahan namin.

 
"S'an tayo pupunta?" tanong ko sa kanila.


Nilingon ako ni Keanna. "Sa bagong biling bahay ni boss Mhaye. Mayaman kasi 'yan beh."

Napabaling ako kay Mhaye. Halata nga na mayaman, kutis palang, e.


"By the way, magpapakilala muna ako sa iyo nang pormal," ani ni Keanna. Inayos niya muna ang kumawalang hibla ng buhok at itinago sa likod ng tenga. "Ako si Keanna Mae Varrientos. Trenta anyos at isa sa famous youtuber noon. Halos limang taon na rin ako sa kulungan."

Napanganga ako sa narinig ko. 'Di nga? Siya si Keanna Mae? 'Yung idol ko na youtuber? Saka ko lang din napagmasdan ang kabuoan ng kanyang mukha. Ang dimple nito at ang kanyang mapupungay na mga mata. Siya nga...siya nga!

"Hala ampota. Papicture nga ako sa 'yo mamaya," biglang naibulas ko. Gulat na gulat ako.

Tinignan ko naman si Justene na ngayon ay tahimik lang. Pamilyar ang kanyang mukha. Feeling ko nakita ko na talaga siya dati.

"Siya ang drummer sa bandang The Pedros. Siya si El Justene." Bulong sa akin ni Keanna.

"Tangina, seryoso?"

 
Tumango tango sa akin si Keanna. Binalik ko ulit ang atensiyon ko kay Justene at tangina, totoo nga.

"Sanaol," rinig kong bulong ni Chile.


"Ikaw, Chile?" tanong ko.


"Ako? Math teacher ako tapos asawa ko civil engineer," aniya.

Napatango ako.

 
Maganda pala buhay ng mga ito bago nakulong. Sanaol.


"Ikaw, Tams?" tanong niya pabalik.


"Ako? Simpleng mamamayan lang sa mundo. Isa akong CPA Lawyer na bobo."


"Grabe ka sa bobo ha?" suway sa akin ni Rica.

 
"Oo nga. Sayang 'yung pinag-aralan ko kung makukulong lang ako sa maling akusa." Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na umiyak. Minsan nakakapagod din magmukhang matapang lalo na't hinang hina ka na sa mga nangyayari.

Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko gamit ang kamay ko kaso para itong gripo ng tubig na patuloy lang sa pagdaloy.

"Sometimes, you need to do justice on your own," sambit ni Mhaye. Diretso lang ang tingin nito sa daan at walang kaemo-emosiyon ang mukha.

"Hindi naman ako gan'yan. At saka, hindi ko rin ugaling magtanim ng galit."

"But what are you gonna do? Karma sometimes forget his tasks and the law can be manipulated. Would you let them still do what they did to you or would you put an end to it?" seryosong tanong sa akin ni Mhaye habang nakatingin sa akin gamit ang rearview mirror.

I stared at her for a while.


What are you up to, Mhaye?

"I am not evil, but I ain't saint, too. If things happens, there might be a reason to it. Every decisions we made are followed by it's consequences. I am not telling that I'll just let it slipped away but rather, I'm telling that I'm giving them chances. I set limitations quite high enough for them not to be able to go beyond. Once they've crossed the line, they'd definitely regret it."

"Wow. Ang astig mo, Tams," biglang sabat ni Chile.

 
Nahihiyang napakamot ako sa noo ko at napangiti.

 
"I'll remember that, Tamara," nakangising wika ni Mhaye.


Pinagsawalang bahala ko nalang ito at itinuon na ang atensiyon sa labas ng bintana ng sasakyan. Purong mga puno ang nakikita ko sa labas at mga medyo may kalayuang mga bahay-bahay. Ilang kilometro pa ay huminto na ang sasakyan sa harap ng isang malaking bahay.

Bumukas ang gate at pumasok ang sasakyan namin sa loob. Bumaba kami ng kotse ng makapagpark na ito sa garahe.

Naunang bumaba si Mhaye saka kinausap ang kasambahay na ngayon ay nakaabang sa amin sa pinto. Sumunod kami dito nang igiya kami papasok sa bahay.

Malaki ang bahay at halatang mayaman ang may-ari base sa mga muebles at marmol na sahig. Ang naglalakihang chandelier ay nakakalula sa sobrang ganda.

"Feel at home...take a rest for awhile," bilin sa amin ni Mhaye. "Pili lang kayo ng kwarto. May tatlong kwarto rito sa baba, sa second floor may tatlo ulit tapos sa third floor may dalawa. Nasa third floor 'yung kwarto ko. Kung may kailangan kayo, sabihin niyo lang kay manang."

"Mhaye, sa iyo ba nakarehistro ang bahay na ito?" tanong ko.

"Don't worry, i'm not dumb," aniya. "Sige matutulog na muna ako."

Naiwan kaming anim sa sala. Hinubad ko na 'yung cap ko at sapatos. Nakita ko rin na gan'on ang ginagawa ng iba bago umupo sa sofa.

Pinagmasdan ko ang kanilang mukha at bakas dito ang kasiyahan.

"Nood muna tayong,Tv," suggest ni Ville.
Ini-on naman nito ang flat screen Tv ni Mhaye na para kang nasa sine sa sobrang laki ng Tv na ito.

Lahat ng channel sa Tv ay purong mga balita tungkol sa aming anim. Nagdulot ito ng pagkayanig sa buong bansa sa kaalamang pawang mga murder suspects at mga pinag-alamang henious crime ang nagawa ng mga presong nakatakas. Malaki ang patong sa ulo naming anim na ipinataw ng presidente ngunit ang pinakamalaki ang pataw ay walang iba kundi kay...

Mhaye.

Itutuloy...

Updates will be on every Thursday and Friday.

Plot TwistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon