"DNA"

2.3K 49 0
                                    

"DNA" 


"Moe, I'm pregnant." 


Tinanggal ko yung earphone sa tenga ko. Nakasilip siya sa may bintana. 


"Ano yun baby?" 


Huminga siya ng malalim bago magsalita ulit. 


"I'm pregnant." 


Pregnant? She's pregnant? Lumabas ako sa tent. Halos lumuwa naman ang mata ko sa nakita ko. She has a not so big belly. 


"Look. Ayan ang ginawa mo sakin?" 


Napangiti naman ako na lumapit sakanya. Hinawakan ko ang tummy niya. 


"So you're really pregnant huh?" 


Tumango siya. "Panagutan mo ko." 


"Ako ba talaga ang daddy nito?" 


Tinaasan niya ako ng kilay. 


"Kung hindi ka naniniwala edi wag. Iba nalang ang daddy ng baby na toh." 


Akmang aalis na siya pero pinigilan ko siya. Hinawakan ko ang magkabilang kamay niya. Hinalikan ko yun. 


"Ito naman, nagtatanong lang naman ako." 


Hindi siya sumagot. Sumimangot pa siya. Tuluyan na akong natawa kaya naman para makabawi lumuhod ako sa harap niya at pumantay sa tummy niya. 


"Hi My Angel. I'm your Daddy Elmo." 


Tumingin ako kay Julie. Nakatingin lang siya sa ginagawa ko. 


"Nagsusungit nanaman ang Mommy mo oh. Ibang klase noh? Siguro may gusto siyang hilingin kay Daddy mo. Alam mo ba ang gusto ni Mommy mo my angel? Tell me." 


Tinapat ko ang tenga ko sa tummy niya. Maya maya may narinig ako. Natawa naman ako. 


"Naku, mukhang alam ko na ah?" 


Tumingin ako kay Julie. Nakangiti na siya ngayon. Tinakpan niya ang bibig niya para pigilan ang kanyang tawa. 


"Gutom na ba kayo my angel? Tamang tama may ginawang food si Daddy para sainyo ni Mommy mo." 


Tumayo ako. Inakay ko si Julie sa loob ng tent. Pinaupo ko siya dun habang ako naman nag-aayos ng pagkain. Madami akong dala na fruits pati salad. Nagdala din ako ng favorite niyang almond at orange juice. 


"Wow. Prepared ka ah?" 


Ngumiti naman ako kay Julie. 

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon