"Not here"

1.8K 53 1
                                    

"Not here" 


"Wow. Sexy natin inaanak ah?" 


Natawa naman ako sa sinabi ni Ninang Mariti. 


"Buti nag see through ka?" 


"Alam mo naman siya Ninang. Kapag hindi ako nagsuot ng ganito baka kumot na ang susunod ko isusuot sa pool." 


Natawa naman siya. "Alam mo yang boyfriend mo na yan napaka over protective. Sinabi ko naman sakanya na aalagaan kita pero mukhang ayaw maniwala at talagang nagpunta pa dito." 


"Oo nga Ninang eh. May sapi talaga siya. Akala niya siguro byaheng Antipolo to Nova lang ang ginagawa niya. Kung maka byahe dito eh." 


"Pero alam mo? Siya lang ang lalaking kilala ko na gagawin yun para sa girlfriend niya. Yung iba hindi sila mag aaksaya ng panahon,oras at pera para lang pumunta sa malayong lugar at bantayan ang girfriends nila noh." 


Napangiti naman ako. Tama naman si Ninang. Nag-iisa lang talaga siya. Siya lang ang gumagawa nun. Sakin niya lang ginagawa yun. 


"Mabuti nalang at mahal na mahal ka niya." 


"Mahal ko din naman siya Ninang. Ang hirap nga mag pretend sa harap ng tao na kunwari hindi na ko naaapektuhan sakanya. Sa gwapo niyang yan at sa sweet niyang yan hindi ka maaapektuhan? Naku lang." 


Tinapik niya ko. "Ang maganda sa lahat ng nangyayari sainyo inaanak, kahit pa may iba siyang nakakasama na babae, ikaw lang ang tinitingnan niya at iniisip niya. Maraming girls ang pwedeng mahulog sakanya pero swerte mo at sayo lang naka glue ang mata niya." 


"Oo nga Ninang eh. Ang swerte ko talaga sakanya. Sana lang hindi siya magsawa sa kakahintay samin, sakin." 


"Inaanak, kung nagsasawa yun edi sana ngayon palang wala na siyang pakialam sayo. Sana dati pa bumitaw na siya sainyo." 


"Oo nga po, Ninang. Marami pa rin akong dapat ipagpasalamat sakanya." 


Biglang tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang nagtext. 


"I'm still waiting.." 


Natawa naman ako. 


"Oh? Hinahanap ka na?" 


Tumango naman ako. "Opo Ninang. Adik yun eh. Nandyan lang siya sa may pool kung hanapin naman ako kaagad." 


"Clingy na talaga sayo si Elmo. Sige na, puntahan mo na. Dito mo na siya patulugin ah? Pinakuha ko na sa driver yung gamit niya sa hotel." 


"Salamat po Ninang." 


"Inaanak, malaki na kayo ni Elmo. Alam niyo na ang tama at mali. Ang pwede sa hindi. Nangako ako sa magulang mo na babantayan kita pero mukhang hindi ko magagawa yun lalo na kung nandyan ang weakness mo." 

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon