"Fact or Bluff"

10.1K 21 0
                                    

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah !!!"

Napasigaw si Elmo ng mapanuod niya ang Celebrity Bluff kung saan guest si Julie. Hindi niya mapigilan na maihagis ang IPhone 5 niya sa sobrang galit. Narinig naman ito ng Mama niya kaya agad siyang pinuntahan nito.

"Moses? Anong nangyari?" Nag-aalalang pumasok sa kwarto ni Elmo.

Hindi pa din tinitingnan ni Elmo ang kanyang ina. Masama pa din ang tingin nito sa TV. Nakitingin na din si Ms. Pia sa kung ano man ang pinapanuod ng anak. Nakita niya si Julie. Nakalimutan niya na guest nga pala si Julie sa Celebrity Bluff. Agad na niyang naisip kung bakit napasigaw si Elmo at kung bakit masama ang tingin nito sa TV. Hindi naman niya napigilan ang mapatawa.

Tumingin ng seryoso si Elmo sakanyang ina.

"Ayy Sorry" Tumigil sa pagtawa si Ms. Pia. Tinabihan niya ang kanyang anak sa kama. “Kaya naman pala nakakunot ang noo ng anak ko eh..Come on Moe, game show lang yan”

"Kahit na Mom..ginawa pa din niya yun at nakita mo po ba yung lalaki? Tuwang tuwa naman ang loko!" Galit na sabi ni Elmo.

Napatawa nanaman si Ms. Pia.

"MOM!"

"Sorry..ikaw naman kasi anak ang seloso mo lang. Chill lang ok? Game show lang yan. Mahal ka ni Julie baka nakakalimutan mo?" tinapik tapik ang balikat ng anak.

"Basta lagot ka talaga sakin Julie Anne! Lagot ka sakin." Sa isip ni Elmo.

Tumayo na si Ms. Pia. "Tama na yang pagkunot ng noo mo. At mag ayos ka na nga pupunta dito si Julie diba?" At lumabas na nga si Ms. Pia sa kwarto ni Elmo.

Naiwan pa rin si Elmo na galit na galit dahil sa napanuod. Kinuha niya ang cellphone niya at nakita niyang may 17 text messages siya at lahat yun galing kay Julie. Nagbasa siya ng ilan sa mga text ni Julie.

"Baby, I’m On my Way na dyan…"

"Hey! reply ka naman."

"Moe! Are you ok? Psssssst !!!"

"Baby!!!"

"Pag hindi ka nagtext sakin tatawagan na talaga kita!"

"HUY!!!"

At ginagawa nga ni Julie ang sinabi nitong pagtawag. Nag ring ang phone ni Elmo pero tinitigan lang ito ng binata.

"Magsawa ka sa kakatawag dahil hindi kita sasagutin." At humiga na ulit si Elmo sakanyang kama at natulog.

…….Julie’s Side……..

"What the? Bakit hindi sinasagot ng Mokong na yun ang tawag ko?" tanong ni Julie sakanyang sarili.

"Anak? May problema ba?" tanong ng kanyang Mama.

Napayuko si Julie. “Wala po….”

"Baka tulog si Elmo." sabi ng kanyang Papa. "Malapit lapit na tayo sakanila kaya wag ka ng sumimangot dyan."

"Pero hindi po talaga ako mapalagay. Kilala ko po si Elmo kahit pagod yun at tulog yun kapag ako ang tumawag sasagutin niya agad agad."

"Bakit hindi mo tawagan ang Tita Pia mo?" sabi ng kanyang Mama.

"Oo nga po pala! Si Tita Pia!" Agad naman tinawagan ni Julie ang Tita Pia niya.

"Hello? Tita Pia?"

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon