"Biyahe"

4K 42 3
                                    

"Biyahe"

"Come with me?"

Napakunot noo ako. "Where?"

Ngumiti lang siya sakin. Pinagbuksan niya ko ng pinto.

"Are you sure about this? I mean..na kasama mo ko?"

"What's wrong with that? Julie, chill ka lang okay? Trust me."

Sumakay na ko sa loob ng kotse niya. Sumakay na din siya at nagsimula ng mag maneho. Tumingin ako sakanya. Nakangiti siyang tumingin sakin.

"Wag kang mag-alala. Mag roadtrip lang tayo."

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

Tumingin siya sa daanan.

"Sa lugar kung saan pwede tayong magpakatotoo. Sa lugar na walang manghuhusga sa atin."

Hindi ko man alam kung saan niya ako dadalhin, hinayaan ko nalang siya. Mabilis lang ang biyahe. At sa mga nagdadaang minuto na kasama ko siya dito sa loob ng kotse, napapaisip ako kung ano ang pwedeng mangyari pagkatapos ng biyaheng ito.

"Why so quiet?"

Napatingin naman ako sakanya.

"Ha?"

"You hungry? Gusto mo bumili muna tayo ng pagkain?"

Tumango nalang ako. Nagugutom na din kasi ako eh. Nag stop over kami sa may gasoline station. Saktong may starbucks doon. Siya na ang bumama at iniwan ako sa kotse. Tumingin ako sa loob ng kotse at nakita ko yung cellphone niya na nasa back seat. Kinuha ko yun. Tiningnan ko.

"40 missed calls and 35 unread messages."

Kilala ko si Elmo. Pareho kami na hindi kayang mawala ang cellphone sa buhay namin. Ngayon ko lang nakita na hindi niya sinasagot ang mga tawag o text man lang sakanya ng mga tao. Tumingin ako sa labas, wala pa naman siya. Binuksan ko ang inbox niya at nagulat ako kung kanino galing lahat ng messages.

"Tita Pia.." Bulong ko.

Nagulat nalang ako ng makita ko na wala na sa kamay ko ang cellphone niya. Tumingin ako sa harap ko. Nandito na pala siya hindi ko man lang napansin.

"You're back."

Tumango siya. "Here."

Inabot niya sakin yung binili niya. Nagsimula na ulit siyang magmaneho. Habang nasa biyahe nakatingin lang ako sakanya. Kumakain ako pero siya hindi?

"Moe.."

"Hmm?"

Inilapit ko sakanya yung kinakain ko.

"Kain ka.."

"Sayo yan. Mamaya nalang ako kakain."

Umiling ako. "Wag ka ng makulit at kumain ka na."

Napatingin siya sakin.

"Please?"

Napangiti ako ng kumagat siya. Kumakain kami ngayon. Nagmamaneho siya habang ako sinusubuan siya ng pagkain.

"Don't mind it."

Bigla niyang sabi.

"Ha?"

Tumingin siya sakin. "Yung nabasa mo sa cellphone ko."

Napabuntong hininga ako ng maalala ang nabasa ko.

"Hindi nila alam?"

Tumango siya.

"Bakit hindi ka nagpaalam? Baka pagalitan ka.."

Ngumisi naman siya. "What's new? Palagi naman. Sanay na ko."

"Moe, hindi kinakasanayan ang mga ganung bagay."

"Anong magagawa ko? Galit na sila. Lilipas naman yang galit nila eh. Kilala ko sila kapag galit sila dahil may nagawa akong bagay na hindi nila nagustuhan, sure na ang kapalit nun ay may ipapagawa silang mga bagay na hindi ko magugustuhan."

Napailing nalang ako.

"Moe, hindi mo ba naisip na dahil sa ginagawa mo kaya nga nahihirapan? Kaya tayo nahihirapan?"

Hininto niya ang sasakyan. Huminga siya ng malalim bago tumingin sakin.

"Anong magagawa ko? Miss na miss na kita. Nakikita man kita sa SAS pero hindi naman kita malapitan at makausap."

Hinawakan niya yung kamay ko.

"Sa mga ganitong paraan ko nalang pwedeng maipakita sayo kung gaano kita ka-miss. Kung gaano kita gustong makasama. Napaka-simple nalang ng mga bagay na toh so please...wag mo na kong pigilan."

"Naiintindihan naman kita eh..ako din naman gusto kitang makasama. Ang hirap kaya na magpanggap na parang hindi kita kilala para lang makaiwas sa issues. Moe, ayoko lang na mas pahirapan ka nila. Sanay naman tayo na nagtitiis diba? Sanay naman tayo na naghihintay diba?"

Hinaplos niya ang mukha ko.

"Maswerte ako at ikaw ang mahal ko. Palagi mong iniintindi ang sitwasyon natin. Hayy. Kung yan ang gusto mo gagawin ko pero ngayon, hayaan mo muna sila. Tayo munang dalawa."

Ngumiti naman ako sakanya.

"Thanks Moe. Tara na?"

Ngumiti siya sakin. "Nandito na tayo."

Tumingin ako sa labas sabay tingin ulit sakanya.

"Church?"

Tumango siya. "Sabi ko nga sayo, pupunta tayo sa lugar kung saan pwede tayong magpakatotoo at walang tao na manghuhusga satin."

Napangiti ako sa sinabi niya. Lumabas na kami sa sasakyan. Pumasok kami sa loob. Good thing walang tao. Lumuhod kami at nagsimula ng magdasal. Habang nagdadasal hindi ko maiwasan na hindi siya tingnan. Nakapikit siya habang nagdadasal. Ano kayang pinagdadasal niya? Kasama ba ko sa pinagdadasal niya? Tumingin ako sa altar sa harap namin.

"Julie.." Bulong niya.

Napatingin naman ako.

"Wait lang ah? May kukunin lang ako sa kotse."

Tumango ako. Naglakad ako papunta sa altar. Humawak ako sa mga santo na nandun. Maya maya narinig ko siya.

"Julie!" Sigaw niya.

Nagulat ako kasi sumigaw siya. Sasabihan ko sana siya na wag sumigaw..

"Palipad tayo ng kite?"

Napangiti nalang ako. Gusto niya na nag enjoy kami. Tumingin akong muli sa altar. Sakanya. Sa Diyos na makapangyarihan sa lahat.

"Lord, wag niyo po sanang hayaan na sumuko kami sa isa't isa ah? Siya parin po kasi ang gusto kong mahalin ng paulit ulit. Siya lang. Si Elmo lang."

At ipinikit ko ang aking mata.

"Anak?"

Napamulat ako. "Papa?"

"Nak, lakad lakad din. Ayun na si Joanna oh."

Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Sorry po. Sige po."

Tumingin muna ko sakanya bago ko tuluyan lumabas ng simbahan.

"Yung dasal ko po..yun parin mo ang dasal ko hanggang ngayon. Next time po kasama ko na po siya ulit."

Bigla akong nakaramdam ng hangin..

"Maraming salamat po."

The End.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon