"The Fall"

9.9K 23 0
                                    

Napahinto ang lahat ng makita si Julie na nadulas. Lahat ng tao nag alala. Lahat ng tao hindi alam kung anong gagawin. Nagsilapit ang mga tao kay Julie para alalayan ito kaso hindi talaga kaya tumayo ng dalaga.


“Julie, are you ok?” tanong ni Diva.

“Julie..” sabi ni Wyn.

“Julie, kaya mo ba tumayo?” sabi ni Mayton.

“Julie, dalhin ka na namin sa backstage.” Sabi naman ng isang staff.

Walang maisagot si Julie kundi iyak. Grabe ang pagkakadulas niya at kung ikaw ang nasa 
posisyon niyang yun mas pipiliin mo nalang ang umiyak at maupo dahil sa sakit na mararamdaman mo. Sakit at kirot. Sa isang banda naman lumabas si Alden. Lumabas siya para makita kung ok lang si Julie. Lumabas siya para alalayan ito kaso dahil sa dami ng tao ang nakapaligid kay Julie nanatili siyang nakatayo sa isang gilid.


“Ok lang po ako kaso..masakit lang po talaga yun paa ko.” Naiiyak na sabi ni Julie.

“Buhatin ka nalang namin.” Sabi ng isang dancer.

Umiling si Julie. “Hindi ko po talaga kaya tumayo. Ang sakit po talaga.”

Hindi na alam ng mga tao dun kung anong gagawin kay Julie. At kung lahat ng tao nag-aalala sa kalagayan ni Julie, may isang tao din na halos hindi makagalaw sa kinakatayuan niya ng makita niya si Julie na nakaupo sa sahig at umiiyak. Tinitigan niya ito sandali at ng bumalik sa katinuan agad siyang tumakbo papalapit sa dalaga.


“Excuse me”

Napalingon naman ang iba kay Elmo. Lumuhod si Elmo para mapantayan si Julie. Hinawakan niya ang kamay nito at bakas sa mukha ang pag-aalala.

“Are you Ok? Anong nangyari?” nag-aalalang tanong ni Elmo.

“Nadulas ako.” Naiiyak na sabi ni Julie. “Ang sakit”

“Shhh..stop crying.” Hinawakan ni Elmo ng mahigpit ang kamay ni Julie.


Pinaalis na ng isang staff ang mga artistang nakapalibot kay Julie. Alam na nila na nandun si Elmo at hinding hindi niya papabayaan ang dalaga. Dahil sa nakita ni Alden, pumasok nalang ito sa loob dahil mukhang hindi naman na siya kailangan.


“Julie, kung hindi mo kaya gagamutin ka nalang namin sa backstage. Nag-aalala na din si Direk Rico sayo.” Sabi ng isang staff.

“Bubuhatin nalang kita kung hindi mo kaya.” Sabi naman ng isang dancer.

Tinapik ni Elmo yung dancer. “Pre, Ako na.” At umalis na yung dancer.

“Kaya ko po.” Sabi ni Julie sa staff.

“Ok sige.” At umalis na yung staff.


Naiwan si Julie at Elmo. On air pa din kaya makikita mo kung paano alagaan ni Elmo si Julie. Kung paano ito mag alala.


“Ok ka na? Kaya mo ba?” tanong ni Elmo.

Tumango naman si Julie.

“Kaya mo?” tanong ulit ni Elmo.

Nag ok sign si Julie. “Kakayanin”


At tumayo na si Elmo, inalalayan niya si Julie para hindi ito matumba. Muli, ipapakita nila sa mga taong nanunuod sakanila na kahit may aksidente na nangyari makakapag perform sila ng maayos. Hindi pa din napigilan ni Julie ang luha niya. Naramdaman nanaman niya yung sakit kaya napahawak siya ng mahigpit sa kamay ni Elmo.


“Ano kaya mo?” nag-aalalang tanong ni Elmo.


Tumango naman si Julie at hinigpitan lalo ang pagkahawak sa kamay ni Elmo. Nag simula na silang kumanta na dalawa. Kung titingnan mo mabuti hindi maialis ni Elmo ang tingin niya kay Julie. Ramdam kasi niya ang sakit na nararamdaman ng kapareha. Gumanti din siya ng higpit ng hawak para ipaalam sa dalaga na nandito lang siya at hindi niya iiwan ito. Natapos ang kanta. Patuloy pa din sa pag-alalay si Elmo hanggang sa backstage. Iika ika si Julie maglakad. Huminto muna si Elmo sa paglalakad at napahinto din si Julie.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon