"Bottle"

4.9K 53 3
                                    

"Bottle"

"Shot pa!! Shot!!!!"

Naririnig ko na sigaw nila. Kahit ako naman nakikisigaw din eh. Gaya gaya lang. May napansin ako sa isang table. Hindi ganun kalayo sa table namin. Lumapit ako sakanya.

"Lasing ka na ata."

Napatingin siya sakin. Nagulat ko ata siya. Napalitan naman agad yun ng ngiti.

"Hello! Hindi ah. Hindi naman ako mabilis malasing."

Natawa nalang ako. Halata naman kasi sa mukha niya na lasing na siya ayaw pa niyang umamin.

"Oo na sabi mo eh. Sino yung kasama mo kanina?"

"Ayun ba?" Tinuro niya.

Tumango naman ako.

"Girlfriend ko kuno"

Sabi niya sakin sabay inom ng alak.

"Talagang may kuno ah? Haha. Hindi ba kayo?"

Umiling siya. "May boyfriend siya at hindi ako yun. May girlfriend ako ay hindi siya yun."

Napakunot noo ako. "Eh sino ba ang girlfriend mo?"

Tumingin siya sa mata ko. Ngimiti siya sakin at biglang umiling. Hindi ko na siya kinulit pa. Napangiti nalang ako. Siguro yung taong yun. Siya siguro ang girlfriend niya. Tumayo ako at dali daling pumunta sa dance floor para makipag sayawan sa iba kong kaibigan.

"Saan ka nanggaling, Vice?"

Tumingin ako sa kausap ko. "Dyan lang nanlalaki ako. Haha"

Natawa naman si Billy sa sinabi ko. Dahil intregera ako. Hindi ko inalis ang mata ko sakanya. Nakita ko na tumayo siya at pinuntahan ang taong yun. Pinatayo niya ito at hinila sa may labas.

"Saan kaya pupunta yun?"

"Iuuwi na niya siguro yun."

Napalingon ako sa nagsalita.

"Ikaw pala yan, Janine."

Ngumiti siya sakin. Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Alam kong nahalata niya yun kaya naman hinila niya ang kamay ko papunta sa labas.

"Look at them.."

Sinunod ko ang sinabi ni Janine. Chismosa na kung chismosa. Gusto ko talaga malaman kung anong meron sakanilang dalawa.

"Bakit ka ba umiinom? I told you not to drink diba?" Mataray na sabi niya.

"Hindi naman baby eh. Konti lang talaga. Alam mo naman na hindi ako iinom kunh hindi ako aayain diba?"

Pagpapaliwanag ni Lalaki. Ang gwapo niyang lasing. Nakakalaglag boxers ay panty pala. Haha.

"At nagpadala ka naman?"

"Sorry na baby. Nagsasaya lang naman eh. Promise hindi na po."

Tumingin siya ng masama kay gwapong lasing.

"Promise?"

Parang bata naman na sunod sunod na pagtango ang binigay niya kay Gandang babae na badtrip.

"Ok. Umuwi na tayo. Ako na magmamaneho."

"Uuwi na ba talaga tayo? Eh kakarating mo palang ah? Ayaw mo muna bang pumasok sa loob?"

"Para saan pa?"

Ngumiti si gwapong tipsy. Ang dami ko lang tawag sakanya. Nakita ko na hinawakan niya sa bewang si Gandang Babae.

"Para makilala ko yung mga kaibigan ko. Para mapakilala kita."

Umiling si Gandang babae. "Wag na, Moe. Di naman importante kung sino ako eh."

Napakunot noo si Gandang lalaking Elmo.

"Anong hindi importante? Importante ka noh. Ikaw ang girlfriend ko. Ikaw ang mahal ko kaya importante ka."

"Moe..ayoko lang na ma-issue tayo. Nandito kaya si Janine and hello, Hindi naman talaga ako nag babar diba? Ano nalang ang sasabihin nila?"

Humalik si Elmo sa buhok ni Julie.

"Julie, baby ko..wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. And so kung makita nila na nandito ka? Nandito naman ako para protektahan ka."

"Moe.."

"Trust me ok?"

Nakita ko na nagdadalawang isip siya. Ayaw niya siguro na madamay sa gulo. Yun kasi ang narinig ko eh. Nakita ko din sa twitter. Pati sa wattpad. Nagbabasa kaya ako. Haha.

"I do trust you..pero yung press.."

"Wag kang mag-alala. Safe tayo sa bar na ito. Tayo tayo lang naman ang nandito eh. Gusto ko lang makasama ka tonight. With my friends. As my girlfriend and not my friend."

Unti unting napangiti si Gandang Babae.

"Sige na nga. Basta wag ng iinom ah? Tama na. Kundi iuuntog kita dyan sa pader."

Natawa naman si Elmo. "Pangako."

Tumingin ako kay Janine. Nakangiti siya.

"Wala lang sayo?"

"Ang alin? Yun? Wala noh. Ano ka ba! Ako pa nga may atraso sakanila kasi ako ang dahilan kung bakit hindi sila magkasama. Hayaan mo lang sila. Ganyan talaga yan. Sweet."

Napangiti ako. CONFIRMED! Si Julie at Elmo nga talaga. Tumingin ako sa gawi nila at napanganga ako.

BOOM PANES!

"Kissing kissing?"

Napailing nalang ako.

"Ipapasok ko tong dalawang ito sa PBB house. Maka PBB Teens, WAGAS."

The End.

JuliElmo One Shots (All in One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon